TWO YEARS BEFORE
Namulat nalang si Trish at natagpuan ang kanyang sarili sa isang maliwanag na silid.
Nagising nalang ito dahil sa dampi ng liwanag ng araw sa kanyang balat na nagmumula naman sa malapad na bintana.
Napahawak siya sa kanyang noo ng makaramdam ng pagkahilo.
Nagtataka man ay pinilit parin nitong igalaw ang kanyang katawan.
Hanggang sa napasigaw nalang ito ng maramdaman ang kakaibang hapdi sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot na naka takit sa kalahati ng kanyang katawan at ilang saglit lang ay nagulat nalang ito nang makita ang pagtagos ng dugo sa kanyang salawal.
Napakunot noo nalang ito habang pilit na ininda ang sakit ng kanyang p********e.
Dahan-dahan itong humakbang patungo sa banyo at doon ay masuring pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa harap ng malapad na salamin.
May ilang mga pasa sa kanyang braso at hita.
Tanging pang-itaas na t-shirt at salawal lang din ang suot nito.
Pinilit niyang inalala ang mga nangyari ngunit ang huling bagay lang na sumagi sa kanyang isipan ay ang mukha ni Romy.
“What did he do to me?”
Nangangambang tanong ni Trish sa kanyang sarili.
..........................
Nagulat naman si Jane nang makitang balisa ang kaibigan nitong si Trish.
Agad naman itong lumapit at umupo sa harapan ng kaibigan.
Hindi man nagsasalita ay alam niyang may dinadaing itong mabigat na problema.
“Trish, are you alright?”
Pag-aalala ni Jane.
Hindi na nakasagot pa si Trish at tanging pag-iyak nalang ang naitugon nito.
Dahil sa nakita ay agad namang tumayo si Jane at lumipat sa tabi ng kaibigan.
“Trish, what is it? Tell me.”
Nang tiningnan ng maigi ang katawan ng kaibigan ay nanlaki naman ang mga mata ni Jane sa kanyang nakita.
“The hell, bakit may pasa ka? Trish sabihin mo sa akin kung anong nangyari.”
Galit na sambit ni Jane.
Dahan-dahan namang humarap si Trish sa kanya at marahang binuksan ang bigbig nito.
“I.. I was molested, Jane binaboy niya ako.”
Napako naman ang tingin ni Jane sa kaibigan at tila hindi makapaniwala sa mga narinig.
“Trish, sabihin mo sa akin. Sino ang may gawa nito?.”
Ilang sandali ding natahimik si Trish bago tuluyang nakapag salita.
“Romy, Romy did it to me.”
Nanginginig na sagot ni Trish.
Napatikom naman ng kamao si Jane habang pilit na pinipigilan ang sariling emosyon.
...............
PRESENT DAY
Nagising naman si Jane nang marinig ang kanyang ina na bigla nalang pumasok sa kanyang silid.
Agad naman niyang ini-angat ang katawan sa kama at nginitian ang ina.
“Ma, may problema ba?”
Napailing naman ang kanyang ina at humakbang palapit sa kanya.
“Nag-aalala ako anak, ilang araw ka nang balisa. Nabalitaan ko na dalawa sa mga kaklase mo noong high school ay brutal na pinatay at si Trisha ang pinaghihinalaan ng lahat, alam kong malapit kayo sa isat-isa, pero.”
Bigla namang hinawakan ni Jane ang kamay ng kanyang ina at tiningnan ito sa mga mata.
“Ma, I’ll be fine. Nagkataon lang ang lahat, There’s nothing to do with Trish. Mabuti siyang tao, alam kong hindi niya kayang gawin ang mga iyon.”
Kampanteng tugon naman ni Jane.
Napangiti nalang ang kanyang ina na tila nabawasan na rin ang pag-aalala sa mukha nito.
............
Gabi na ng matapos ang klase ni Jane, paglabas palang niya sa gate ng campus ay nagulat naman ito ng makita si Spencer na tila ba ay may inaabangan.
Agad naman nitong nilapitan ang binata at binati ito.
“Sorry, kung dito pa kita inantay, hindi ko kasi alam yung schedule mo, kaya dito nalang ako nag-abang.”
Paliwanag ni Spencer.
Napangiti naman si Jane at sumagot.
“So what brought you here? Gusto mo bang mag kape?”
Paanyaya nito.
Napangiti naman si Spencer at tumango.
..............
Sa isang malapit na coffee shop ay seryoso naman ang naging paksa nila Jane at Spencer.
Sa gitna ng malalim na kwentuhan ay hindi naman nila maiwasan na mag-alala sa bawat isa.
“Bukas na libing ni Romy, just tell me if you want to come, sasamahan kita.”
Napayuko nalang si Jane at biglang natahimik.
“Hindi na siguro.”
Tipid na sagot nito.
Bigla ay nagulat naman si Jane nang biglang hinawakan ni Spencer ang kanyang mga kamay.
“Are sure, you’re okay?”
Pag-aalala ng lalaki.
“Yeah, it’s just that, hindi ko alam, part of me says that ayaw ko sa mga nangyayari, but I can’t help to think that maybe we all deserve this, after all nasaktan natin si Trish, nakita ko ang lahat ng pinagdaanan niya and I was just there watching. As her friend wala akong ginawa.”
Bigla namang dumaloy ang luha ni Jane dahil na rin sa bugso ng emosyon.
“Jane, no one deserves to be killed. Alam kong may mali tayo, kung ano man ang nagawa nating mali tapos na yun. I saw you together, alam kong naging mabuting kaibigan ka. Don’t blame yourself too much. Naniniwala ako sayo Jane, naniniwala ako na matatapos din ito.”
Malumanay na sambit ni Spencer.
“My mother once lost herself, pinabayaan niya kami, nalolong siya sa bisyo mga sugal at kahit drugs and that was the time na lumapit ako kay Trish at nagmakaawa and she never refuses me. Lumapit siya sa daddy niya at nakiusap na tulungan ako. Dahil sa kanila nakapag-aral ako at heto ako ngayon kahit paano may direksyon ang buhay. Pero si Trish, wala na siya, Spencer wala akong ginawa. Wala akong kwentang kaibigan.”
Maya-maya ay tumayo nalang si Spencer sa kanyang kinauupuan at lumapit kay Jane.
Agad niya itong niyakap at ipinadama ang pagdamay nito.
TWO YEARS BEFORE
Sa isang tagong bilyaran ay masaya namang nagku-kwentuhan ang magkaibigang sina Benjie, Jake at Romy.
“Hey men, you didn’t tell me, she’s still a virgin.”
Natatawang sambit ni Romy.
“Then good for you men, she’s all yours now.”
Tugon naman ni Jake habang iniinom ang bote ng beer na hawak niya.
“So how does it feel f*****g a virgin? Masarap ba? Did she give you a hard time?”
Tanong naman ni Benjie na natatawa pa.
“We’ll she was drunk, she probably didn’t feel it well, pero ang sarap pare. I can’t believe I could possibly f**k Trisha Suarez.”
Masayang pahayag naman ni Romy.
Maya-maya lang ay nagulat naman ang tatlo nang biglang makarinig ng mga yapak ng paa papasok sa lugar.
Napatigil naman sila nang makita ang galit na mukha ni Trish kasama ang kaibigan nitong si Jane.
“So it’s true?”
Seryosong sambit ni Trish.
Hindi naman nakasagot ang tatlong lalaki.
Napatingin nalang sila kay Trish na unti-unting humahakbang palapit sa kanila.
“Anong pinagsasabi mo?”
Tanong ni Romy sa sarkastikong tono.
“About last night, I found myself in a motel room and you brought me there.”
Sambit ni Trish.
“Then thanks to me, hindi kita iniwan sa kalye.”
Nagulat nalang si Romy ng biglang maramdaman ang palad ni Trish sa kanyang pisngi.
“You r***d me, sinadya mong lasingin ako to take advantage!”
Sigaw ni Trish sa nanginginig na boses.
Napailing naman si Romy at binalak pa na pagbuhatan ng kamay si Trish ngunit agad naman itong naawat ng kanyang mga kaibigan.
“f**k you! Ginusto mong sumama sa akin, sarap na sarap ka pa nga di ba?”
Agad namang sumugod si Trish at pinaghahampas si Romy sa sobrang galit.
“How dare you! Asshole”
Agad namang umawat si Jane at pilit na pinakalma ang kaibigan.
“Don’t make it an issue Trish, what’s the point kung magagalit ka pa? Sooner hahanapin mo rin yung s*x, kung hindi man sa akin, baka sa iba.”
Nakangiting sambit ni Romy.
“Hayop ka!”
Sigaw ni Trish.
“Tama na. let’s go home Trish, wala tayong mapapala dito.”
Malumanay na sambit ni Jane.
Agad naman nagsitawanan ang mga kalalakihan at tiningnan ng mariin sina Jane at Trish.
“It’s a long day ladies. Babye.”
Pang-aasar naman ni Benjie.
Bigla namang napatigil si Trish at nabaling ang tingin sa dating kasintahang si Jake na agad namang umiwas ng tingin.
“Are you enjoying this? Masaya ka na ba?”
Mangiyak-ngiyak na sambit ni Trish sa tatlo.
Agad namang napatingin si Jane at hinarap din ang mga kalalakihan.
“We’ll go now, pero tandaan niyo na narinig ko ang lahat ng sinabi niyo, tandaan niyo ang araw na to. I’ll make sure na magbabayad kayo sa ginawa niyo kay Trish, Lalong-lalo ka na Romy.”
Pagbabanta ni Jane.
...................
Pagtapos noon ay agad namang dumeretso sina Trish at Jane sa office nang kanilang guidance counsellor upang sana ay makahingi ng tulong.
“Maybe, Ms Suarez, is experiencing some depressions right now. Alam naman natin ang nangyari sa daddy niya di ba?, A depress mind can create a weird illusions, pwedeng akala mo nangyari pero hindi naman pala. You told me she was drunk and there is a big chance that it’s all part of her imagination.”
Malumanay na pahayag nang kanilang guro.
Napailing naman si Jane at sumagot.
“Na r**e po yung kaibigan ko, I heard it myself, pinag-usapan at sinabi mismo ni Romy ang lahat ng ginawa niya. Please sir, we are here because she needs your help.”
Napako naman ang tingin ng guro kay Jane at sinabi.
“Well it seems like, hindi naman yun ang nakita ko sa mga pictures.”
Napakunot noo naman si Jane at nagtaka.
“What do you mean pictures?”
Agad namang dinukot ng guro ang isang envelop sa kanyang drawer at inilapatag ang laman noon sa lamesa.
“Someone sent me that at sa nakikita mo, Romy and Trish are having a moment inside the bar.”
Napako naman ang tingin ni Jane sa mga larawan at bahagyang napaisip.
“This can’t be.”
Nag-aalalang sambit nito.