MARIANNE
“If okay lang ay puwede ko bang itanong kung saan ang mommy mo? Bakit hindi niyo siya kasama?” tanong ko sa kanya.
“Si mommy po ay nasa Paris. Iniwan po niya kami,” sagot niya sa akin.
“Iniwan? Bakit?” tanong ko sa kanya dahil curious ako.
“Hindi ko po alam ang reason. Wala pong sinabi si daddy kaya po ako naiinis sa kanya. Naghiwalay po sila at hindi sinabi sa amin kung ano po ang dahilan. Kaya po ako naiinis kay daddy kasi tinatanong ko po siya ay sinabi niya na hindi naman daw kami iniwan. Na sabi niya nagbabakasyon lang si mommy. For four years po?” parang naiiyak na sagot niya sa akin kaya bigla na lang tuloy akong nagsisisi kung bakit ko pa siya tinanong.
“I’m sorry, sorry nagtanong ako. Pero baka may reason sila, lalo na ang daddy mo. Baka gusto niyang sabihin sa ‘yo kapag malaki ka na, kapag malaki na kayo. Kapag naiintindihan niyo na. Kapag lumalalaki kasi ang isang tao ay nagiging kumplikado ang lahat. Minsan nga mas gugustuhin mo na lang na sana bata ka na lang forever.”
“Kaya po alam mo po, binabantayan ko ng maigi si daddy kasi ayaw ko na mapunta siya sa iba. Baka po magalit si mommy. Baka po lalo niya kaming iwan at hindi na siya bumalik talaga. Sorry po, sorry po kung napagkamalan po kita na babae ni daddy. Kasi po marami talaga ang may gusto sa daddy ko dahil mabait na gwapo pa.” sabi niya kaya napangiti na lang ako sa kanya.
“Kalimutan mo na ‘yon. Okay lang sa akin, hindi naman kasi ako nagpakilala sa ‘yo agad kaya napagkamalan mo ako. Kasalanan ko rin naman,” sabi ko sa kanya kasi ayaw ko na naiilang siya sa akin.
“Ate may boyfriend ka na po ba? Ang ganda-ganda mo po kasi, mas maganda ka pa nga sa mommy ko.” sabi niya sa akin kaya nagulat ako.
“Wala pa, wala pa naman akong nagustuhan. Kasi naging focus ako dati sa sarili ko noong nasa US ako. Gusto ko kasi na maka-graduate muna para naman ang daddy ko ay maging proud sa akin. Pero kasi ngayon, wala na siya. Pero alam ko na noong araw ng graduation ko ay sobrang proud siya sa akin. If ever man na may dumating ay gusto ko na maging katulad siya ng daddy ko. Gusto ko ang mabait at mapagmahal na lalaki,” sabi ko sa kanya.
“Anak ka po talaga ni Tito Marlon, pareho po kayong mabait. Noong wala ka pa dito ay marami siya laging kwento tungkol sa ‘yo. Proud na proud siya sa ‘yo, ate. Kaya po nakakalungkot po na bigla na lang siyang nawala. Hindi po ako nakapunta dahil po may sakit kami ni Alden. Bigla na lang po kasi kaming nagkalagnat,” sabi niya sa akin.
Hinaplos ko naman ang buhok niya. Ngayon ko naiintindihan ang pinanggalingan ng inis niya. Maganda at medyo maldita pero mabait naman siya. Minsan kasi ang akala ng ibang tao ay kapag maldita ay hindi na mabait. Misan ang mga taong maldita ay sila pa ang totoo. Kasi minsan nilalabas nila kung ano ba ang tunay na nasa loob nila. Hindi sila natatakot na sabihin ang thoughts nila sa iba.
Si Anica ay ganun siya. Mahal niya ang mommy niya kahit pa iniwan sila. Kahit pa hindi niya alam ang dahilan. Iyon ay dahil umaasa siya na dumating ang araw na babalik ito at mabubuo sila. Pero hindi ko alam itong nararamdaman ko ngayon. Bigla akong na lungkot na baka hindi ako tanggapin ng ex-wife ni ninong dito. Pero hindi rin naman talaga ako dapat na narito sa bahay na ito. Naging sampid na ako sa buhay nila.
Habang hinahaplos ko ang buhok niya ay bigla na lang siyang nakatulog. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko siya. Dahil sa mag-isa na lang ako at dahil wala naman akong makasama sa buhay ko ay gusto ko rin ng tao na magmamahal sa akin.
Nang pamilya na matatawag ko na akin. Pero paano ko ‘yun gagawin kong nakakulong ako dito? Paano ko rin makakamit ang hustisya kung hindi ako pinapayagan ng ninong ko na lumabas dito? Siguro ay kailangan ko na talaga na mag-isip ng paraan.
Akitin ko kaya? Eyy? Bakit? Tumigil ka nga, Yanne! Kung ano-ano na lang ang naiisip–
“Are you okay?”
Bigla akong napaangat ng ulo ko dahil nandito na pala ang ninong ko. Narinig niya kaya ako? Baka mamaya ay bigla ko pa lang nailabas ang nasa isipan ko lang. Kinakabahan tuloy ako ngayon.
“O–Okay lang po ako,” nauutal na sagot ko sa kanya.
“Mabuti naman at magkasundo na kayo ngayon ni Anica,” sabi niya sa akin at bigla na lang siyang ngumiti.
“Opo, mabait naman po siya.” sagot ko sa kanya at umiwas ako ng tingin.
“Dadalhin ko na siya sa room ni–”
“Huwag na po, dito na lang po siya. Ang sarap po ng tulog niya, baka po magising.” sabi ko kay ninong habang nakatingin ako kay Anica.
“Okay lang ba na nandito siya?”
“Opo, okay lang po.” sagot ko sa kanya.
“Okay, labas na muna ako.” sabi niya at lumabas na siya sa room ko.
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil kung anu-ano ang naiisip ko kanina. Gusto ko pa siyang akitin? Para ano? Para saan? Pero mas okay na kausapin ko na lang siya ng mahinahon dahil mukha naman siyang mabait. Alam ko na papayag naman siguro siya kapag kinausap ko lang siya ng maayos.
Gusto kong pumunta sa bar. Gusto ko lang mag-relax dahil kapag ako lang ang mag-isa ay nalulungkot ako. Maingat kong inayos ang ulo ni Anica sa unan. Mahimbing pa rin ang tulog niya kaya tumayo na ako para puntahan ang ninong ko. Lumabas na ako sa room ko at kumatok ako sa pintuan niya. Pero wala namang sumasagot.
Aalis na sana ako pero hindi naman naka-lock kaya pumasok na ako. Baka kasi nasa balcony lang siya kaya hindi niya ako narinig. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ko ang pintuan. Pero nagulat ako sa pagpasok ko dahil palabas ang ninong ko sa banyo na wala siyang kahit na anong suot na damit. As in hubo’t hubad siya ngayon. Nakabalandra sa akin ang maganda niyang katawan.
“Ahhhhh! Bastos!” sigaw ko at hindi alam ang gagawin ko.