MARIANNE Masaya ang naging buhay ko after ng kasal namin ni Andrew. Kahit na hindi naman kailangan ay nag-honeymoon pa rin kami. Buntis na nga ako pero gusto niya raw dahil iba raw ang mga advance honeymoon namin noon. Hindi pa naman daw kami kasal noon at ngayon na kasal na kami ay dapat lang gawin ang honeymoon. Ayaw ko mang iwan ang mga bata ay wala akong choice dahil itong asawa ko ay mapilit talaga. Naks! May asawa na talaga ako, hindi na ako basta inaanak na lang. Nasa akin na talaga ang lahat ng karapatan. Naging maayos na natapos ang honeymoon namin. At syempre gusto naman namin pareho lalo na si yorme ang pinaglilihian ko. Hindi naman ako ganito pero ngayon na buntis ako ay siya na talaga ang hinahanap ko. Naiinis na nga ako sa sarili ko dahil masyado na talaga ito. Pabor na p

