Naglalakad kami ngayon habang nakasunod kay Vamp. Sabi niya ay alam na niya kung saan makikita sina Chronis. Napatingin ako sakanya at napabuntong hininga. Karga karga niya ngayon si Dreary dahil nakatulog sa pag-iyak. Kaninang pagbuhat niya ay hindi talaga maipinta ang mukha niya. Parang di siya makapaniwala na binubuhat niya ang batang kaaway niya dahil sakin. "*"Heonic. Kailangan mo pa ba akong buhatin?"*"-Air. "*"Hindi pwedeng si Water ang bubuhat sayo dahil buhat buhat niya ngayon ang natutulog na si Earth"*"-Heonic. "*"Kaya ko namang maglakad"*"-Air. "*"Princess Air. Kung magpagamot ka nalang kaya kay Prince Water"*"-Olivia. "*"Magaling na ang sugat ko. Hindi na kailangan"*"-Air. "*"Tsk. Wag na matigas ang ulo. Magpagamot ka na"*"-Olivia. "*"Ayaw ko-"*"-Air. "*"Shrika?"*"

