Chapter 1 Mervick POV
12:15 PM ang oras ayon sa aking smart phone, lunch time nanaman, araw ng Biyernes. Medyo konti pa lang ang mga tao sa Rudy's kaya dali-dali na akong pumwesto sa pang anim na nakapila dahil alam kong ilang minuto lang ay dadagsa na ang mga empleyado na mga kakain dito, nauna na ako kila Makky at Ron dahil may tinatapos pa sila para sa deadline. Umorder ako ng paborito kong sisig ni Mang Rudy at isang extra rice dahil medyo marami akong gutom ngayong araw. Naupo na ako sa isang lamesa na pang dalawahan na malapit sa salamin, para makita ko agad sila Makky paglabas nila sa building ng opisina namin na kaharap lang ng Rudy's.
Pero teka, habang nakayuko ako at kumakain ay napatigil ako, meron akong naamoy na pamilyar na nagbibigay sa akin ng magandang pakiramdam. Madalas ko maamoy ang mabangong halimuyak na iyon sa Rudy's, hindi ko mawari kung saan nang gagaling pero kakaiba ang nararamdaman ko na hindi ko mawari dahil ang sarap sarap sa pakiramdam. Parang napaka sexy ng amoy na nagbibigay sakin ng init.
Pasimple kong hinahanap saan galing ang amoy hanggang sa napansin ko na nagmumula ito sa bandang harapan ko. Pero napatigil nang mapansin ang magandang babae na nasa kabilang lamesa. Ang mukha na palagi kong hinahanap tuwing lunch time, hindi ko alam ang pangalan nya at hindi ko rin alam kung saan siya nagtatrabaho, pero alam ko na dito lang sa paligid ng BGC dahil halos araw araw ko siyang nakikita. Pero ngayon, nakaupo sya sa lamesang nasa harapan ko at kitang kitang ko ang mukha niya ng malapitan. Para akong nasa langit na nasa harap ng isang anghel, parang tumitigil ang oras at heto siya sa harap ko nakakunot ang noo niya at nakayuko, bising bisi sa kakapindot ng cellphone nya. Hindi ko napansin ang oras at nakatingin lang ako sa kanya habang sumusubo ng pagkain at napapangiti, pero bukod doon meron akong nararamdaman…madalas ko itong maramdaman kapag naaamoy ko yung amoy na yun na hindi ko maipaliwanag, tumatayo ang aking p*********i.
Maputi siya at dark ang buhok, hindi siya kagaya ng mga ibang babae na nagpapakulay ng buhok, kitang kita ko na natural din ang tubo ng buhok nya. Hindi ko sinasadyang maikumpara siya sa aking mga nagdaang girlfriends. Madalas kasi na ma-attract talaga ako sa mga babaeng parang mestiza na blonde ang buhok. Pero ngayon ay iba, hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit ako naakit sa kanya dahil malayong malayo siya sa mga tipo ko.
Pero maganda siya hindi ko iyon makakaila, parang anghel ang mukha niya napaka inosente ang kanyang mga mata na bilog na paminsan minsan ay tumitingin sakin pero parang ang lalim naman ng kanyang iniisip. Naka dress siya na bulaklakin na black, kitang kita mo ang kanyang bewang na maliit, hindi siya katangkaran. Simple lang siya, hindi mo masasabi na probinsyana pero hindi din manilenya na moderno manamit. Napansin ko lang siya nang minsan dumaan siya sa aking harapan at naamoy ko siya, hindi ko maintindihan kung shampoo ba o pabango o natural na amoy ng kanyang balat. Kaya simula noon ay palagi ko na siyang pasimpleng inaabangan sa Rudy's.
Dali dali kong inubos ang sisig ko at umiinom ako ng tubig habang nakatingin kay Ms.Crush sa aking harapan, nang bigla siyang tumayo at nagmamadaling tumalikod. Nabigla ako sa mabilis niyang pagalis dahil may naiwan siya sa lamesa, ang wallet niya. Dali dali kong dinampot at hinabol siya palabas, pero hindi ko na siya nakita kung saan sya nagpunta. Bumalik ako sa loob ng restaurant at lumapit sa Manager na si Michelle.
"Ma'm Michelle, may nakaiwan baka balikan eh hindi ko binuksan yan ha! Biro ko, inabot naman ni Michelle.
"Ay sige sir, itatabi ko siguradong babalikan yan, Thank you sir", naka smile na sabi niya.
Lumabas na ako, 1pm na kailangan ko na bumalik sa opisina pero wala pa rin ang dalawang mokong na hinihintay ko kaya nagpasya na akong umakyat sa opisina.
Pagbalik ko sa opisina, naabutan ko sila Makky at Ron sa pantry.
"Huy! bakit hindi kayo sumunod sa Rudy's?" Tanong ko sa dalawa.
"Pre, sorry anung oras na kami natapos 12:30pm na ata kaya di na kami bumaba may baon pala to si Ron eh naghati na lng kami" Ang paliwanag ni Makky.
"Ganun ba, okay lang nagenjoy naman ako kahit magisa, kasi nakita ko si crush", nakangiti kong sabi.
"Oy pre talaga? Sayang wala kame para naasar ka namin, Hahahaha", ang sabi ni Ron. "Buti na lang wala kayo, kasi naiwan niya yung wallet niya hinabol ko para ibalik kaso bigla syang nawala na parang bula, iniwan ko na lang kay Michelle.", ang kwento ko.
"Bukas pre promise sabay tayo magla-lunch tapos abangan naten si crush mo", nakangiting sabi ni Makky.
Bumalik na ako sa loob ng aking opisina at nagpaka busy sa mga dapat tapusin, mga deadline at mga meetings, hindi ko napansin na 5pm na pala. Sumilip si Makky sa pinto ng aking opisina, "Pre, natapos ko na yung draft ng marketing ad para dun sa sardinas, sinend ko na sa email mo." Si Makky at Ron ay mga proofreaders ko sa aming family business na Marketing Agency, ako ang vice-president at President/CEO naman ang aking ama.
32 years old na ako pero sinabak na ako ni Dad sa kompanya na ito simula highschool pa lang kaya kabisado ko na ang pasikot sikot.
"Sige pre check ko na lang, uwi na kayo at magpahinga Happy Weekend." Naka smile kong sagot sa kanya. “Hay!” Ang nasambit ko na lang habang minamasahe ang aking batok, natapos nanaman ang isang linggo. Sumandal ako at napapikit, ang nakita ko ay ang mala anghel na mukha ni Ms. Crush, napangiti ako, at heto naramdaman ko nanaman ang p*********i ko na nagagalit. Hala! Bakit ganito?!
5:45pm na nang bumaba ako sa basement parking at sumakay sa aking kotse, naisipan kong dumaan muna sa Rudy's. Sumilip ako at napansin ko na iilan na lang ang mga kostumer uwian na kasi ng mga empleyado pero bukas sila hanggang 10pm. Nagpark ako at pumasok sa loob, nagpasya akong uminom muna ng konti tutal eh weekend na. Umupo ako sa bar at nakita naman ako ni Michelle, "Sir, yung usual?" Nakangiti nyang tanong, "Oo" ang sagot ko. "Anu nangyari dun sa wallet kaninang lunch, binalikan ba?" Tanong ko kay Michelle, "Hindi pa nga sir eh, kaya hindi pa rin ako naga-out ayoko kasi iwan kung kanino lang na nakaduty." Sabi ni Michelle. Matagal ko nang nakakakwentuhan si Michelle sa Rudy's parang barkada na rin ang turing namin sa kanya nila Makky at Ron, madalas kasi kami uminom sa Rudy's kapag wala masyadong trabaho.
Maganda si Michelle, morena at sexy ang pangangatawan, actually crush siya ni Makky kaso torpe at mahiyain naman, kaya ako ang madalas na kakwentuhan ni Michelle.
"Ahh okay, babalikan yan for sure, importante yan eh", ang sagot ko habang iniinom ang paborito kong beer.
“Excuse me, meron ba kayong nakitang wallet earlier?, dito kasi ako kumain kanina."
Muntik ko nang mabuga ang beer, napalingon ako bigla at nasa tabi ko na pala si Ms. Crush nakaharap kay Michelle sa bar. Napatingin si Michelle sa akin, at sumagot
"Ahh yes mam, meron po pero need po namin ng proof na kayo talaga ang mayari, ano po ba ang laman ng wallet?"
Naninigurado si Michelle, protocol kasi iyon sa mga ganitong senaryo.
"Makikita mo dun mga IDs ko, ito company ID ko you can compare the name and other details. May laman yan 2000 cash at credit cards under my name."
Ang paliwanag ni Ms.Crush. Tinignan naman ni Michelle ang laman, kinumpara ang mga IDs at kumuha siya ng form at pinapirma si Ms.Crush.
"Ay mam Dianne Nicole Villanueva, need lang po, pwede ko ba kayo picturan para lang po sa documentation?", ang sabi ni Michelle.
"Sure, anything you need", naka smile na tugon ni Nicole. Nakatulala lang ako na parang estatwa habang naguusap sila medyo nakabuka pa ang mga labi ko habang nakatingin kay Ms. Crush, ang ganda pala talaga niya lalo na sa malapitan at ang pinaka nakapagpa tulala saken ay 'yung humahalimuyak nyang amoy na para akong nahuhumaling, ngayon ko nakumpirma na talagang tumatayo ang alaga ko sa pantalon kapag nalalanghap ko iyon, nagwawala na si manoy ko.
"Ay ma'am, siya nga pala si Sir Mervick po ang nakakita sa wallet niyo at iniwan dito saken." Ang sabi ni Michelle habang nakaturo ang sa kinauupuan ko, nabigla ako at napatayo saka mabilis na nagpunas muna ng palad sa aking damit sabay abot ng kamay.
"Hi, Mervick nga pala." nakangiti ako habang kumakabog ang dibdib.
"Hi sir, thank you so much po, Im Nicole by the way.”
Nakangiti sya habang inabot ang kamay ko at biglang umupo sa silyang katabi ng upuan ko, nakita ko ang ngiti sa mukha ni Michelle na para bang nangaasar, alam kasi niya na crush ko si Nicole dahil nga madalas din itong kumain doon.
"Hay, napagod ako nagmadali kasi ako papunta dito dahil baka magsara na, paorder naman ng mojito please."
Lalo akong nagulat dahil hindi ko inaakala na seswertehin ako ngayong araw na ito.
Umupo na rin sa bar counter si Nicole at medyo nakipagkwentuhan sakin at kay Michelle. Madaldal pala si Ms.Crush, halos kami na ang nagsara ng Rudy's dahil inantay na namin si Michelle matapos. Ang dami ko nang nalaman kay Nicole, sa likod pala ng Rudy's ang kanyang pinapasukang opisina at isa pala siyang supervisor ng isang recruitment agency. "Sobrang busy ko kasi kanina kaya nakalimutan ko ung wallet ko, actually na-realize ko na nawawala yung wallet ko nung uwian na hindi ko napansin sa sobrang dami kong ginagawa."
Kwento ni Nicole sakin. "Are you okay? Kaya mong umuwi?” tanong ko sa kanya dahil baka nalasing siya sa ininom niya.
"Kaya ko naman, magrerequest lang ako ng grab." Sagot nya sakin. "Saan ka ba umuuwi, baka pwede naman kita i-drop anywhere near. Hindi naman ako masamang tao, you can ask Michelle." Naka smile kong biro kay Nicole.
"Naku ma'am safe kayo dyan kay sir Mervick, may 5 years ko nang kilala yan." Nakangiti rin sabi ni Michelle. "Sa may Pasig lang naman ako, ikaw tiga saan ka ba Sir Mervick?" Tanong ni Nicole. "Malapit lang pala tayo, sa Makati lang ako." “Okay, sige ayun eh kung hindi naman nakaabala sayo, ang dami mo ng tulong sakin ngayong araw.” Ang sabi ni Nicole habang nakangiti.
Hinatid ko si Nicole, at habang nasa daan kami pilit kong pinapakalma ang sarili dahil nagwawala kasi yung nasa loob ng pantalon ko, dahil sa loob ng kotse amoy na amoy ko si Nicole pinaghalong masarap na amoy niya at alak, buti na lang at nakapikit siya habang nasa byahe.
Hanggang sa makarating kami sa Pasig ay bigla siya nagsalita, "Dyan sa may kanto lang ako yung green na gate."
Huminto ako sa tinuro niyang gate at lumingon sa kanya, "Okay ka lang ba?, kaya mong maglakad papasok?" Tanong ko. "Oo naman, don't worry, Gusto mo bang magkape muna?". Bigla akong kinabahan. "Sure, maaga pa naman." Ang sagot ko sa kaniya, hanggang sa pumasok na kami sa loob ng kanyang apartment.
Cute at minimalist ang apartment ni Nicole, isang bedroom at kulay beige ang mga pader, "Ganda ng place mo ah, matagal ka na rito," tanong ko para lang may mapagusapan. "Mga 1 year na rin, dati may kasama ako dito na roommate kaso umuwi na sya sa probinsya, may cream ba coffee mo?" Sagot naman nya.
"Oo, with cream please, pwede rin ba maki charge ng cellphone? Wala kasi akong dalang charger sa kotse". Kahit meron, hindi naman ako nawawalan ng charger sa kotse. Gusto ko pa kasi magtagal kasama si Nicole, medyo kumalma na yung nasa loob ng pantalon ko.
Nagkwentuhan muna kame pero nagpasya na akong umuwi dahil napapansin ko na inaantok na siya. “1am na pala, alam kong pagod ka, mauna na ko para makapagpahinga ka.” Ang paalam ko kay Nicole.“Sige, salamat uli ha.” Ang sagot niya habang hinahatid niya na ako sa labas hanggang sa sumakay ako sa kotse. Kumaway ako sa kaniya at umuwi na.