TWO YEARS BEFORE Day of the fire and death. “Manong dito nalang po ako” Sambit ni Trish sa driver sabay inabot ang bayad nito. Nang makababa ay pilit namang nilakasan ni Trish ang loob. Sinuri nito ang paligid at ang unang nahagip ng kanyang paningin ay ang isang abandonadong museum. Madilim ang paligid at napapalibutan din ng mga mahahabang d**o ang nasabing gusali. Sa isang sulok ay tahimik lang itong nakatayo at mula doon at tanaw na tanaw niya ang pagtigil ng kulay pulang kotse sa tapat ng museum. Bahagya itong yumuko at nagkubli sa likod ng mga mahahabang d**o. Pigil hininga nitong pinagmasdan mga sumnod na mga pangyayari. Kitang-kita niya ang pagbaba ng apat na kalalakihan mula sa sasakyan. Hawak naman ni Romy ang braso ni Jane na halos kinakalad

