15

856 Words
TWO YEARS BEFORE   Napatigil naman bigla si Trish nang makita ang madrasta nitong si Celeste na nakatayo sa tapat ng pintuan at mistulang inaabangan ang kanyang pagdating.   Habang siya’y papalapit ay ramdam naman nito ang tensyon sa mga titig ng kanyang madrasta.   “Saan ka galing? alam mo ba kung anong oras na?” Seryosong bigkas ni Celeste.   Napayuko naman si Trish at sumagot ng mahina.   “May tinapos lang pong project sa library, pasensya na po.” Mahinahong sabi nito.   “Project? kailan ba naging project ang paglalandian? Akala mo ba hindi ko malalaman. Sinabi na sa akin ni Karen ang lahat ng mga kalandiang ginagawa mo!” Sigaw ni Celeste.   Nanlaki naman ang mga mata ni Trish sa mga narinig.   “Hin-di, Hindi totoo yan!” Depensa naman nito.   “So sinungaling ako? halika ka nga dito.” Nagulat naman si Trish nang biglang hilahin ni Celeste ang kanyang buhok at kinaladkad ito papasok ng kanilang bahay.   “Tama na po, hindi ko alam ang sinasabi niyo.” Mangiyak-ngiyak na sabi naman ni Trish.   “Hirap na hirap ako sa pag-aalaga diyan sa tatay mong baldado at pagod na pagod na akong mag-isip kung saan kukuha nang ipangbabara diyan sa bibig mo. Tapos ngayon ito pang igaganti mo sa akin? Wala ka na ngang naitutulong nagdala ka pa ng kahihiyan!” Giit ni Celeste habang mahigpit na sinasabunutan ang buhok ni Trish.   Bigla ay nagpumiglas naman si Trish at bahagya pang naitulak ang kanyang madrasta. Nabitawan naman nito ang kanyang buhok at mistulang nawalan pa ng balanse.   Agad namang inayos ni Celeste ang kanyang sarili at tiningnan ng madiin si Trish.   “Tama na! kung mayroon mang nakakahiya dito ikaw yun!. Di ba ikaw yung naglustay sa pera ni daddy? Ikaw yung nagdala sa amin sa hirap. Akala mo ba hindi ko malalaman na lahat ng naipon ni daddy ay napunta lang lahat sa sugal at lahat ng bisyo mo?” Nanliit naman ang mga mata ni Celeste at maya-maya pa ay humakbang pa ito palapit  kay Trish at binigyan ito ng malakas na sampal.   “Ang kapal ng mukha mo! wala kang utang na loob, kung ganyan ang iniisip mo sige, lumayas ka! umalis ka sa pamamahay ko at huwag na huwag ka nang magpapakita kahit kailan.” Nanginginig na bigkas ni Celeste.   Napayuko naman si Trish ay dahan-dahang sumagot.   “Not without my dad.” Napailing naman si Celeste at sumagot.   “Hindi siya aalis, ngayon kung ayaw mong magdilim ang paningin ay mabuti pang lumayas ka na.” Sambit uli ni Celeste.   Nabaling naman ang tingin ni Trish sa kinakapatid na si Karen na nakatayo lang sa isang sulok, pangiti-ngiti pa ito habang pinagmamasdan lang ang mga pangyayari.   “Sa ayaw  mo’t sa gusto babalik ako, babalik ako para kay daddy.” Giit ni Trish.   ...................   Sa madilim na daadan ay hindi naman alintana ni Trish ang mga patak ng ulan na dumadampi sa kanyang mukha.   Tulala at ang tanging gusto niyang gawin ay maglakad ng malayo.    Malayo sa lahat.   Dahil sa pagiging balisa ay hindi naman nito napansin ang isang kotse na bigla nalang tumigil sa harapan nito.   Tuwid lang ang kanyang tingin at hindi ininda ang isang lalaki na bigla nalang bumaba sa nasabing sasakyan.   “Miss, are you okay?” Dahil sa labis na pagod at gutom ay bigla nalang nanlabo ang paningin ni Trish at hindi na naaninag pa ang mukha ng nasabing lalaki.   “Miss?” Dinig nitong sigaw ng lalaki bago pa siya tuluyang mawalan ng malay.   ....................   PRESENT DAY   Sa isang maliit na dormitoryo ay natagpuan naman nila Spencer at Jane si Karen. agad naman silang pinaunlakan nito na tila ay interesado din sa kanilang sadya.   “I miss you Janey, alam mo kahit hindi tayo nagpapansinan dati, parang kapatid parin ang tingin ko sayo, looking at you now, It reminds me so much of her.” Sarkastikong sabi ni Karen.   Hindi naman iyon pinansin ni Jane bagkos ay nagpatuloy nalang sa kanyang pakay.   “Karen hindi kami nandito para makipag kamustahan, siguro naman alam mo na ang nangyari kay Glen di ba?” Seryosong sabi naman ni Jane.   “Yes I heard, so what is it for me?” Tanong nito na nakataas pa ang kilay.   “We came to warn you, Hindi lang si Glen ang namatay. After him, Si Romy , Si Vicky lahat sila patay na.” Napakunot noo naman si Karen at nag-isip.   “We’ll people born and die, Jane kung wala kang magandang sasabihin ay umalis nalang kayo okay? may pasok pa ako.” Naiiritang sambit naman ni Karen.   “Wait, have you seen Trish lately? Have you read her book?” Napatigil naman si Karen at bahagya pang tumawa.   “Are we talking about my deceased step sister? Yes I’ve got her book, I haven’t read it yet though her name was there but it doesn’t necessarily mean na siya ang nagsulat ng libro. Patay na si Trish that’s the fact.” Nagkatinganan naman sina Spencer at Jane at sabay na napa-iling.   “Buhay pa si Trish, Karen I want you to be aware sa mga nangyayaring pagpatay, if we don’t stop her lahat tayo mamamatay. She is seeking for revenge at lahat nang may nagawang masama sa kanya ay parte na ng chain.” Napatigil naman si Karen at tinanong.   “Chain?” Napatango naman si Jane at inabot ang libro na dala nito kay Karen.   “After Vicky, she will be coming for Benjie, kailangan na natin siyang pigilan bago pa man mangyari iyon.” Napakunot noo naman si Karen at napatitig sa librong hawak nito.   “What if she succeeded? who will be next?” Agad namang napatigil si Jane at tila ay nag-ipon pa ng lakas ng loob hanggang sa tuluyan na itong nagsalita.   “Ikaw Karen, She’s coming for you too.” Misteryosong sambit ni Jane.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD