6

1109 Words
TWO YEARS BEFORE   Matiyaga namang nag-abang si Trish sa labas ng gym. Tahimik lang itong nakatayo, nakatulala at hindi alintana ang unti-unting pagdilim ng paligid.   Ilang sandali pa ay lumabas naman ang isang grupo ng mga kalalakihan mula sa pintuan ng gym.   Tipid namang napangiti si Trish ng makita ang nobyong si Jake na tila nagulat din ng makita siya.   Dahan-dahan silang humakbang palapit sa isat-isa.   Napa-iling nalang bigla si Jake at tiningnan ng mariin si Trish.   “Trish? What are doing here, Hindi ka ba hinahanap sa inyo?” Pagtataka nito.   Ngumiti naman si Trish at biglang niyakap ang lalaki.   “I know it’s late, but I miss you. I know you were too busy. Gusto lang kitang makita.” Malambing na sabi ni Trish.   “Sorry. Medyo nagkasabay-sabay lang kasi.” Mahinahong sabi ni Jake.   “It’s okay, ang mahalaga magkasama na tayo ngayon. I need you Jake. I badly need you right now.” Sambit uli ni Trish sa nanlulumong tono.   ..............   PRESENT DAY       Nakalutang naman ang diwa ni Jane hanggang sa bigla nalang itong naalarma ng makita si Spencer sa kanyang tagiliran.   “It’s getting serious, kung totoo man ang mga naka sulat sa libro ni Trish ay maaring kaunting panahon nalang din ang ang natitira sa buhay natin.” Sambit ni Spencer sa seryosong tono.   Napailing naman si Jane at napa-isip.   “I was on her book too, It was on the last part. It feels like I’ll be the last person to survive. Hindi ko lang alam kung bakit niya ginagawa ito, She’s like a sister to me. Alam kung may pagkukulang ako bilang kaibigan niya, but still I don’t deserve to be part of her book, Kahit ikaw Spencer, alam kong wala kang ginagawang masama sa kanya. Pero bakit kasali tayo?” Nanginginig na sambit ni Jane.   Agad namang lumapit si Spencer at niyakap ang dalaga.   “It’s alright, calm down, kung totoo man na buhay pa si Trish at kung siya talaga ang sumulat ng libro, hahanapin ko siya. Hindi ko hahayaang masaktan ka niya Jane.” Malumanay na sambit ni Spencer.   Napapikit nalang ang dalaga at dinama ang mahigpit na yakap nito.   “Thank you, Spencer. Buti nalang at nandito ka.” Mahinang bigkas nito.   ...............     Napa-angat naman ng tingin si Dante sa isang may edad na babae na kasalukuyang naka-upo sa harapan niya.   Agad niyang inilatag ang dala niyang libro na ikinagulat naman ng babae.   “Kayo ang publisher ng librong ito. Kailangan lang po namin ng kaunting impormasyon tungkol sa writer o kung sino man ang sumulat ng libro.” Napatingin naman ng deretso sa kanya ang babae at sumagot.   .”Actually the story was bought from one of our external writer. We only do transactions online. Hindi namin alam kung sino siya. Our payment transaction is also done online. We don’t have any information aside from the pen name which is Trisha.” Kalmadong tugon ng babae.   Napakunot noo naman si Dante at tila wala na ring nagawa.   ..............     TWO YEARS BEFORE   Habang nagsasaya sa loob ng bar ay bigla namang hinagkan ni Danica ang kanyang kasayawan na si Jake.   Hinaplos nito ang mukha ng lalaki at mabilis na inangkin ang mga labi nito. Pagkatapos halikan ay napatingin naman si Danica sa mukha ng lalaki.   “You like it?” Nakangiting sabi nito.   Bigla ay hinagkan naman ni Jake si Danica at muli ay hinalikan ang mga labi nito.   Nang muling maghiwalay ang kanilang mga labi ay napatingin nalang sila sa isang dereksyon at parehong natigilan ng makita si Trish.   “So are you guys, busy flirting with each other?” Napatulala naman silang pareho at napatingin sa galit na mukha ng dalaga.   “Trish.” Nanlumo naman si Jake at bahagya pang humakbang palapit ka Trish.   “Don’t come near me. Of all people bakit si Danica? Bakit kaibigan ko pa?” Nangilid naman ang mga luha ni Trish at ilang saglit lang ay tumalikod nalang at tumakbo palabas ng bar.   Habang tumatakbo palabas ay isang pamilya na boses naman ang narinig ni Trish.   Napahinto nalang ito at tiningnan ang nag-aalalang mukha ni Romy.   “Why are you following me? Hindi ba dapat yung kaibigan mo yung humahabol sa akin?” Napayuko nalang si Rome at sumagot.   “I’m sorry, sana sinabi ko sayo. They been dating since last week. Pareho ko kayong kaibigan, as much as possible ayaw kong may kinakampihan. Trish, sana nauunawaan mo.” Napailing nalang si Trish at napa-upo sa semento.   Bigla nalang bumigay ang kanyang emosyon at malaya niyang pinakawalan ang kanyang mga luha.   “I should have known, sana hindi ko sila pingakatiwalaan.” Agad namang lumapit si Romy sa kanya at mahigpit siyang niyakap.   “Tama na Trish, nandito lang ako. I will never leave you.” Sambit ni Romy sa pabulong na boses.       .............     PRESENT DAY     Abot tenga naman ang ngiti ni Danica ng makita sa labas ng kanilang bahay ang nobyong si Jake. Agad naman itong lumapit at pinaulanan ng halik ang nobyo.   “Where have you been? I’ve been calling for years.” Bungad nito. Napatigil naman si Danica nang mapansin na tila balisa ang kasintahan.   “What’s wrong?” Pagtataka nito.   Bigla ay nanlumo naman ang lalaki bago humarap sa kanya.   “Romy is dead.” Tipid na sagot nito.   Bahagya namang napaatras si Danica at mistulang hindi din makapaniwala sa narinig.   “This can’t be.” Giit nito sa nangangambang boses.   “Why is she doing this?” Tanong ni Jake.   Napailing naman si Danica at sumagot.   “No, she’s dead, nakita mo naman di ba? Kung sino man ang may gawa nito malamang ay kailangan niya ng isang psychiatric assistance, dahil baliw siya!.” Sambit ni Danica.   “Dan, listen. We need to warn everyone, sila Unice, si Vicky, lahat ng hindi pa niya napapatay!” Tensyonadong sambit naman ni Jake.   Napailing nalang si Danica at napaisip.   “We need to find who’s doing this, hindi niya tayo pwedeng paglaruan ng ganito. I’ll never let her touch even the tip of hair.” Pagbabanta ni Danica.   Napatulala naman si Jake at hindi parin maalis sa isipan ang labis na pangamba.   .......................     TWO YEARS BEFORE Napako nalang ang tingin ni Trish sa shot glass na nasa harapan niya. Inilatag naman ni Rome ang bote ng vodka sa lamesa at itinulak ang shot glass palapit kay Trish.   “You know I’m not allowed to drink right?” Napangiti naman si Rome at sinabi   “Come on, kahit kaunti lang, Huwag kang mag-alala, No one will suspect that we’re still minors. Kaya relax ka lang.” Napatango naman si Trish at napilitang inumin ang alak na nasa baso.   “Bravo.” Masayang sambit ni Romy   “Gago talaga yang si Jake eh. Hindi ko nga alam kong bakit nagustuhan mo siya.” Mariing bigkas ni Romy habang unti-unting nilalagyan ng alak ang baso ni Trish.   “Simple lang. I thought he was the perfect guy for me. Siguro nga nagkamali ako mabuti na rin at nakilala ko siya hanggat maaga pa, Kung hindi ako din ang talo sa bandang huli.” Nakangiting sambit naman ni Trish.   “That’s it. Yan dapat, You have to be strong and forget that asshole.” Napangiti naman si Trish at ininom ang isa pang baso ng vodka na nasa kanyang harapan.   Mabilis ang mga pangyayari at hindi na namalayan ni Trish ang paglipas ng oras.   Pilit niyang ininda ang biglaang pagkahilo at panghihina ng katawan.   Sa isang iglap ay bigla nalaang dumilim ang kanyang paligid at tanging ang boses nalang ni Romy ang kanyang naririnig.   “Come here Glen, she’s passing out!” Yun ang huling salitang narinig nito bago pa tuluyang mawalan ng malay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD