bc

ZANYIER WORLD (Tagalog)

book_age12+
243
FOLLOW
1K
READ
prince
princess
royalty/noble
royal
magical world
another world
friendship
special ability
school
friends
like
intro-logo
Blurb

Shikira Osmeña

Mag-isa siyang namuhay dahil namayapa na ang tinuring niyang ina.

Makakaya niya bang mamuhay mag-isa?

Pero paano kung may nakilala siyang kaibigan pero naglaho nalang ng parang bola.

Sa mundo ng Zanyier ay may makikilala siyang kaibigan.

Sa mundo ng Zanyier ay matutuklasan din niya ang totoo niyang pagkatao.

Makaya kaya niya ang haharapin niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Shikira Osmeña Maaga akong gumising dahil na din malayo pa ang lalakarin ko papuntang School. May pera naman talaga ako pero kaunti lang at sapat lang ito para sa pagkain at pangangailangan ko. Nagbihis na ako pagkatapos maligo sabay kuha ng maliit na salamin at tiniis kong tingnan ang kabuuan ko. May kakulutan ang buhok ko at matambok na pisngi at may pagkamorena din ako. Binaba ko na ito at kinuha ang bag ko sabay labas ng kwarto. Dumiretso ako ng kusina at kinuha ang tupperware na may lamang kanin na may halong tuyo. Kailangan ko pang mag-ipon dahil hindi sapat ang pera ko kahapon para bumili ng ulam. Inuna ko kasi ang mga kailangan ko sa proyekto na binigay samin ni prof lalo na at may pagkamataray at parang may galit sa mundo ang Prof namin. Kahit kasi may ginawa kaming mabuti sisigaw at sisigawan pa din niya kami. Hindi ko nga alam kung nakalunok ba ng microphone yon at kung nakalunok nga hindi na ako magtataka sa laki ba naman ng bunganga non. Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Habang naglalakad ako binuksan ko ang tuppeware at nagsimulang kainin ito gamit ang kamay ko. Wala akong kutsara dahil pinalaki ako ni Nanay Hilda na hindi umaasa sa mga gamit lang kaya anong silbi ng kutsara kung hindi ko naman magagamit? Tinakpan ko na ang tupperware at pinasok na sa loob ng bag kong malapit ng masira. Wala akong pambili ng bagong bag dahil nga kapos ako sa pera kaya pinagtatyagaan ko na ito kasali na ang sapatos kong sira sira na din. Gaya ng nakagawian ko ay babati ako sa guard at ganon din siya sakin. Pumasok na ako at yumoko. Nobody lang ako dito ibig sabihin hindi ako nag-e-exist sa mundo nila. May nakabangga ako kaya medyo napaatras ako pero nakita kong tuloy lang sa paglalakad ang nakabangga sakin kaya napailing nalang ako at nagsimulang maglakad. Nilalagpasan lang nila ako at pagnabangga man nila ako hindi sila lilingon o hihingi man lang ng tawad. Dire-diretso lang silang maglakad na parang walang nabangga at kung lagpasan nila ako parang hindi nila ako nakikita kaya araw araw may nakakabangga ako. Hindi na ako nag-abala pang magreklamo dahil alam kong wala akong laban sakanila. Mayaman sila at mahirap naman ako. Langit sila lupa naman ako. Ang layo ng pinagkaiba kaya kahit na ipaglaban ko man ang sarili ko talo pa din ako. Pumasok na ako sa classroom ko at nakita kong wala pa ang mga kaklase ko kaya mabilis na umopo ako sa pinakalikod at tahimik na tumingin sa bintana at pinapanuod sa ibaba ang mga estudyanteng masayang nagkwekwentuhan kaya napabuga nalang ako ng hangin at iniwas ang tingin ko doon. Kailan kaya ako magkakaroon ng kaibigan? Pero natatakot ako. Baka iwan din nila ako. Napatingin ako sa pinto ng sunod sunod na nagsipasok ang mga kaklase ko at ang kaninang tahimik na paligid ay naging maingay. "*"Nandyan na si prof!"*" Bigla nalang silang nagsitahimik ng sumigaw ang isang naming kaklase. Bumukas ang pinto at bumungad ang Prof naming nagkasalubong ang kilay at napataas nalang kami ng balikat ng pabagsak na nilagay ni Prof ang dala dala niyang libro. "*"Okay Class!!!!!! Project!!!!!!"*"Sigaw niya na ikataranta namin kaya kinuha na namin ang proyekto namin at pinauna ko muna sila bago ako nagpahuli. "*"Siguraduhin niyong tama to!!!! Dahil itong eraser na to ang dadapo diyan sa mga mukha niyo!!!"*"Sigaw niya ulit na ikalunok ko. Nagsimula na siyang mag discuss at wala talagang nagtatangkang magsalita kahit nga ang ibon sa labas ay tahimik lang na lumilipad. Napatingin ako kay prof dahil pati blackboard ay hindi pinalagpas at kung ituro ay parang may galit din don. "*"Naintindihan niyo?!!"*"Sigaw niya na ikatuwid ko. "*"Yes Prof!"*"Sabay na sabi ng mga kaklase ko na ikakaba ko dahil hindi ako nakasabay. Matalas pa naman ang mata niyang si Prof dahil kunting galaw lang ay mapapansin na niya. "*"Ms.Osmeña!!!"*"Tawag niya kaya napatayo ako. "*"I'm sorry Prof"*"Mabilis na sabi ko. "*"Umopo ka na!!"*"Sigaw niya ulit kaya mabilis na umopo ako bago pa magbago ang isip niya. Nakita kong nagturo ulit siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Ilang minuto siyang nagdiscuss sa harap hanggang sa marinig ko ang bell hudyat na uwian na pero turo pa din siya ng turo sa harap na ikalumbaba ko. Palagi nalang siyang ganyan. Kapag hindi natatapos ang pagtuturo niya hindi kami pwedeng lalabas. Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang mga yabag ng mga estudyante na ikabuntong hininga ko. Tumingin ulit ako kay prof at nakita kong nag-aayos na siya ng gamit na ikabuhay ng dugo ko kaya umayos na ako ng upo. "*"Okay Class!!! Goodbye!!!"*"Sigaw niya kaya sabay sabay din kaming naggoodbye. Nakita kong umalis na siya kaya nagkagulo na ang mga kaklase ko at nagtutulakan palabas kaya pinauna ko muna sila bago ako tumayo at lumabas at naglakad papuntang hagdanan at nagsimula na akong bumaba hanggang sa makarating ako sa hallway at naglakad ulit pero sa pagkakataong iyon ay nakayuko na ako. Tahimik na naglalakad ako papunta sa pinagtatrabahuan ko at ng makarating ako ay agad na pumasok ako doon at nagpalit ng damit. Nagtatrabaho ako sa isang coffeeshop dahil wala naman akong ibang mapagtatrabahuan dahil pinagtatabuyan nila ako sa kadahilanang bata pa ako. "*"Shikira. Pakilinisin nga ng mga lamisa dahil maya't maya ay dadating na ang mga costumer"*"Sabi ng may-ari dito. Siya si Ma'am Kiana. Kahit na may katandaan na siya ay maganda pa din siya. Napagkamalan na nga siyang 18. Mabait din siya samin lalo na sakin. Maputi din siya. Mas maputi pa sa maputi. "*"Opo Ma'am"*"Sabi ko at pumuntang cleaner room at kinuha ang panglinis sa mesa bago ako lumabas at nagsimula ng linisin ang mga mesa. Inayos ko na din ang mga upuan kasabay ng pagtatapos ko sa panglinis ang pagpasok sa loob ng mga costumer kaya nilagay ko na ang hawak ko bago ako humarap sakanila at ngumiti. "*"Welcome to Coffee Shop"*"Sabi ko kaya tumango sila at nagkanya kanya ng upo. Pumunta akong counter at tumabi sa kaibigan ko dito. "*"Rita. Ako na dito"*"Sabi ko. "*"Sigurado ka ba? Baka may mga assignment ka o project na tataposin?"*"Tanong niya kaya mabilis na umiling ako. "*"Wag kang mag-alala. Sige na. Ako na ang bahala dito"*"Nakangiting sabi ko kaya napabuntong hininga nalang siya at ngumiti pabalik bago siya nagpaalam sakin at umalis. "*"Chocolate Coffee nga"*"Mabilis na kumilos ako at binigay agad sakanya ang inorder niya bago siya magbayad. Marami raming costumer ang pumasok ngayon at ng matapos ay napatingin ako sa mga kasamahan kong nakaupo ngayon. Naiiling na pumunta ako sa dressing room at nagbihis doon bago ako dumaan sa opisina ni Ma'am at kumatok bago ko buksan ito. Nakita ko siyang busy sa kakapirma ng papeles kaya tumikhim ako na ikatigil niya kasabay ng pag-angat niya ng tingin. "*"Ma'am, Uuwi na po ako"*"Sabi ko. "*"Uuwi ka na? Sayo na tong ulam na to. Binili ko yan para sayo"*"Nakangiting sabi niya at inabot sakin ang ulam kaya hindi na ako tumanggi pa at nakangiting kinuha ito bago ako nagbow sakanya. "*"Maraming salamat talaga Ma'am"*"Sabi ko. "*"Sige Shikira. Mag-ingat ka sa daan ha?"*"Paalala niya kaya nakangiting tumango ako bago ako nagpaalam at linisan ang lugar na yon. Pwede naman talaga akong umalis ng hindi nagpapaalam. Minsan lang talaga na bumisita si Ma'am sa Coffee shop kaya napagdisesyon kong magpaalam sakanya. Habang naglalakad ako ay napansin kong unti unti ng dumilim ang paligid kaya kinuha ko ang maliit na flashlight ko at inilawan ang dinadaanan ko. Malamig at malakas ang hangin kaya napayakap na ako sa sarili ko sa sobrang lamig. Nakaratingin ako sa munting bahay ko na walang masamang nangyari. Pumasok ako sa kwarto ko at maingat na nilagay ang bag ko bago ako nagbihis at kinuha ang ulam na binigay niya at pumuntang kusina. Nilagay ko na sa isang mangkok ang ulam bago mabilis na pumunta sa lagayan ng kanin at binuksan ito pero napatigil din sa nakita ko. Panis na kanin ang bumungad sakin kaya tinakpan ko na ito bago pumunta sa panglagyan ko ng bigas. Nakita kong kaunti nalang at hanggang bukas nalang ang makakaya kaya sumandok ako ng half lang sa baso na hawak hawak ko bago ako nagsaing at naghintay na maluto ang sinasaing ko. Biglang tumunog ang sikmura ko kaya napahawak ako doon at napasimangot. Gutom na gutom na ako at gusto ko ng kumain. Kinuha ko muna ang isang baso bago nagsalin ng tubig at ininom ito. Inom lang ako ng tubig pero hindi pa din ako nabubusog kaya lumapit na ako sa niluto ko at ng makitang luto na ay mabilis na pinatay ko ang apoy at binaba ang lagayan ng kanin at mabilis na kumuha ng plato at kumuha ng kanin gamit ang sandok. Umopo na ako at nilagay ang plato bago ko kinuha ang ulam at binuhos na agad sa plato ko at mabilis na kumain. Mabilis na natapos ko ito kaya pumunta na akong kwarto. Bukas ko nalang huhugasan yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

SILENCE

read
393.7K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.9K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook