PRESENT DAY
Muli namang nagtagpo ang landas ng mga magkakaibigan sa araw ng libing ni Romy.
Hindi man nagpapansinan ay bakas naman sa mukha ng bawat isa ang pag-aalala.
Pagkatapos ng seremonya ay agad naman silang naghiwalay ng landas.
Ngunit nanatiling magkasama ang magkasintahang sina Vicky at Benjie.
Habang naglalakad palabas ng sementeryo ay napansin naman ni Benjie ang pananahimik ng dalaga.
“Hon, kanina ka pa walang imik diyan, affected ka ba masiyado sa pagkamatay ni Romy?”
Tanong ni Benjie.
Napabuntong hininga naman ang babae at buong lakas na humarap sa kasintahan.
“It’s not the right time to make a joke about him at tsaka nga pala may gusto lang akong sabihin sayo.”
Napakunot-noo nalang si Benjie at tinitigang maiigi si Vicky.
“Is it a good news?”
Napako naman ang tingin ng babae sa kasintahan at sinabi.
“Benj. Buntis ako.”
Direkta niyang sabi.
Tila namanhid naman ang mukha ng lalaki at hindi agad nakapagsalita.
“What? When did you find out?”
Gulat na tanong nito.
“Kahapon lang, alam kong hindi pa tayo handa. But I want you to take the responsibility with me.”
Napakamot naman ng ulo si Benjie at sumagot.
“Vick, okay ka lang?. mga bata pa tayo and you know what we can still fix it. Wala ka pa naman sigurong sinabihan di ba?”
Natatarantang sambit ni Benjie.
Napako naman ang tingin ni Vicky sa lalaki at sumagot.
“Alam ko kung ano ang nasa isip mo. And I won’t do it. Kung ayaw mong panindigan itong bata, kaya kong mag-isa. Hindi kita kailangan.”
Sambit ni Vicky sabay lakad palayo.
Nanatili namang balisa si Benjie at mistulang hindi parin makapaniwala sa narinig.
........
Nagulat naman sina Danica at Jake nang makita sina Jane at Spencer habang naglalakad palapit sa kanila.
“Oh wow, nandito din pala kayo. It’s been a long time.”
Bati ni Danica sa sarkastikong tono.
Tiningnan naman siya ng masama ni Jane at sumagot.
“Nandito kami para makiramay kay Romy and I can’t believe na makikita ko kayo dito, After all you have done Danica kayang-kaya mo parin palang lunukin yang konsensya mo?.”
Sambit ni Jane.
Napataas naman ng kilay si Danica at humakbang palapit kay Jane.
“Hanggang ngayon pala may saltik parin yang dila mo?. Hindi mo pwedeng isisi sa amin ang lahat Jane. Dahil ikaw mismo wala kang ginawa para sa kaibigan mo. You know what you deserve to die like exactly what happened to you in her f*****g book.”
Napalihis naman ng tingin si Jane at sumagot.
“Okay lang sa akin, at least wala akong dinamay na ibang tao, hindi naman dahil kay Trish o sa libro kaya nangyayari ito. It’s all because you let your friends play your stupid games, dahil sayo mamatay silang lahat!”
Nanlaki naman ang mga mata ni Danica at binalak pang sugurin si Jane.
“How dare you.”
Gigil na bigkas nito.
Agad naman itong napigilan ni Jake bago pa man makagawa ng eksena.
Hindi naman tumugon pa si Jane bagkos ay inalalayan nalang ito ni Spencer palayo sa dalawa.
TWO YEARS BEFORE
Napahinto nalang sina Trish at Jane nang makita ang grupo nila Danica na bahagyang nakaharang sa kanilang dinadaanan.
Lahat sila ay may hawak na kapirasong bond paper na mariin naman nilang tinitigan.
“I heard you went to guidance office? For sure alam mo na kung ano ito.”
Agad namang inabot ni Danica ang hawak niyang bond paper at kinuha naman iyon ni Trish.
Nanlaki nalang ang mga mata nito sa nakitang larawan na naka print sa nasabing papel.
“I can’t believe it, you are such a great slut. Don’t deny it, walang matinong babae ang sasama sa isang lalaki sa isang motel. Are you out of your mind Trish? Nasaan na si Trisha ang pambansang Virgin Mary?”
Sarkastikong sabi ni Danica na bahagya pang natatawa.
Napailing nalang si Trish nang makita ang larawan nila ni Romy habang inaalalayan siya nito papasok sa entrance ng motel.
“Hindi totoo to. Hindi”
Nanginginig na sabi ni Trish.
“Come on, Romy told me na pinagbintangan mo pa siya. Kitang-kita naman girl, kusa kang sumama sa kanya. Bakit hindi mo nalang kasi aminin na talagang malandi ka lang!”
Sigaw ni Danica.
Bigla namang nagtawanan ang ilan sa mga kaklase nila na nakikinig lang sa usapan.
“Shut up Danica! Wala kang alam sa nangyari.”
Sambit naman ni Jane na nakaramdam na rin ng pagkapikon.
“So are you with her now? Akala ko ba Trish, hindi kayo close? Di ba sabi mo pa nga, You don’t make friends with a beggar? Pathetic scholar na mukhang pera.”
Nakangiting tanong ni Danica.
“Tama na Danica wala na tayong dapat pag-usapan. I will clear my name, I’ll make sure that you cannot drag me down.”
Sagot naman ni Trish.
“We’ll see. You know what wala ka nang maipagmamalaki sa akin Trish. So you better stay out of my sight dahil ang sakit mo mata.”
Sambit ni Danica.
Habang naglalakad ay nanatiling balisa naman si Trish.
Saglit itong napahinto at napaisip.
“Jane, I have to tell it to the police. Kailangan nilang magbayad sa ginawa nila.”
Napatingin naman si Jane sa mukha ng kaibigan at sumagot.
“Trish, I’m sorry we should think about it clearly. Yung pictures they’re telling a different story. Trish pwede nilang baliktarin ang sitwasyon, baka ikaw pa ang lumabas na masama dito.”
Pag-aalala ni Jane.
“Are you serious? Are you saying na mas naniniwala ka dun sa mga pictures?.I don’t tolerate it. Hindi ako papayag na sirain nila ang pagkatao ko. Kung ayaw mong sumama then I’ll do it alone.”
Sambit ni Trish sabay hakbang palayo.
Ngunit bago pa man makaalis ay napatigil naman ito ng makita sa harapan niya si Glen.
Balisa ito at tila takot na takot ang mukha.
“Trish pwde ba kitang makausap?”
Seryosong sambit nito.
Napakunot noo naman si Trish at nagtaka.
“What about it?”
Napayuko naman si Glen bago tumugon.
“I was there that night at nakita ko ang lahat.”
Paliwanag nito.
Napatulala nalang si Trish at binalingan ng tingin ang binata.