CHAPTER 9

1240 Words
MARIANNE Nasa hapagkainan kaming lahat ngayon. Kumakain kami ng dinner at sunog na pritong isda ang nakahain sa harapan namin. Paano ba naman ang buong akala ko talaga ay marunong magluto itong ninong ko pero bakit naman nasunog ang isda. Mas okay pa yata na ako ang nagluto kanina. Baka sakaling tostado lang ang isda. May pa cool pa siyang nalalaman pero hindi naman pala marunong. Nag-astig astigan lang talaga siya. “Manang, bakit po ang black ng fish?” tanong ni Alden kay manang. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumingin ako sa ninong ko na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin. Halatang naiinis siya sa narinig niya. Ngumiti ako sa kanya para asarin siya. Nakita ko na naiinis siya sa akin pero mas lalo lang akong ngumiti. “Baby, masarap naman ito kahit black. Kasi ‘yung nag-prito kasi nito kanina ay–” “Sino po ang nag-cook, ate?” tanong sa akin ni Yanne. “Ang daddy mo po,” sagot ko kaya narinig ko na nasamid ang iba naming kasama dito. “Si daddy po? Hindi naman po siya marunong mag-cook eh,” sabi ni Alden. “Sorry, baby. Next time ay hindi na ‘yan black. May matigas kasi ang ulo na pinapakialaman ang kusin–” “Ikaw po ba ang tinutukoy mo, daddy?” tanong pa ni Alden kaya hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko. Lumabas na talaga siya kahit pa pigilan ko. Tuwang-tuwa ako dahil ang anak ba naman niya ang nagpoint sa kanya. Naging tahimik sila kaya tumigil na rin ako sa pagtawa ko. “Sorry,” sabi ko at naging seryoso na ako. “Next time, manang ay ‘wag mo ng payagan sa kusina si Yanne.” biglang sabi ni ninong kay manang. “Nagcook ka po ba, ate?” nakangiti na tanong sa akin ni Anica hindi ako sumagot kaya si manang na ang nagsalita. “Siya ang nagluto ng gulay,” sabi ni manang. “Really po? Ang sarap po nitong vege po,” sabi niya kaya napangiti ako. “Opo, ate. Sana po lagi ka po magluto ng ganito. Fave po ito ni daddy at ganun rin po kami,” sabi ni Alden habang sarap na sarap sa luto kong ulam. “Bawal na daw ako sa kusina kaya baka ito na ang first and last na magluluto ako–” “You can cook whatever you want pero hindi ang isda. Paano kung napaso ka?” sabi ni ninong kaya napatingin ako sa kanya. “Pinapayagan mo na ako?” tanong ko sa kanya. “Hindi ka naman siguro bingi,” masungit na sagot niya kaya napanguso na lang ako. “Thank you, ninong.” sabi ko sa kanya na may malawak na ngiti sa labi. “Ate, next time po tayong dalawa ang magluto.” sabi ni Anica sa akin kaya napangiti ako. “Sure,” sabi ko sa kanya. “Kumain na kayo, mas marami pa ang daldalan niyo kaysa sa kumain.” masungit pa rin na sabi ni ninong. Kahit talaga masungit ang lalaking ito ay gwapo pa rin siya. Nakakainis lang dahil lagi ko na siyang pinupuri kahit hindi naman kailangan. Totoo naman kasi na gwapo siya. Ang sinungaling ko naman kapag sinabi ko na hindi. After namin kumain ay umakyat na ako sa room ko. Naligo ako dahil balak kong tumakas ngayon. Sana lang talaga ay magtagumpay ako. Hindi puwede na dito na lang ako ngayong gabi at dahil wala namang papasok dito sa room ko ay binalot ko na lang ang katawan ko ng towel. Nakalimutan ko kasi sa labas ang bathrobe ko. Pero nagulat ako dahil nakaupo sa kama ko ang ninong ko. “May lakad ka?” seryoso na tanong niya sa akin. “Wala, naligo lang may lakad agad.” mataray na sabi ko sa kanya. “First impression ko pa naman sa ‘yo ay mahinhin ka at mabait pero mukhang nagkamali ako,” sabi niya sa akin. “Kung papayagan mo ako ay magiging mahinhin ako sa ‘yo lagi. Pero dahil sa masungit ka ay anong aasahan mo–” “I’m your ninong,” mariin na sabi niya sa akin. “So?” “Anong so?” “Bakit ka po ba nandito?” tanong ko sa kanya at nagkunwari akong naiinis sa kanya. “Dito ako matutulog, baka kasi takasan mo ako.” sagot niya sa akin kaya parang nalaglag ang panga ko sa narinig ko mula sa kanya. “What?!” hindi makapaniwala na bulalas ko. “Mahirap na, baka may skills kang kakaiba at makatakas ka pa dito.” sabi niya sa akin kaya natawa ako bigla. “Skills? Mukha ba akong may skills?” tanong ko sa kanya. “Magbihis ka na. Huwag mo akong akitin dahil hindi mo ako madadaan d’yan,” sabi niya sa akin na lalo akong nagulat. “I’m not seducing you. Ikaw nga itong papasok na lang sa room ko.” sabi ko sa kanya dahil siya na biglang pumasok dito. “Like what you did?” nakangisi na sabi niya sa akin na para bang ang tinutukoy niya ay ang pagpasok ko sa room niya kanina. “Ngayon ay alam ko na kung bakit ganun na lang ang reaction ni Anica nang makita niya ako. Dahil babaero at feeling pala ang daddy niya.” natatawa na sabi ko. “Babaero? I’m not womanizer,” pagtanggi pa niya. “‘Yang mukhang ‘yan hindi? Naku, ninong katulad ka rin ng ibang lalaki. FYI po, bakit naman kita aakitin? Mas gwapo pa nga ang boyfriend ko sa ‘yo,” jusko po ilang puntos ba ang nababawas sa akin sa langit sa pagsisinungaling ko. “Boyfriend? May boyfriend ka?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niya. “Mukha bang wala akong boyfriend?” natatawa na sabi ko sa kanya. “Siya ba ang pupuntahan mo sa bar?” tanong niya sa akin na para bang naiinis siya. “Oo, magkikita sana kami kung papayagan mo ako. Miss na miss ko na kasi siya, miss na miss na rin niya ako. Kaya payagan mo na ako at ‘wag ka ng kontrabida d’yan.” sabi ko sa kanya. “Ako, kontrabida? I’m just protecting you, wala naman akong ibang ginagawa kundi ang maging safe ka. Kaya kapag sinabi ko na hindi ka puwedeng lumabas ay hindi puwede,” sabi niya sa akin habang papalapit siya sa akin. “Hindi ako aalis kaya lumabas ka na. Magbibihis rin ako kaya lumabas ka na, ninong.” kinakabahan na sabi ko sa kanya. “Ayaw ko, dito lang ako. Mas okay na sigurado kaysa hindi. Puwede ka naman magbihis kahit pa nandito ako. Hindi rin naman kita type kaya wala kang dapat ipag-alala,” sabi niya sa akin. “Really?” nakangisi na sabi ko sa kanya. “Oo–” “Bakit may nakasaludo?” nakangisi na tanong ko sa kanya sabay turo sa tumatayo. “Fvck!” he cursed kaya mas lalo akong natawa. “Don’t worry, ninong. Marami na akong nakita na ganyan. Iba-ibang size at length. Mas mahaba pa nga ang n–” “Iniinsulto mo ba ang pagk*lalaki ko?” tiim bagang na tanong niya sa akin. “Hindi, nagsasabi lang ako ng totoo—” Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa. Hindi ako makapaniwala na—.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD