MARIANNE “Lumayo ka sa akin!” “Ayaw ko nga,” sabi ko at lumalapit ako sa kanya. “Makisama ka na lang, hindi talaga siya nagbibiro iisa-isahin niya talaga ang ngipin mo,” sabi ni Libby sa lalaki na halatang tinatakot na niya. Mabilis ko siyang sinabunutan ang buhok niya at itinutok ko sa kanya ang hawak ko. Palapit ng palapit hanggang sa bigla na lang siyang sumigaw. “Oo na! Sasabihin ko na!” sigaw niya sa akin. “Talaga, sasabihin mo na?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot. “Tinatanong ka. Sasabihin mo na ba?” tanong ni Libby sa kanya. Hindi siya nagsasalita kaya biglang umiinit ang ulo ko. Ayaw ko ng ganito dahil baka mawala ako sa sarili at masaktan siya ng totoo sa akin. “Wala ka bang balak na magsalita? Gusto mo na bang isa-isahin ko ng tanggalin ang mga ngipin m

