TWO YEARS BEFORE
Sa loob ng ng isang coffee shop ay malaya namang nag-usap sina Glen at Trish tungkol sa nangyari.
“Nilagyan niya ng pampatulog ang inumin mo, you end up getting drunk and dizzy within two shots. Sinabihan niya ako na ihatid kayo sa isang malapit na motel. He even asked me na kunan kayo ng litrato habang inaalalayan ka niya papasok ng motel.”
Napakunot noo naman si Trish at sumagot.
“So ikaw ang nagpakalat ng pictures?”
Galit na tanong nito.
“No, Si Romy, he sent it to Danica at malamang siya ang nagpakalat nun sa buong campus. I’m sorry Trish, I was so stupid, pinagbantaan din ako ni Romy, sabi niya ipapabugbog niya ako kung sakaling hindi ko susundin ang mga gusto niya.”
Nanlulumong sabi ni Glen.
Napailing nalang si Trish dahil sa mga nalaman.
“Ano ba kasing nagawa ko sa kanila? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin to?”
Naiinis na sambit ni Trish.
“Danica was so jealous to you ever since. Maybe because you had everything she wants. Kaya ngayon she’s trying to drag you down. Trish, I want you to know na kakampi mo ako.”
Napakunot noo nalang si Trish at humarap kay Glen.
“So how can I trust you?”
Napayuko naman si Glen at dinampot ang isang flash drive sa kanayang bulsa.
“Take it with you.”
Napatingin naman si Trish at nagtaka.
“Ano to?”
Napatingin naman sa malayo si Glen at sumagot.
“I was there the night when Romy touched you. He told me document everything, lahat ng kahalayan na ginawa niya. I’m not supposed to tell you this pero hindi na kaya ng konsensya ko Trish.”
Nanlumo naman si Trish habang iniaabot ang flash drive sa kamay ni Glen.
“Patawarin mo ako, ito lang ang kaya kong gawin.”
Napatango nalang si Trish at sumagot.
“I understand. Salamat Glen.”
Tugon nito.
............
Sa kalagitnaan ng cheering practice ay nagulat naman ang lahat nang biglang dumating si Trish at sinugod si Danica.
“Hayop ka, ikaw ang may kagagawan ng lahat!”
Sigaw ni Trish.
Lumapit naman si Danica at tinaasan din ng boses si Trish.
“What is your problem b***h?”
Hindi na ito naka-imik pa ng bigla nalang niyang maramdaman ang palad ni Trish sa kanyang mukha.
“Damn it!”
Agad naman itong nakakilos at ginatihan din ng isang malakas na sampal si Trish.
“Don’t you dare slap me like that!”
Sigaw nito.
“Huwag mo akong hinahamon dahil hinding-hindi kita aatrasan.”
Mabilis namang hinablot ni Trish ang buhok ni Danica at hinila ito ng malakas.
Ilang sandali lang ay lumapit na rin sila Vicky at Unice upang tulungan si Danica.
Agad nilang pinalibutan si Trish at hinila din ang buhok nito.
Ilang saglit lang ay pare-pareho naman silang natigilan ng dumating ang principal ng campus.
PRESENT DAY
Abot tenga naman ang ngiti ni Unice nang marinig ang magandang balita tungkol sa kaibigan nitong si Vicky.
“Congrats. I hope it’s a cute baby girl.”
Masayang sabi ni Unice.
Tipid namang ngumiti si Vicky at nagsalita.
“Masaya ako na may isang taong masaya para sa akin.”
Napako naman ang tingin ni Unice sa kaibigan at nagtanong.
“So alam na ba Benjie?”
Seryosong tanong nito.
“He knows, as expected natakot siya. Pero okay lang, no matter what happen bubuhayin ko yung bata.”
Napangiti naman si Unice at sumagot.
“Oh, I think nagulat lang siya, bata pa kayong pareho, but I know for sure na tatanggapin din ni Benjie ang bata, just give him time. Kailangan niya lang siguro ng malinaw nag pag-iisip.”
Payo naman ni Unice.
Napatango nalang si Vicky at sumagot.
“I hope so. Alam mo Unice, ganito pala ang pakiramdam ng nagbubuntis, nakakatakot at nakakaexcite. Excited ako because it is a brand new journey, nakakatakot kasi hindi pa ako handa, iniisip kung paano ko siya palalakihin, I wonder if I can keep him safe hanggang sa lumaki siya, now I’m starting to regret those things na nagawa ko kay Trish, iniisip ko kung paano nalang kung lahat ng iyon maranasan din ng anak ko. I was too foolish.”
Nakita naman ni Unice ang labis na pagsisisi at takot sa mukha ng kaibigan.
“Tapos na yun, to be honest I feel that too. Huli na nga siguro para magsisi pa. If I can talk to Trish right now, gustong-gusto kong humingi ng tawad. How I hope na sana maibalik ko ang dati.”
Malungkot na bigkas ni Unice.
................
Sa kalagitnaan ng gabi ay isang tawag ang pumukaw sa diwa ni Vicky.
Nagulat nalang ito ng makita ang pangalan ni Benjie sa screen ng kanyang cellphone.
Maingat naman niya itong sinagot at pinakinggan ang tawag ng kasintahan.
“Hello Vick? Vick I’m sorry, I was just so scared. Can we talk please?”
Naparolyo nalang ng mata si Vicky at sumagot.
“May dapat ba tayong pag-usapan? Kung hindi mo papanindigan itong batang dinadala ko, then there’s nothing to talk about.”
Seryosong tugon ni Vicky.
“Vick, It’s okay. Napag-isipan ko na, ngayon sigurado na ako, I can’t let you go and the baby.”
Napahinga naman ng malalim si Vicky at napangiti sa narinig.
“Talaga?”
Agad namang tumugon ang lalaki at sinabi.
“Yes, can I go there?”
Tumalon naman ang puso ni Vicky sa tuwa at sumagot.
“Yeah, sure. We’ll talk”
Sambit nito bago ibinaba ang kanyang cellphone.
................
Dahil sa labis na galak ay halos patakbo namang humakbang si Benjie sa kanyang sasakyan na naka garahe lang sa tapat ng kanilang bahay.
Agad itong nagmadali nang maisip ang kasintahang si Vicky.
Buo na ang kanyang loob at sa oras na iyon ay gustong-gusto na niyang makita si Vickie at ang kanilang magiging anak.
Mabilis na pinaandar ni Benjie ang kanyang sasakyan.
Binuksan pa nito ang kanyang radyo at pinakinggan ang love song nila ni Vicky.
Hindi naman maalis ang kanyang ngiti habang pinapakinggan iyon.
Sa kalagitnaan ng madilim na highway ay natigilan naman ito nang maramdaman na tila may kumakaluskos sa mula sa likuran ng kanyang sasakyan.
Ilang sandali pa ang lumipas ay napilitan naman itong huminto dahil sa check point.
Tatlong pulis ang humarang sa kanya at hinayaan nalang niya itong silipin ang laman ng kanyang kotse.
Maya-maya pa ay nagulat naman ito ng biglang kinatok ng isang pulis ang kanyang bintana agad naman niya itong binuksan at magalang na nagtanong.
“May problema ba sir?”
Nagulat nalang si Benjie nang tiningnan siya ng masama nang pulis at pinilit pa siyang bumaba ng sasakyan.
“Sir ano ba? anong problema?.”
Naiiritang tanong nito ng kaladkalarin siya ng isang pulis palapit sa likuran ng kanyang sasakyan.
“Bata, pwede mo bang ipaliwanag sa amin kung ano ito.”
Nabaling nalang ang tingin ni Benjie sa likuran ng kanyang sasakyan at nanlaki ang mga mata sa nakita.
Tila namanhid naman ang kanyang tuhod ng makita ang katawan ng isang babae sa sa storage tray ng kanyang sasakyan.
“Hindi. Hindi!”
Sigaw nito habang patakbong humakbang papalapit sa storage at sinuri ang mukha ng babaeng nandoon.
Bigla naman itong natigilan ng makita ang isang pamilyar na mukha.
“Vicky? Vicky!”
Nanlumo nalang ito ng makita ang bangkay ni Vicky.
Dilat ang mga mata at natatakpan din ng electrical tape ang bibig nito.
Ngunit mas lalo pang nanlumo si Benjie nang mapansin na wasak na ang tiyan ng kasintahan na tila ba ay tinaggalan na ng mga lamang loob.
“Vicky!”
Pasigaw na hagulhol nito habang niyayapos ang katawan ni Vicky.
“Sumama ka sa amin, Sa presinto ka na magpaliwanag.”
Sabi ng isang pulis.
Napahandusay naman sa kalsada si Benjie at napatulala.
Mabilis namang inalalayan ng mga pulis si Benjie papasok sa kanilang sasakyan.