Nandito ako sa apartment ni Nicole, tulog na sya dahil napagod sa ginawa namin. Para na akong obsessed kay Nicole parang hindi ko na kayang mabuhay nang wala sya. Gusto ko palagi syang nasa tabi ko at palagi kong hinahalikan ang kanyang mga labi. Palagi pa rin matigas ang sandata ko kapag usapang si Nicole, hindi ko pa rin alam kung bakit ganito ang epekto nya sakin kahit na palagi na kame nagkakasama.
"Oh Nicole, kung alam mo lang kung gaano katindi ang epekto mo sa akin."
Pero ang problema ko kasi ngayon, etong ex ko sa Cebu ay may sinasabi na may anak daw kame at nanghihingi sya ng sustento kay Dad, kaya bigla ako pinapunta sa Cebu. Iniisip ko kung totoo nga ba ito at papano ko ba ipapaliwanag kay Nicole ang lahat, ayoko sya masaktan, ayoko syang lumayo sakin. Tinititigan ko sya habang natutulog na parang dyosa ng kagandahan, bakit ba kasi ngayon lang tayo nagka kilala, bakit ngayon ko lang naramdaman ang ganito.
Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari 3 buwan na ang nakakaraan. May project sa Cebu at kinailangan ako doon dahil hindi pa gamay ng nkababata kong kapatid na si Jimmi ang palakad ng isang advertising company, kahit na medyo naturuan na siya ni Dad sa iba namin negosyo ay kailangan nya pa rin ang presensya ko. Sa Cebu ako lumaki kaya halos lahat ng nagdaang ex girlfriend ko ay nandoon pati na rin karamihan ng mga barkada ko. Minsan birthday ng kaibigan ko na si Michael, pumunta ako sa coffee shop niya at nakipag kwentuhan, at biglang pumasok sa shop yung ex ko na si Leslie. Nakilala ko pa rin sya kht may 1 taon na kameng hindi nagkikita. Blonde ang buhok nya, sexy ang damit naka mini skirt at naka spaghetti top. Galing pala sya ng Japan, nakapag asawa sya ng Japanese, nagbabakasyon sya ngayon dito sa Cebu.
"Hi miss beautiful, how are you?"
Yun ang bati ko sa kanya. Nag-angat sya ng mukha at ngumiti ng malapad.
"Oh my goodness Mervick", bigla nya ako niyakap. "It's been a long time, kamusta ka na?" Ang sabi nya saken.
"Im good, ikaw mukhang mayaman ka na ha?" Pambibiro ko sa kanya.
"Nga pala baka gusto mo mag-join, birthday netong friend ko, may party kame mamaya sa downtown sa isang bar dun ". Pagaaya ko sa kanya.
"Sure, Im actually here to have some fun."
Nakangiti na sagot nya. Kinuha ko ang number niya at kinagabihan nga eh tinext ko sa kania kung saang bar kame nag set up ng party. Naginuman kame magdamag ng aking mga kaibigan at mga bandang 1am ay dumating nga si Leslie. Naginuman kame ni Leslie at nagkwentuhan, inabot na kame ng 5am. Inaya ko sya magalmusal dahil nagugutom na rin ako. Pero sa isang motel kame nakarating at doon na rin kame nag almusal. Naghiwalay kame ng mga bandang lunch time na. Hanggang sa ganito na nga ang naging gawain namin ni Leslie hanggang nandito sya sa Cebu at habang ako ay tinatapos ang project ni Jimmi. Hanggang sa dumating ang araw na nabalitaan ko na lang na bumalik na si Leslie sa Japan nang wala manlang pasabi sa akin, pero siguro nga ay ganoon lang talaga ang relasyon namin.
Pero ngayon ay bigla siyang bumalik, hindi ko alam kung intensyon nya nga bang sirain ako, at bigyan ng kahihiyan ang aking pamilya. Tinawagan ako ni Dad at galit na galit na pinapalipad ako sa Cebu, hindi ko alam ang dahilan at hindi din niya sinabi agad, mabuti na lang at may mga flights na available ng araw na iyon.
"Mervick, what is this scandal na pinasukan mo?. Hindi kita pinalaki na isang iresponsable!".
Galit na galit si Dad saken pagdating ko pa lang sa bahay namin sa Cebu.
"Dad please, what are you talking about?".
Ang sabi ko habang takang taka.
" Sino etong Leslie na nagpapahiya sa pamilya naten sa social media, this has caused stress sa Mommy mo." Ang paliwanag ni Dad.
" Okay Dad, kumalma muna kayo. Kung anuman ang ginawa ni Leslie ay ako nang bahala umayos at kumausap sa kanya."
Ang sabi ko kay Dad, at dali dali akong umakyat sa aking kwarto sa luma naming bahay upang magpalit ng damit at balak ko rin kumain muna. Pagkatapos ko magpalit ng damit ay sinilip ko si Mom sa kwarto, tulog siya kaya nagpasya ako na mamaya na lang siya kakausapin. Sinubukan kong tawagan ang number ni Leslie, nagring iyon.
"Hello, Mervick it's been a long time."
Ang sabi sa kabilang linya.
"Pwede ba tayong magusap?, nasaan ka ngayon?." Ang tanong ko sa kaniya.
Tinext niya saken ang address at dali dali akong sumakay sa kotse ni Dad para puntahan ang lugar. Sa bahay ng kanyang tita na malapit sa dagat tumutuloy si Leslie, medyo malayo iyon sa city mga 2 hrs drive. Nang makarating ako ay agad naman niya akong sinalubong, napansin ko nga na medyo maumbok ang kanyang tyan.
"Tara Mervick dito tayo sa veranda, gusto mo ba ng juice?".
Ang salubong nya sa akin. Nakalimutan kong kumain at nakakaramdam ako ng gutom.
"Sure, medyo malayo pala dito at medyo nakakapagod yung pagdrive."
Nagpakuha si Leslie sa kanyang pamangkin ng juice at may kasamang suman. Nilantakan ko agad iyon at habang kumakain ako, biglang nagumpisa nang magsalit si Leslie.
" Im sorry sa kumalat sa social media, ako lang iyon na naging emosyonal at nadala ako ng aking galit, lalo na sa mga sinabi ng Daddy mo saken. I tried to reach out sayo, pero I don't know kung bakit hindi ko makontak ang number mo, I also tried sa messenger mo makipagusap sayo pero I don't think na nabasa mo manlang ang message ko. "
Dali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang spam, nandun nga ang request galing kay Leslie at nabasa ko nga na gusto niya akong kausapin.
" I found out nung pagbalik ko ng Japan, bigla na lang kasi akong hindi dinatnan. Alam ko naman kung anu ang dahilan at kung kanino etong dinadala ko, alam kong alam mo ang mga nangyari saten bago ako bumalik sa Japan. Walang alam ang asawa kong hapon dahil bigla akong nagpasya lumipad papunta dito kahit na 1buwan pa lang ako nakakabalik doon, bago pa nya mahalata ang tyan ko, ngayon ayaw niya akong kausapin at wala rin siyang sustento sakin. Mervick, wala akong ipon, kaya hindi ko alam kung papano ang gagawin ko."
Eto ang mahabang paliwanag ni Leslie sa akin, nakatulala ako na nakatingin sa dagat at napabuntong hininga.
" Leslie, ayokong masaktan ka, pero sana naiintindihan mo naman ang kalagayan ko, paano naman ako nakaka sigurado na ako nga ama ng dinadala mo?, wala akong gustong ibang ipahiwatig, hindi ko sinasabing masamang babae ka, pero ginawa naten yung mga bagay na yun eh may asawa ka na. Hindi ko rin alam ng mga panahon na yun kung mag-ano ba tayo."
Ang paliwanag ko kay Leslie.
"Oo naiintindihan naman kita, alam ko naman na pareho tayong may kasalanan."
"Anung plano mo ngayon?, kung okay sayo, pwede ko naman sustentuhan ang bata. Pero sana maintindihan mo na kailangan ko rin ng katunayan na sa akin nga yang dinadala mo."
Ang sabi ko sa kaniya, dahan dahan ang aking pagsasalita dahil alam kong maselan ang kaniyang sitwasyon at mataas ang emosyon.
"Sasamahan kita kung kelan ang check up mo, pero may kailangan muna akong ayusin sa Manila, may girlfriend ako Leslie at mahal ko siya, hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanya."
"Sige bumalik ka muna ng Manila, 4 months pa lang naman ang tyan ko. Ako na ang bahala magpacheck up magisa. Pero ipangako mo na babalik ka, dahil ayoko mag iskandalo, sana naman Mervick naiintindihan mo ako." Ang paliwanag ni Leslie.
"Huwag kang magalala, aayusin ko lang ang dapat kong ayusin. Magiiwan ako ng pera sayo ngayon para pang gastos mo. Pero ang hinihiling ko lang Leslie, wag na naten idamay ang pamilya ko, tayo na lang ang magusap please."
Seryoso akong nakatingin kay Leslie, at inabot ko ang aking kamay bilang pakikipag kasundo sa kaniya. Inabutan ko siya ng 10,000 pesos para pang gastos at nangako na magpapadala at sumakay na ako sa sasakyan at umuwi.
Kinausap ko si Dad at Mom pagkarating ko ng bahay at sinabi ang mga plano, naintindihan naman nila. Dali dali na rin akong pumunta sa airport dahil kailangan kong bumalik agad ng Manila, gustong gusto ko na makita si Nicole. Naalala ko nga na hindi pala ako nakapag paalam sa kaniya at nakatulog din ako sa biyahe sa eroplano dahil na rin sa pagod kaya dumerecho na ako sa apartment niya dahil ginabi na rin ako ng dating.