CHAPTER 8

1197 Words
MARIANNE “Ahhhhh! Bastos!” sigaw ko at hindi alam ang gagawin ko. “What? Bastos? Ako?” tanong niya sa akin. “Opo, ikaw.” sagot ko sa kanya pero bigla na lang siyang tumawa. Kaya inalis ko ang kamay ko sa mga mata ko. Pero kaagad ko rin namang tinakpan ulit dahil wala pa rin siyang kahit na anong suot. Feel na feel niya yatang ibalandra ang katawan niya sa akin. Pasaway siya. “May kailangan ka ba? Bakit pumasok ka na lang dito sa room ko ng hindi man lang kumakatok?” tanong niya sa akin. “Kumatok po ako,” sagot ko sa kanya at tumalikod na ako para sana lumabas na. “Where are you going?” tanong niya sa akin. “Lalabas na p–” “Stay,” sabi niya sa akin. “Magbihis ka po muna,” pabulong na sabi ko sa kanya. “Puwede naman tayong mag-usap kahit hindi pa ako nakabihis. Nakita mo na kaya wala ng dahilan para itago ko pa,” sabi niya sa akin kaya bigla na lang uminit ang pisngi ko. Hindi ko inaasahan na may ganito siyang side. Pero alam ko rin alam kung seryoso ba siya o inaasar lang niya ako. “Mamaya na lang po,” sabi ko sa kanya at bubuksan ko na sana ang pintuan pero bigla itong nagsara. Naramdaman ko na nasa likuran ko na ang ninong ko. Napalunok ako dahil feeling ko nanunuyo ang lalamunan ko ngayon. Nasa likod ko na nga talaga ako. Hindi na ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Baka kasi may mangyari na hindi inaasahan o baka may makita o masagi ako. “Sabihin mo na ang kailangan mo,” sabi niya sa akin na parang pabulong. “Magpapaalam po sana ako,” sabi ko sa kanya. “Magpapaalam?” “Gusto ko pong lumabas, if papayagan mo po ako. Gusto ko pong pumunta sa bar,” sabi ko pa sa kanya. “No,” mabilis na sagot niya sa akin. Nang lumingon ako ay sobrang lapit namin sa isa’t isa. Umatras ako ng kaunti pero umabanti naman siya palapit sa akin. Nakatingin siya sa mga mata ko kaya nais kong umiwas. Para kasing hindi ko kaya na nakatitig ako sa mga mata niya. “Bakit po? I mean, hindi naman po nila ako mahahanap doon.” sabi ko sa kanya. “Paano mo nasabi na hindi? Sa tingin mo ba hindi sila nakamatyag sa ‘yo. Sa paglabas mo pa lang sa gate ng bahay ko ay asahan mo na nakamasid lang sila sa paligid.” sabi niya sa akin. “Hindi naman po siguro 24/7,” sabi ko sa kanya. “Sumunod ka na lang sa akin at ‘wag ng matigas ang ulo. I’m doing this for your own good,” sabi niya sa akin. “Kapag ba nakuha na ang hustisya para sa daddy ko ay hahayaan mo na akong umalis dito?” tanong ko sa kanya. “No—” “Bakit naman hindi?” putol ko sa sasabihin niya. “Dahil sa akin ka na iniwan ng daddy mo,” sagot niya sa akin. “Kung ayaw mo ‘di ‘wag.” sabi ko sa kanya at binuksan ko na ang pintuan para lumabas pero napatigil ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto mo ba talagang pumunta sa bar?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. “Papayagan mo na ako?” tanong ko sa kana na may halong excitement. “Hindi, tinatanong ko lang.” sagot niya kaya napasimangot ako. “Paasa,” sabi ko tuluyan na akong lumabas. Bumalik ako sa room ko at mahimbing pa rin na natutulog si Anica sa kama ko. Lumabas na ako para pumunta sa kusina. Gusto kong tumulong kila manang. Habang nag-iisip ako ng paraan kung paano ako tatakas dito. Walang mangyayari kung magkukulong lang ako dito. “Manang, puwede po ba akong tumulong sa inyo?” tanong ko sa kanya. “Kung gusto mo,” sagot niya sa akin. “Opo, gusto ko pong matuto magluto. Puwede niyo po ba akong turuan?” tanong ko sa kanya. “Oo naman, iha.” sagot niya sa akin habang nakangiti. Napangiti naman ako dahil gusto kong magluto. Naisip ko lang kapag ako ang nagluto ngayon ay baka bigla na akong payagan ni ninong na lumabas dito sa bahay niya. Dahil sa naisip kong ito ay ganado akong tulong kay manang. Natutuwa rin ako dahil ang bait ni manang magturo sa akin. Mabilis ko naman naintindihan at hindi naman siya mahirap gawin. Ang bango habang naggigisa ako nitong mga gulay. Sabi ni manang ay mahilig sa ginisang gulay ang ninong ko. Kaya baka biglang magbago ang isip niya kapag natikman niya ito. Tinikman ni manang ang luto ko kaya nakatingin ako sa kanya para hintayin ang verdict niya. “Kumusta po, manang?” tanong ko sa kanya. “Hmmm…” “Masarap,” nakangiti na sabi niya sa akin kaya natuwa naman ako. “Talaga po?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Oo, masarap. Sigurado ako na magugustuhan nila ito.” sabi niya sa akin. “Sana po, manang.” sagot ko sa kanya. Kailangan pang magprito ng isda kaya nagpresenta na rin ako. Gusto ko na tapusin ang lahat. Baka sakaling may himala na mangyari mamaya. “Kami na, iha. Baka matalsikan ka ng mantika,” sabi sa akin ni manang. “Ako na po, manang. Kaya ko po ito, ‘wag po kayong mag-alala sa akin.” “Sige, kung ‘yan ang nais mo.” sabi niya sa akin at iniwan na nila ako dito. Pinainit ko ang pan at nilagyan ko ng mantika. Hinintay ko na uminit ang mantika bago ko nilagay ang mga isda sa kawali. Nagulat ako dahil tumatalsik ang mga mantika. Pero mas nagulat ako nang bigla na lang may humila sa akin. “What the h*ll are you doing?” galit na boses ni ninong ang narinig ko. “Nagpiprito,” sagot ko sa kanya. “Bakit ikaw ang gumagawa nito? M–” “Nagvolunteer ako,” putol ko sa sasabihin niya dahil ayaw ko na pagalitan niya si manang. Baka kasi hindi na nila ako kausapin kapag pinagalitan siya ni ninong. “Why are you doing this?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya. “Ang alin?” “Ito, bakit ka nagluluto? Trabaho nila ito,” sabi niya sa akin. “Dahil ba trabaho nila hindi ko na puwedeng gawin? Kung hindi ko pala puwedeng gawin ay ikaw na lang ang gumawa,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. “Akala ko mabait, maldita pala.” narinig ko na sabi niya kaya lumingon ako sa kanya. “Narinig kita,” sabi ko sa kanya. “Alam ko,” sagot niya sa akin at pa-cool niyang binaliktad ang mga isda. “Matalsikan ka sana,” sabi ko kasi naiinis na ako sa kanya. “Gusto mong magpakitang gilas para payagan kita. Pero kahit pa anong gawin mo ay hindi mangyayari ang nais mo. Hindi ka makakalabas dit–” “Malalaman natin, ninong.” nakangisi na sabi ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD