CHAPTER nine PAGKATAPOS may mangyari kina Kristina at Jared ay nagpa-civil wedding na sila. Tumutol pa si Jared noong una dahil gusto raw nitong marangyang kasal ang ialay sa kanya. Sa huli ay nagkasundo rin sila na magpa-civil wedding at magpakasal sa simbahan. Nakilala na rin ni Kristina ang ipinagmamalaki ni Jared na mga kaibigan. At talagang namangha siya sa closeness ng mga ito. Kung mag-usap-usap ang magkakaibigan ay daig pa ang mga babaeng nagtsitsismisan. Masanay na raw siya sa ganoon, sabi sa kanya ng asawa ni Lance Pierro na si Catherine. Jared became extra sweet and loving. Halos oras-oras kung tumawag ito sa kanya at magbigay ng kung ano-anong pasalubong na lalong ikinatataba ng kanyang puso. Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng alam niyang pagsisilbi na ikasisiya nito. A

