THIRD PERSON POV “Chicky, sorry ha.” umiiyak na sambit ni Gene. Nilibing na niya ang manok na nagsakripisyo para sa kanya. “Why are you here?” tanong ni Romell sa manang na babae na umiiyak. “Nilibing ko lang po si Chicky, Sir.” sagot nito sa kanya. “That’s just a chicken. Bakit iniiyakan mo pa?” tanong niya sa babae. “Siguro po ay para sa ‘yo, simpleng manok lang siya pero para po sa akin ay alaga ko po siya. At higit po sa lahat, pabaon po siya sa akin ng tatay ko,” umiiyak na sambit nito. “Crazy woman,” sabi nito bago ito umalis dahil ayaw niyang makipag-usap sa weird na babae. “Mas baliw ka,” mahina na sambit ni Gene at inayos na niya ang sarili para bumalik na sa silid niya. ***** Samantala sa kabilang banda ay pumasok na rin si Libby sa loob ng bahay ni Ayra. Nakakulot ang k

