FENRIZ'S POV Nang makabalik ako sa field ay saktong nagsimula na ang pangalawang half. Todo pangaral pa sa amin si coach bago kami pinalusong sa laro. Ang amigos ang magsisimula ng laban, nakapuwesto na si Fawadz sa pinakagitna habang kami ay nakapalibot sa kaniya. Matalim at deretso ang pagkakatitig niya sa goaling line kung nasaan nakaabang si Valdez. Lahat ay seryosong naghihintay ng pito ng referee. Ngunit ako ay todo ngiting kumakaway kay Mei mula sa stadium! Suot-suot pa rin niya ang pink panther na costume kung kaya't wala talagang makakaalam na siya iyon. Ang wirdo talaga ng babaeng 'yon! Pero sa tingin ko ay mas wirdo ako, dahil tinamaan ako ng husto sa kaniya! Hahahaha! Dahil sa pagtitig ko sa kaniya ay saka ko lamang napagtanto na pumito na pala ang referee at nagsimula na si

