FENRIZ'S POV
Dahil ayaw kong mawala ka.
Ayaw kong mawala ka.
Nag patadyak-padyak ako sa aking kama at gumulong-gulong habang pigil na pigil ang impit kong sigaw. Nakagat ko ang ibabang labi saka tumigala sa kisame. Para bang napagmamasdan ko pa rin ang imahe ni Mei-Mei habang sinasabi niya iyon kanina!
"Bakit ba kanina ka pa nangingisay diyan, Wolfie?" Ngunot na pagtatanong ni Freon. "Parang tinutusok pwet mo e!"
Bumangon ako ng upo saka siya kinausap sa ibabang kama. "Freon, posible kayang.." Lumaki ang ngiti ko. "Posible kayang gusto-gusto talaga ako ni Mei? Kasi kanina para niyang pinagseselosan si Wendy eh! Hindi ko naman alam na gano'n na pala kalala ang pagkagusto niya sa'kin!" Unti-unting tumaas ang kilay niya.
Nilaro-laro ko sa daliri ang whistle na kwintas na ibinigay sa akin ni Mei kanina. Gusto kong isipin na nag-aalala siya talaga para sa'kin. Napakalakas ng epekto niya sa'kin!
"Una sa lahat, gusto kong sabihin sa'yo na wag kang delusyonal, Wolfie." Seryosong tugon ni Freon. "Hindi ba't may hinanakit lang siya kay Wendy hindi gaya ng selos na inisiip mo?"
Bumuntong hininga ako saka umayos ng pagkaka-upo sa kaharap niyang kama. "Noong una pa lang kaming nagkita ni Mei ay lagi ko nang napapansin na nakatitig siya sa akin." Inalala ko ang mga nakalipas. "Masyado siyang nakakakilabot pero kapag hindi naman siya nakatingin sa'kin ay nababanas ako." Para bang guso ko lang na nasa akin ang atensyon niya. "Anyway, paulit-ulit ko na 'tong sinasabi pero niligtas niya ako nang walang dahilan! Hindi ba't para mo nang masasabi na na-love at first sight siya sa'kin?"
"Hindi ako naniniwala sa love at first sight na 'yan! Lalo na kay Mei! Nakakakilabot! Paano pala kung may plano na siyang gagawin sa'yo kaya niya ginagawa lahat 'to?"
Pabagsak akong nahiga sa kama saka muling tumunganga sa kisame. "Hindi niya gagawin sa'kin ang iniisip mo. Nakasisiguro ako."
"Pero huwag ka pa ring masyadong mag-assume na may gusto siya sa'yo. Dahil sa nakikita ko, wala naman siyang paki alam sa'yo!"
Napabangon ako saka salubong ang mga kilay na tiningnan siya. "May pakialam siya sa akin. Sa katunayan nga, nag usap kami kanina at alam mo ang sabi niya? Ayaw niya raw akong mawala!"
Umiling-iling siya at bumuntong hininga. "Bakit hindi mo muna pag-isipan ang landasin mo, Wolfie? Sa tingin ko ay ikaw 'tong hulog na hulog sa kaniya. Delikado si Mei. Hindi mo alam kung anong nasa isip ng babaeng 'yon. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin, di ba?"
Umiling ako. "Wala namang kakatakot sa kaniya eh... Siguro tuwing itatabingi niya ang ulo niya, medyo creepy--pero ayos lang! Minsan nga ay naiisip kong cute siya sa gano'ng itsura."
Napatawa siya at umiling-iling. "Palibhasa'y hindi mo alam ang nangyari sa nakaraan niya at mismo sa kaniya, kaya ganyan ang sinasabi mo." Nagpakawala siya ng hininga. "Pero siguro kung nandito ka dati pa, hindi mo na kailangan pang magtaka kung bakit ang lahat ay iwas na iwas sa kaniya. Paniguradong isa ka na rin sa matatakot sa kaanyuan niya ngayon."
Nagsalubong ang kilay ko. Matagal ko na ring iniiwasan ang kwento ng nakaraan niya dahil hindi naman ako gano'n ka-interesado at sariling kapakanahn lang ang iniisip ko. pero ngayong malapit na ang loob ko sa kaniya ay mas lalong lumalaki ang kuryosidad ko. "Anong Ibig mong sabihin?"
Sumeryoso siya saka umayos ng upo. Bigla akong kinabahan sa pagiging seryoso ng mukha niya. Deretso suyang tumitig sa akin na kinalunok ko. "Bakit ganyan ka makatingin, Freon?"
Lalo siyang sumeryoso. Hindi ko kinayanan ang mga titig niya kaya't binato ko siya ng uanan sa mukha. "Umayos ka nga! Ikaw 'tong nakakatakot e." inis kong sabi.
Ang akala ko ay hahalakhak siya gaya ng nakasanayan dahil akala ko ay nagbibiro siya. Ngunit nanatili siyang seryoso. "Fenriz, hindi mo gugustuhing marinig ang kwento ni Mei Yezidi."
Sunod-sunod akong napalunok. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa kakaiba niyang tono ng pananalita. "B-Bakit?" Utal kong tanong.
"Noon ay sinabihan mo akong duwag dahil natatakot akong sumama kay Mei. 'Yun ay dahil alam ko ang nangyari sa kaniya noon." Aniya. "Pero ikaw? Sa oras na malaman mo ang kwento niya.. baka tumakbo ka at layuan siya."
Muli akong napalunok. Natatakot ako sa pagiging seryoso ni Freon ngayon! Ano bang pinagsasabi niya at ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaseryoso?
"Freon--"
"Matagal nang patay si Mei."
"A-Anong..." Napuno ako ng kaba at pagtataka sa sinabi niya.
Tumaas ang balahibo ko at nanlamig ang katawan ko. May kakaiba yatang hangin ang pumasok sa loob ng kwarto namin at nililipad ang nakasabit na kurtina. "Maniwala ka man, sa hindi."
"A-Ano bang pinagsasabi mo dyan--"
Tumikhim siya. "Hindi ba't kilala mo na si Mal?"
"'Yung una sa ranggo? H-Hindi ba't... magkapatid din sila ni Mei?"
Tumango-tango siya. "Dahil sa alitan nilang dalawa... nabully nang husto si Mei dahil siya ang mas mahina. Ang pagkakaalam ko, lahat ng mga parusang naranasan ni Mei noon ay dahil kay Mal na kasangkot si Dean Chicago... at ayon pa kay Eunecia ay kasama si Wendy. Bago mag-katapusan noon ay nagplano sila para labagin ang mga rules ng eskwelahan. Pinatay nila si Mei nung gabing 'yon, nilibing ang bangkay niya at lumipas ang mga araw na para bang wala lang nangyari. Kaya nang muli siyang bumalik, isang araw bago ka dumating... hindi kami naniniwala na iisa lang isa."
Namilog ang mga mata ko sa gulat, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ganoon na lang ang pagdagundong ng puso ko! Napaawang ang labi ko sa hindi inaasahang narinig mula sa kaniya. Nalilito akong umiling-iling. Ayaw paniwalaan ang sinabi niya!
Siya naman ang umiling, nanatiling seryosong nakatingin sa akin. "Iyon ang nangyari noon." malungkot niyang sabi. "Si Mei Yezidi, ilang beses ko siya naririnig na umiiyak sa loob ng janitor's room. Paulit-ulit, halos araw-araw. Pero wala akong ibang ginawa kundi ang daanan-daanan siya."
"Wag kang magsabi ng ganyan, Freon! That's not even a good joke!" Saway ko sa kaniya.
Gusto kong mahulog sa kama! Hindi ko maproseso ang mga pinagsasabi niya! "Mei Yezidi, ilang beses kong napanood ang pang bubully sa kaniya. Pinanood ko kung paano siya pagtawanan, kamuhian, at saktan ng kung sino-sinong estudyante." Napailing siya. "At... Noong na rape siya--"
"Shut up!!!" Napapikit ako sa inis.
Hindi ko kinayanan ang sinabi niya at inis na umalis sa kama. Tumayo ako at hinablot ang sweater ko, nagmamadali ko iyong isuot.
"Fenriz, iyon ang katotohanan!!!"
"Manahimik ka na!!"
"Bakit hindi mo siya tanungin!? Ha!? Tanungin mo siya nang malaman mo kung gaano siya ka delikado! Patay na siya eh! Matagal nang patay si Mei! Ang babaeng 'yon ay delikado---"
"Shut the f**k up, Freon!!"
Naikuyom ko ang kamao, napapikit upang pigilan ang inis at galit na nararamdaman. Mariin akong napalunok. Hindi ko alam, pero namamasa ang mga mata ko. Nag iinit ang mga mata ko at alam ko ng iiyak ako kung hindi iyon pipigilan.
"Please..." Namamaos kong usal. "Stop... I don't wanna hear it... I don't wanna know!"
Umiling-iling siya. Desidido siyang sabihin sa akin ang tungkol kay Mei. Sa itsura niya ay para bang hindi niya pa nakukwento ang lahat-lahat... Pero ayaw kong marinig---Ayaw ko!
"Kung hindi mo aalamin ngayon, baka mapahamak ka dahil sa kaniya." nakayuko niya pang dagdag.
Tuluyang tumulo ang luha sa pisngi ko. Nanghihina ang mga tuhod ko sa huli niyang sinabi. Agad kong pinunasan ang luhang iyon at wala sa sariling tinalikuran siya.
"Fenriz!" Habol niya sa akin ngunit tuluyan akong naglakad paalis. "Saan ka pupunta? Curfew na!!"
"'Wag mo 'kong susundan!"
Mabilis akong tumakbo palabas ng dorm. Wala sa sariling nagtungo sa kabilang dorm at sunod-sunod na kumatok. Bumungad sa akin si Wendy na may pagtataka nang makita ako. Kaagad kong hinanap si Mei ngunit nabigo nang sabihin niyang hindi pa ito bumabalik simula nang mag-dinner.
Balisa akong lumabas ng building at hindi hinayaan ang sarili na mahuli ng mga guwardiya ni Dean Chicago na nagbabantay sa paligid. Napakalas ng hangin sa labas at madilim na madilim na ang kalangitan. Hindi sapat ang sweater kong suot para hindi malamigan.
Lalo pa akong nakaramdam ng lamig nang parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Freon. Para akong tangang umiiling-iling habang tumatakbo sa kalapit na gubat.
"Fenriz?"
Ganoon na lamang ang paninigas ko at agad na napahinto sa pagtakbo nang marinig ang boses na iyon.
"Fenriz."
Habol ko ang hiningang humarap sa aking likuran kung saan nanggagaling ang kaniyang boses.
"M-Mei..." Halos manginig ang mga labi ko nang makita siyang tumalon pababa ng puno at deretso ang tayo akong tinitigan. Nangingibabaw ang maputi niyang balat at puti niyang daster sa dilim. "Mei!"
Kaagad akong tumakbo papalapit sa kaniya. Walang emosyon ang kaniyang mukha ngunit sinusuri ang kabuuan ko.
"Umiiyak ka ba?" Walang kasing lamig niyang pagtatanong. "Anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa?"
Nang tanungin niya iyon ay sunod-sunod na bumagsak ang kanina ko pang pinipigilan luha."H-Hindi iyon t-totoo, 'di ba?"
Napatingala ako saka pinunasan ang aking mga pisngi. "H-Hindi na bale... hindi impotante sa'kin ang nakaraan..."
Napasinghap ako nang hawakan niya ang aking pisngi, tinuyo ang aking luha habang nakatitig sa aking mga mata.
"M-Mei-Mei.." Hinawakan ko ang kanyang kamay sa aking pisngi. "Ikaw parin 'yan... hindi ba?"
Ngumiti siya ngunit halatang pilit. Walang kasing lamig ang kamay niya na ngayon ay nasa aking pisngi. "Kung sabihin ko bang hindi..." Sambit niya. "Magbabago pa ang pagtingin mo?"
Para akong batang tumango-tango, lalo akong napaiyak sa hindi inaasahan. Alam kong para akong tanga nito sa harapan niya, ngunit hindi ko mapigilan ang emosyon ko.
Mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko rin iyon inaasahang gawin, ngunit niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit... basta ayaw ko nang bumitaw!
"I-Ikaw si Mei Mei... K-kahit anong sabihin nila... gusto kita." humagulgol ako sa leeg niya.
"Fenriz..."
"Gusto kita, Mei Mei.." Humigpit ang yakap ko. "Gustong-gusto kita."