CHAPTER eight “WHAT about Roxanne?” alanganing tanong ni Kristina kay Jared. Pagkatapos ng hindi mabilang na makapugto-hiningang halikan ay ipinasya nilang pumunta sa kusina at magluto ng makakain. Baka kasi kung ano pa ang mangyari sa kuwarto kapag nagtagal pa sila roon. Habang magkatulong silang naghahanda ng pagkain ay nagtanong siya sa binata na maayos naman nitong sinasagot. “Si Roxanne? Maniniwala ka ba `pag sinabi kong hindi naging kami kahit kailan?” Tumigil ito sa paghihiwa ng carrots at tumingin sa kanya. “Hinayaan ko lang na isipin mong ipinagpalit kita sa kanya para kamuhian mo ako.” “Naniniwala ako, Jared.” She had to. After all, she owed him a lot. Kumindat ito. “All that matters to me, my dear, is that you trust me.” “Next question. Bakit hindi mo man lang ako dinala

