THIRD PERSON POV Dala-dala ang sako bag na may lamang mga damit at naglalakad si Gene sa labas ng subdivision ng mga Alonzo. Tirik na tirik ang araw at nauuhaw na siya kaya naman umupo muna siya sa tabi para uminom ng tubig. Sa ayos niya ngayon ay para siyang isang babaeng ngayon pa lang naluwas sa city. Mahaba ang suot niyang palda at nakasuot pa siya ng longsleeve na para bang damit pa ng lolo niya. May suot rin siyang salamin sa mata na parang isang strict na teacher at itsura niya. Makaluma rin ang style ng pagtali ng buhok niya. Morena ang natural na kulay ng balat niya kaya naman hindi na niya kailangan pa na baguhin ito. Ang tanging binago lang niya ay nagsuot siya ng salamin sa mata at naglagay ng dalawang nunal sa mukha niya. “Inday, naliligaw ka ba?” tanong ng isang matanda

