5

1191 Words
TWO YEARS BEFORE   Nagulat naman si Celeste nang padabog na pumasok sa kanyang silid si Trish. Bakas sa mukha nito ang pagkairita, Napatingin naman si Celeste sa mukha ng dalaga at tahimik lang na hinintay ang sasabihin nito.   “Ma, why did you take dad out of the hospital? Alam niyo naman na hindi siya gagaling pag nandito siya sa bahay di ba?” Sabi ni Trish sa nag-aalalang tono.   Napailing nalang si Celeste at hinarap ang dalaga.   “Trish, we are losing funds, Lahat ng pera ng daddy mo naubos na dahil sa mga bayarin sa hospital,  from now on dito na siya sa bahay magpapagaling,  Well In fact hindi din naman ako sigurado kung gagaling pa siya.” Kalmadong sabi ni Celeste.             Napailing nalang si Trish at hindi makapaniwala sa mga narinig.   “How could you say that? Gagaling si daddy and everything will be fine.” Giit ni Trish sa halos pasigaw na boses.   Napatingin nalang sa malayo si Celeste at sinabi.   “Don’t give him hope if there is none. Simula ngayon you’ll take care of him. After school kailangan mo nang dumeretso dito sa bahay, Pinaalis ko na yung ibang mga maids, Kaya wala tayong dapat asahan dito kundi ang mga sarili natin.” Seryosong sambit ni Celeste.   Napailing nalang si Trish at pilit na itinago ang matinding pagkadismaya.   Hanggang sa umalis nalang ito at tuluyang tinalikuran si Celeste.   .........   Tahimik na inihakbang ni Trish ang kanyang mga paa papasok sa silid ng kanyang ama. Mula sa pintuan ay tanaw na tanaw naman nito ang balisang ama na nakahiga sa malambot nitong kama.   Unti-unting lumapit si Trish at umupo sa bakanteng espasyo sa gilid ng kama   Napatitig nalang ito sa mukha ng may edad na lalaki at hinaplos ang noo nito.   “Daddy  I’m sorry. I’ll do my best para alagaan ka, Alam kong hindi pa huli ang lahat, I know you’ll feel better soon. I love you” Agad namang pinakawalan ni Trish ang kanyang mga luha habang patuloy lang na tinititigan ang mukha ng kanyang ama.       PRESENT DAY   Mabilis na bumyahe sina Jane at Spencer sa bahay nila Rome. Ilang kaibigan din ang pinagtanungan nila hanggang sa malaman narin nila kung saan ito mahahanap. Nang makarating doon ay napahinto nalang sila nang makita ang mga nagkukumpulang mga tao at ilang mga medical staff at ambulansya.   “He’s really dead.” Tensyonadong bigkas ni Jane.   Ilang saglit lang ay napatulala naman sila ng makita ang isang duguang bangkay na binubuhat ng ilang mga medic palabas ng bahay.   Nanatili naman silang nakatayo habang pinagmamasdan ang mga nangyayari.   “Let’s go home.” Tipid na bigkas ni Spencer.   Napatingin naman si Jane sa mukha ng lalaki at umiling.   “No, we have to find out who’s doing this.” Nagulat naman si Spencer nang mabilis na humakbang si Jane papalapit sa bahay nila Rome.   Agad naman niya itong hinabol at pinigilan.   “Jane, sandali.” Napatigil naman sila pareho nang makita ang isang lalaki na papalapit sa kanila.   “Excuse me, pwede ba akong magtanong sandali.” Nagkatinganan naman ang dalawa at nagtaka.   “SPO1 Dante Tuazon ako ang naka-assign sa kaso ni Rome, gusto ko lang itanong kung kilala niyo ba siya?” Dahan-dahan namang tumango si Jane at sumagot.   “Oo, naging magka-klase kami nung highschool.” Napatango naman ang pulis at tiningnan sila ng maigi.   “Kung ganon, maari ba kayong sumama sa akin sa opisina? May mga itatanong lang kami regarding sa kaso.” Napatulala nalang ang dalawa at tila hindi parin alam ang itutugon.   ...............   Nang makarating sa presinto ay nagulat naman sila Jane at Spencer nang inilatag ni Dante sa harapan nila ang isang libro.   Huminga naman ng malalim si Jane at pilit na pinakalma ang sarili.   “Kilala ko ang author ng libro, Actually, I’ve got my copy few days ago. At si Spencer ay pinadalhan din.” Paliwanag ni Jane. Napatango naman ang pulis at sumagot.   “So kayo, si Rome, si Glen at marami pa ay pinadalhan ng libro. Ibig sabihin iisa lang ang pakay ng suspek, Ang patayin ang bawat isa sa inyo.” Napatango nalang ang dalawa bilang sagot.   “Sir, kailangan na po nating mahuli ang suspek sa lalong madaling panahon, Alam kong hindi siya titigil hanggat hindi kami nauubos.” Tensyonadong bigkas ni Spencer.   “Huwag kayong mag-alala sa ngayon ay sinusubukan naming i-trace ang suspek. Gagawin namin ang lahat.” Napatango nalang sina Jane at Spencer at nilakasan ang kanilang mga loob.   ............   FEW HOURS BEFORE   Nagulat naman si Rome nang madatnang bukas ang kanilang bahay. Gabi na at dama na rin nito ang pagod dahil na rin sa maghapong practice para sa kanilang baseball tournament. Agad nitong sinindihan ang mga ilaw at inilapag ang kanyang mga gamit sa sofa.   “Ma, I’m home. “ Sigaw nito, wala naman siyang nakuhang tugon kaya inisip nalang nito na baka tulog na ang kanyang ina.   Agad itong pumunta sa kanyang silid at hinubad ang kanyang mga saplot at dumeretso na sa banyo upang maligo.   Makaraan lang ang ilang minuto ay lumabas naman ito ng banyo at napansin ang sunod-sunod na tunog mula sa kanyang computer.   Agad itong lumapit at  saglit na tiningnan iyon.   Maya-maya pa ay napakunot noo nalang ito at nakita ang mensahe ng kaibigang si Jake mula sa messenger.   “Zup Brad, still alive?” Napailing naman ito at mabilis na tumugon.   “f**k yourself. f**k your dead ex.” Natatawang tugon nito sa kaibigan.   Ilang saglit lang ay umalis na rin ito sa harap ng computer para magbihis ngunit pagkatalikod palang niya ay narinig naman uli niya ang pagtunog ng kanyang messenger.   Napailing nalang ito at agad naisip si Jake.   “The heck.” Nang makaharap ay nagulat naman ito ng mabasa ang mensahe ng kanyang ina.   “Anak, I can’t make it tonight kita nalang tayo next week. May out of town kami na mga kasama ko sa office. I love you.” Napakunot noo nalang si Rome at napaisip.   “So the door is open but mom’s not here?” Agad namang nanginig ang kanyang buong katawan at dahan-dahang naglakad palabas ng kanyang silid   Dahan-dahan nitong sinuri ang paligid ngunit wala naman siyang napansing kakaiba mula doon.   Agad siyang pumunta sa kusina at kinuha ang isang kitchen knife at mahigpit na hinawakan ito.   “This can’t be.” Sambit nito sa kanyang sarili.   “You can’t scare me, little bitch.” Nanginginig na bigkas nito habang iniaangat pa ang hawak na kutsilyo.   Ilang sandali pa ang lumipas ay bumalik din ito sa kanyang silid nang makompirmang wala namang ibang tao sa loob ng kanyang bahay.   Nang makapasok ito ay mabilis naman siyang bumalik sa harap ng kanyang computer at napansin ang bagong mensahe kanyang natanggap.   “Spencer?” Napakunot noo naman ito habang sinasagot ang mensahe ng dating kaklase.   “Hi dude, what’s up?” Tahimik lang ito habang inaantay ang tugon ng Spencer.   “Can you send me your address? Please stay where you are, we have something to discuss with you.” Saglit pa itong napatawa nang biglang maisip si Trish.   “Is it about that crazy brat?” Tanong nito sa sarili   Bago paman niya masagot ang mensahe ay nagulat nalang ito ng biglang maramdaman ang isang makapal na lubid na biglang pumulupot sa kanyang leeg.   “Ahh” Hindi ito makasigaw, pilit niyang kinakapa ang taong may hawak ng lubid mula sa kanyang likuran ngunit hindi na niya maabot iyon.   “Errr” Pilit naman itong nagpumiglas at hinawakan ang kanyang leeg ngunit habang tumatagal ay mas lalo pang dumidiin ang lubid sa kanyang balat.   “Who..The f**k are you?”   Ilang saglit lang ay napansin naman nito ang computer sa kanyang harapan at pilit niyang inaabot iyon at nagbakasali na makahingi pa ng tulong.   Halos mawalan na siya ng hininga at naramdaman na rin niya ang pagputok ng ilang mga ugat sa kanyang leeg hanggang sa tuluyang nang dumugo iyon.   “Aahh” Tanging pagpupumiglas nalang ang nagawa nito, Hanggang sa nanginig nalang ang kanyang buong katawan at tila naubusan na ng lakas.   Unti-unti, bumigay ang katawan ni Rome hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng buhay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD