16

939 Words
TWO YEARS BEFORE   Dahan-dahan namang napabangon sa kanyang kama si Trish at sinuri ang kanyang paligid. Sa oras na iyon ay ramdam parin nito ang p*******t ng kanyang ulo at kaunting pagkahilo.   Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, hindi niya alam kung nasaan siya, basta ang alam niya ay sa oras na iyon ay nakahiga siya sa isang malambot na kama at nasa loob ng isang magarbong silid.   “Gising ka na pala.” Napa-angat naman ang kanyang tingin sa mukha ng isang babae.   Agad naman itong lumapit at hinawakan ang kanyang noo.   “Bumaba na ang body temperature mo. Ako si Matilda I’m a doctor pinsan ko si Spencer siya ang nagdala sayo dito.”   Napatigil naman si Trish at pilit na sinasariwa ang mga nangyari.   “Nawalan ka ng malay sa kalsada. You must be tired, hindi namin alam kung saan ka dadalhin so we decided na dito na na muna sa clinic ko.We’ll send you home pag okay ka na.”   Maya-maya pa ay napatigil naman sila nang marinig ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan ng silid.   “She’s awake.” Napatingin naman si Trish sa may pintuan na kung saan nanggaling ang boses ng isang lalaki.   “Ako si Spencer. Don’t worry harmless ako. Matilda is the one who changed your clothes. You can take them back kunin mo nalang sa may laundry.” Nakangiting sambit ng lalaki.   Napatigil naman si Trish at tiningnan ito ng mariin.   “Salamat. Pero pwde bang dito muna ako? I just need a place to stay just for tonight.” Nabaling naman ang tingin ni Trish kay Matilda at nakiusap.   “Sure. You are welcome here” Tipid na sagot nito.   ................   PRESENT DAY   Papalabas palang si Jake mula sa kanyang pinapasukang university, Ilang sandali lang ay napatigil naman ito ng biglang makita ni Spencer na tila  nakaharang sa kanyang dadaanan.   “What the hell are you doing here?” Naiiritang bigkas nito.   “Relax Jake, I’m here to convince you para makipag-cooperate sa plano namin.” Kalmadong tugon naman ni Spencer.   “Bakit? para saan pa? we both know na patay na si Trish, just deal with it bro!” Sambit nito sabay hakbang palayo.   “Wait.” Napatigil naman bigla si Jake nang muling marinig ang boses ni Spencer mula sa kanyang likuran.   “What the f**k do you really want from me?” Pasigaw na sambit nito sabay hinila ang kwelyo ng damit na suot ni Spencer.   “We can never be so sure, but after the fire incident hindi na nakita ang katawan ni Trish, so we assume na naka-survive siya and she’s back to track us all down.” Mahinang sambit ni Spencer.   Napailing nalang si Jake at tiningnan ng masama si Spencer.   “I don’t care anymore, hindi ako natatakot,  bago pa man niya ako mapatay I’ll make sure na na uunahan ko siya.” Mahinang bigkas ni Jake sabay binitawan ang kwelyo ni Spencer.   Napabuntong hininga naman si Spencer at binalingan ng tingin si Jake.   “I can see the guilt in your eyes. Takot na takot ka, hindi lang kay Trish kundi sa mga posibilidad na baka malaman ng lahat ang katarantaduhang ginawa mo sa kanya.” Bigla namang napa-angat ng tingin si Jake at tiningnan ng masama si Spencer.   “Anong sabi mo?” Napailing nalang si Spencer at sumagot.   “Nagtataka lang ako, the night after the senior’s prom, nasaan ka? kasama mo ba si Trish?” Agad namang nanlaki ang mga mata ni Jake at sinugod si Spencer sabay itinulak ito ng malakas.   “Shut up! pinagbibintangan mo ba ako?” Galit na tanong.   “I’m just stating the possibility, bakit Jake guilty ka ba? Are you the one who tried to kill her?” Misteryosong tanong ni Spencer.   Hindi naman naka-imik si Jake bagkos ay napatigil nalang sa kanyang kinatatayuan.   ................   Nagising nalang si Danica nang marinig ang malalakas na ingay at kalabog mula sa kanilang sala. Agad itong lumabas ng kanyang silid at doon ay nadatnan nalang si Jake na nagwawala at mistulang naka-inom pa.    Agad itong tumakbo palapit sa lalaki at pinigilan ito.   “Jake! what’s going on? lasing ka ba?” Agad namang nagpumiglas ang lalaki at patuloy parin sa pagwawala.   “Huwag mo akong hawakan! this is all your fault! kung hindi ako nakinig sayo, hindi lahat mangyayari to!” Napakunot noo nalang si Danica at nagtaka.   “What did I do? Jake I think you need to rest, just calm down okay? Lasing ka na.” Pilit namang pinapakalma ni Danica ang sarili, ngunit ilang sandali pa ay napaatras nalang ito nang biglang humakbang si Jake palapit sa kanya, hinahawan nito ang kanyang magkabilang balikat habang ang mga mata ay mariing nakatitig sa kanyang mukha.   “What are doing?” Tanong ni Danica.   Bigla namang humigpit ang pagkakahawak ni Jake sa kanyang magkabilang balikat hanggang sa makaramdam nalang ito ng sakit.   “Jake stop it! Ano bang problema mo?” Sigaw ni Danica na sa oras na iyon ay nakakaramdam na din ng takot.   Pilit nitong nilalabanan ang kanyang pangamba habang tinititigan ang namumulang mga mata ng lalaki.   “This is all your fault!” Sigaw ni Jake.   Bigla ay napapikit nalang si Danica sa labis na takot.   “Jake ano ba! Nasasaktan ako.” Nanginginig na bigkas ni Danica.   Huminga naman ng malalim ang lalaki at maya-maya pa ay inalis na din nito ang kanyang mga kamay sa balikat ng babae.   Napailing naman si Danica at sinulyapan ang mukha ng kasintahan. Bigla itong nanlumo at bakas sa mga mata ng lalaki ang labis na pag-aalala.   “I want to give up.” Mahinahong sambit ni Jake.   Napatigil naman si Danica at tiningnan ito.   “Ja-Jake, I don’t understand.” Nanginginig na sambit ni Danica.   “I’m sorry Danica, I’m no longer want to live with this burden, Hindi ko sinasadya, Hindi  ko sinasadya!” Nagulat naman si Danica nang biglang napahagulhol ang lalaki.   Napatulala nalang ito at mariing niyakap ang nobyo.   “Jake tell me, please.” Desperadong pakiusap ni Danica   Napatigil naman si Jake at hinawakan ang magkabilang pisngi ng babae.   “Hindi ko sinasadya ang lahat, maybe they’re right, she’s coming for us, buhay si Trish at hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang hustiya na gusto niya.” Tensyonadong bigkas ni Jake.   “Jake stop it, ano bang pinagsasabi mo?” Nangangambang tanong ni Danica.   Bigla namang natahimik si Jake at dahan-dahang hinarap ang kasintahan.   “I killed her, Danica ako ang pumatay kay Trish.” Sambit ni Jake sa misteryosong tono.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD