FENRIZ'S POV Tumutunog ang straw habang sinisipsip niya ang inumin na juice. Pinanood ko siyang maubos ang laman niyon at biglang itapon kung saan ang balat. Pagkatapos ay kinuha naman niya ang isa pang tomato juice at tinusok ang straw saka muling sumipsip. Napabuntong-hininga ako. "Pang-apat mo na 'yan. Okay ka na?" Kinuha ko pa ang meryenda nina Freon at Eunecia para ipalit sa tomato juice at ibigay sa kniya. Huminto siya sa pagsipsip at binalingan ako ng tingin. "Nauuhaw pa ako," Anas niya saka tinapon ang naubos na laman ng tomato juice. "Nagkakalat ka!" "Alam ko." Sumama ang mukha ko. "May basurahan naman eh," "Alam ko rin." "Mei-Mei!" "May taga-linis naman," "Pero hindi mo kailangang magkalat." Pinaningkitan ko siya ng mata. Ngumiwi pa siya. "Kung hindi ako magkakalat

