TWO YEARS BEFORE Night of Death Huminga ng malalim si Trish habang pilit na hinahabol ang kanyang hininga. Ramdam niya ang hapdi na nagmumula sa kanyang ulo at kinapa ang mga sariwang dugo na dumadaloy mula doon. “I should have killed before.” Mahinang sambit ni Jane. Nahihirapan man ay punong-puno ng mga katanungan ang kanyang isipan. Muli itong tumingala at tiningnan ang mukha ni Jane. Hindi ito kumibo, bagkos ay bakas sa mga mata nito ang labis na galit at poot. Bigla ay naramdaman nalang ni Trish ang panlalabo ng kanyang paningin hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay. …………… Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay agad niyang naramdaman ang kakaibang init na dumadampi sa kanyang balat. Pilit niyang iginalaw ang kanyang katawan ngunit h

