Chapter 13

1569 Words
FENRIZ'S POV "Mei-Mei!" Para akong papel na naglalakad patungo kay Mei papalabas ng building ng dorm. "Mei-Mei..." Ang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. "Mei-Mei? Ba't mo inuulit ang pangalan ko?" "Eh? Never ka bang nakarinig ng nickname? Psh!" Napanguso ako. "Huhu! Sakit ng katawan ko sa training ni Sir Dan kanina! Hindi ko na maangat mga braso ko!" Pinakita ko pa sa kaniya na nahihirapan akong itaas ang mga braso ko habang naiiyak ang mga mata. Noong una akong tinuruan ni Sir Dan na humawak ng kampilan ay napaka-excited ko, pero hindi ko alam na ganito pala ang resulta! Sobrang ngalay na ngalay ang mga braso ko at gano'n na lang kahirap ang kumilos. Napailing siya. "Sa tingin ko'y mas babagay sa'yo ang paggamit ng pana at palaso kaysa sa kampilan." "Haa? Pero malapitan ang p*****n. Bago ko pa mapitik 'yung pana, nahati na ako sa dalawa!" "Tsk! Para saan pa't nandito ako para isipin mong may makakalapit sa'yo?" Malamig niyang tanong at nagsimulang maglakad sa hall way. Napaubo ako at sumabay sa paglalakad sa kaliwa niya. "Mas madali sana kung may mga baril. Bakit bawal ang mga baril?" "Isipin mo na lang na maingay ang mga baril at gusto ng katahimikan ng Murim." Psh! Siguro ay sa oras na gumamit ng mga baril ang school na 'to ay mabubunyag ang mga pinag-gagagawa nito sa gobyerno. Nang marating namin ang classroom para umattend ng last subject ay nabaling ang atensyon ng aming mga kaklase sa aming dalawa ni Mei. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagtalim ng mga mata ni Mei bago bawiin ng mga kaklase namin ang atensyon nila sa aming dalawa. Napansin ko lang na sa nagdaang dalawang linggo ay unti-unti nang nagiging mtapang ang mga estudyante pagdating sa pagtrato kay Mei. Noong una akong dumating dito ay halos hindi sila makahinga, pero ngayon ay lumalakas na ang loob nilang tumitig sa kaniya. At alam kong napansin din 'yon ni Mei. Dahil narinig ko ang sinabi niyang---"Talagang hindi sila matututo hanggat hindi paulit-ulit na tinuturuan ng leksyon." Mabuti na lang ay kakampi niya 'ko! Ewan ko ba ag malakas ang pakiramdam ko na nasa tama akong landas. Siguro epekto 'to ng pagligtas niya sa'kin sa bingit ng kamatayan. Sino ba namang tao ang magliligtas ng buhay ng isang baguhan na gaya ko? Sumunod sa ako kay sa pag-upo sa upuan sa likuran kung saan kami nakapuwesto. Nanatili siyang nakaupo ng deretso habang hinihintay pa ang guro. Napakalumbaba naman ako habang tinitingnan siya. Gusto ko sanang ipaalam sa kaniya kung ga'no ka-awkward matitigan! Pero hindi ko inaasahan na tataas pa ang sulok ng labi niya saka ako sinulyapan sa paraan na nang-aasar! Gusto ko sanang mag-reklamo dahil na-misunderstood niya. Pero naputol lamang iyon nang may biglaang bumato ng papel sa ulo ko. Nag-angat ako ng paningin at naglinga-linga bago makita si Freon mula sa kabilang row ng upuan. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Ipinagpag niya pa ang katabi niyang upuan na parang doon ako pinapaupo. Tumaas ang isa kong kilay. Hindi ba't si Eunecia ang nakaupo ro'n? Umiling-iling ako bilang tanggi. Ngunit patuloy siya sa pagsenyas sa akin na at pinagpipilitang maupo sa kaniyang tabi. Muli akong umiling-iling. "Hindi ka ba lilipat ng bangko?" Nagulantang ako sa tanong ni Mei. "H-Ha?" Napalunok ako. Hininto niya ang pagsusulat saka bumaling sa akin nang may malamig na tingin. "Lumipat ka na." Napakurap-kurap ako at napanguso. "No thanks! Komportable naman ako rito kaya bakit pa ako lilipat? Psh!" Matunog siyang ngumisi. "Komportable ka na ako ang katabi mo?" Nanlaki ang butas ng ilong ko sa tanong niya at naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Ang kapal ng mukha! "B-Basta! Hindi ako lilipat." Napasimangot akong umiwas sa kaniya ng tingin. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa tumunog ang kampana na hindi man lang pumasok ang teacher. Malapit nang dumilim ang kalangitan, malapit ma rin mag-dinner. Binalingan ko muli siya ng tingin. Nagugutom na kaya siya? Ano kaya kung sabay na rin kaming kumain? Hindi ko pa siya nakakasabay dahil lagi akong hinahatak ni Freon palayo. "Mei--" "WOLFIE!" Natigilan ako sa malakas na sigaw na 'yon. Nagugulat akong napabaling kay Freon na ngayon ay tumatakbo papalapit sa akin. "Freon? I told you not to call me that!" Palibhasa ay malapit na ang loob namin sa isa't-isa ay binigyan na niya ako ng sariling nickname. Hindi niya ako pinansin, sa halip ay hinatak pa ang braso ko. "Halika na at maghahapunan na!" May pagka-taranta sa boses niya na pilit akong hinahatak patayo. Nagsalubong ang kilay ko at bahagya siyang tinulak. "Tumigil ka nga." Pinandilatan niya ako ng mga mata habang nginuguso si Mei-Mei. Alam ko ang tinutukoy niya. Psh! Akma na sana akong tatayo nang may isang babae ang naglakas loob na lumapit sa harapan namin ni Mei. "M-Mei..." Ang paningin niya ay na kay Mei at mukhang kinakabahan na hindi makatinging ng deretso sa kaniya. Nasa likuran niya ay si Eunecia na siya namang nakayuko. Kaagad itong tinabihan ni Freon nang may pagtataka. Nangunot naman ang noo ko sa babaeng may maikling buhok na ang haba lang ay hanggang leeg at may makapal na bangs. Maliit ang mukha niya at may makinis at maputi na balat. Kaya naman hindi ko maiwasang mapahanga dahil mukha itong manika. Binalingan ko si Mei na may buradong emosyon at mukhang si Sadako. Nakatingin siya sa babaeng nasa harapan niya na para bang gusto niya itong pagpira-pirasuhin. "Mei... P-Puwede ba kami ni Eunecia sumabay sa'yo sa hapunan?" Garagal man at napakahinhin ng boses nito. "Ano?!" Napatingin kami lahat sa napakalakas na boses ni Freon. Natauhan siya at napatakip ng bibig. Hinampas naman siya ni Eunecia sa kaniyang braso. "Kontrolin mo nga ang sarili mo, Eon." "P-Pero Euneica!" Nagugulat na usal ni Freon, "Natatakot ka kay Mei, ano?" Ngisi kong tanong kay Freon. Sinamaan niya ako ng tingin at bigla ring umiling-iling. Halata namang takot siya kay Mei pero nang kausap niya ang Eunecia na iyon ay biglang tumapang ang boses niya. "Hindi ah! Bakit naman ako matatakot! Sabay-sabay pa tayong mag-dinner e!" Napailing naman ako. Nang mag-iba ako ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ng babaeng may maiksing buhok. Nakatitig siya sa akin ngunit nag-iwas ng tingin nang taasan ko ng kilay. "Sino ka naman?" Masungit kong tanong dito. "W-Wendy." Utal niyang tugon. "K-Kaibigan ako ni Eunecia... pati ni Mei." Unti-unting tumaas ang dalawa kong kilay at bahagya pang gulat na bumaling kay Mei. May kaibigan siya? Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil lagi kaming magkasama ni Mei kaya kahit makikitang walang emosyon ang mukha niya ay ramdam ko ang panggagalaiti niya. Napalunok ako at hindi alam ang sasabihin. Si Eunecia ang siyang nanguna sa pagsasalita. "Tutal kakain din naman tayo ng hapunan ngayon, bakit hindi na lang tayo magsabay-sabay kumain?" "Oo nga! Mei? M-Matagal na rin kasi simula nang nakasama ka namin. Kaya miss ka na namin." Ani Wendy. Nakatingin kaming lahat kay Mei nang tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Umm, Mei! Tara na, dinner tayo!" Anyaya muli ni Eunecia. "Hindi ako nagugutom." Malamig na tugon ni Mei na may bahid ng inis. Kaagad na bumagsak ang balikat ni Eunecia at Wendy. Si Freon naman ay nagliwanag ang mukha. Napanguso naman ako at pinaningkitan ng mga mata si Mei. Bagaman pakiramdam ko may tanim ng sama ng loob si Mei sa mga babaeng 'to ay hindi na masama kung makikita kami ng ibang mga estudyanteng na may sariling grupo. Nalaman ko na kapag watak ang grupo ay madali itong matatarget ng iba. Gaya na lang ng madalas kong pagsama kay Mei at minsang pagsama kay Freon. Dahil may galit ang mga estudyante kay Mei ay nadadamay ako roon. At dahil damay na ako at panay din ang dikit ko kay Freon, ang tahimik nilang pakikisama ni Eunecia sa ibang mga estudyante ay nadadamay na rin. Kung gusto ko talagang maka-survive sa school na 'to---kailangan ko ng strong foundation! Nang makita ko si Mei na akma kaming aalisan ay kaagad ko siyang hinatak pabalik. "Kakain tayo nang sabay-sabay, Mei! Sa ayaw o sa gusto mo." Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Kumain kayo kung gusto niyo. Hindi niyo ako kailangang isali---" Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. Agad kong tinakpan ang bibig niya at hinila siya upang isubsob sa dibdib ko. Nanlaki ang mga mata ni Eunecia, Wendy at Freon sa ginawa ko at sabay-sabay na napaawang ang labi. Nginitian ko naman sila. "Kakain siya kasabay natin." Kumibot-kibot ang labi ni Wendy. "F-Fenriz.. B-Bitawan mo siya baka magalit siya!" "Lagot tayo 'pag nangyari 'yon!" Tarantang sigaw ni Eunecia. Binitawan ko ang bibig ni Mei saka nakangusong tumitig sa kaniya. Gano'n na lang kasama ang mukha niya nang dahan-dahan akong tingalain. Ang talim ng titig niya sa akin! "Pakamatay." Mahinang usal ni Freon. Nasinghal na lang ako at walang pakialam na ginulo-gulo ang buhok ni Mei Mei. Sabay-sabay pa silang napasinghap sa ginawa ko. Yumuko ako kay Mei at nginitian siya kahit na masama pa rin ang pagakakatitig niya sa akin. "Quit it." Pinitik ko ang noo niya. "Kakain ka lang kasama kami. 'Wag kang kill joy." At kasama 'to sa plano kong survival! Sandali niya pa akong tinitigan. Ngunit sa huli ay siya rin ang nag-iwas. "Bilisan niyo." Saka siya nagpaunang maglakad. Nanaig naman ang katahimilan sa pagitan ng tatlo at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Ngumiti lang ako at kaagad sumunod kay Mei na parang buntot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD