Ilog
Mabilis na hinugasan ko ang mga plato at kumain bago ako umalis sa bahay at naglakad muli papuntang School.
Habang naglalakad ako may nakita akong matandang babae na gustong tumawid pero hindi siya makatawid dahil dire-diretso lang ang mga sasakyan na parang hindi siya nakita
Wala ding traffic enforcer kaya mahihirapan talagang tumawid sa lugar nato.
Lumapit ako sa matandang babae at mukhang naramdaman naman niyang papalapit ako kaya napatingin siya sakin
"*"Lola nakita kong hindi ka po makatawid kaya napagdisesyon po akong lapitan ka po"*"Sabi ko.
"*"Hindi nga ako makatawid iha. Natatakot kasi akong masagasaan. Alam mo naman na matanda na ako"*"Sabi niya at ngumiti ng maliit.
"*"Hayaan mong tulungan kitang makatawid Lola"*"Nakangiting sabi ko.
"*"Sigurado ka ba? Baka malalate ka sa pagpasok"*"Sabi niya na ikangiwi ko.
Pagnalate ako siguradong ipapatayo ako ni Prof sa harap.
"*"Ayos lang ho yon Lola. Tara po"*"Sabi ko at inalalayan siyang maglakad habang ang isa kong kamay ay pinapastop sign ko sa mga sasakyan at tumitigil naman sila kaya matiwasay na nakatawid kami.
"*"Maraming salamat talaga iha. Anong pangalan mo?"*"Tanong niya.
"*"Ako ho si Shikira"*"Sabi ko ng hawakan niya ang dalawa kong kamay.
"*"Mabuti kang bata iha. Sana mahanap mo ang daan mo"*"Sabi niya at naglakad palayo kaya napahawak nalang ako sa batok at tumingin sa kalsada.
Daan? Nahanap ko na po ang daan papuntang School pero...
Paano ako tatawid? Sa kabila lang naman ako dadaan papuntang School.
May lalaking biglang tumabi sakin at nakita kong tatawid din siya kaya napagdesisyonan kong sumabay sakanya.
Nakatawid ako ng matiwasay kaya mabilis na pumunta ako sa School.
***
Nakayuko ako habang nakatayo at may tatlong libro naman sa magkabilang kamay ko.
Napatingin ako kay Prof na nagtuturo kaya napabuga nalang ako ng hangin at nagtiis kahit na nangangalay na ako.
Tumingin ako sa kaklase kong may kanya kanyang ginagawa at maingay din.
Hindi kasi si prof Flida yong palaging sumisigaw ang Prof namin ngayon.
Sabi daw ay may sakit daw ito kaya hindi muna daw siya makakapagturo kaya malaya ng gawin ng mga kaklase ko gaya ng mag-ingay at iba pa kaya naiiling nalang akong pinapanuod sila.
Tumingin ako kay Prof at alam kong nagpipigil siya na suwayin ang kaklase ko.
Kanina pa kasi siya suway ng suway. Mukhang napagod yata kaya nagpipigil nalang siya.
Napatingin ang Prof sakin pero saglit lang at muli siyang nagturo.
Nakikinig lang ako sakanya buong araw at kapag magtatanong naman siya ay ako ang palaging sagot ng sagot ako lang kasi ang nakikinig.
Kapag nakarating talaga kay Prof Flida ang ginawa ng mga kaklase kong pag-iingay. Siguradong lagot sila kasali na ako. Kaklase ko nga naman.
Mabilis na natapos si prof at nagpaalam samin at ganun din kami bago naunang lumabas ang mga kaklase ko kaya binaba ko na ang librong hawak hawak ko at inayos ito sa lagayan bago ko kinuha ang bag ko sa ilalim ng mesa ni Prof at lumabas na din.
Dumiretso ako sa coffee shop at gaya kahapon ay nilinis ko ang mga mesa.
"*"Rita? Wala si Ma'am Kiana?"*"Tanong ko sakanya kaya napatigil siya sa pagbibilang ng kita namin kahapon.
"*"Nagpaalam siya kanina na aalis na muna siya at may pupuntahan. Sayang at hindi ka nakahabol sa pag-alis niya"*"Sabi niya kaya tumango nalang ako at naglinis ulit.
Saan kaya pupunta si Ma'am? Napapansin kong palagi siyang alis ng alis. Nong isang araw ay hindi pa naman siya umaalis at nakikisama pa nga siya samin sa pagtrabaho pero ngayon ay mukhang may kailangan pa siyang gawin.
Ano kaya ang mga ginagawa ni Ma'am kapag aalis siya? Naikwento niya samin ay mag-isa lang siya sa buhay at tanging itong coffee shop lang ang libangan niya kaya nakakapagtaka na umaalis siya.
May syota na kaya siya kaya siya umaalis?
Napailing nalang ako sa naiisip ko sabi ni Ma'am Kiana ay wala pa daw sa isip niya ang makipagrelasyon.
Tinapos ko na ang paglilinis ko at nilagay na ang dala ko sa cleaning room bago ako pumwesto sa gilid ng pinto at hinintay ang mga costumer na pumasok.
"*"Welcome to the coffee shop!"*"Sabi ko.
Marami ulit ang mga costumer ang pumasok kaya mabilis na nagsikilosan kami.
Kilala kasi ang coffee shop nato dahil na din sa masarap na kape kaya madaming mga costumer ang pumapasok. Meron ding mga turista.
"*"Balik po ulit kayo"*"Sabi ko sa papalabas na mga costumer.
Tapos na akong nagtrabaho kanina at pauwi na ako ngayon ng makakita ako sa di kalayuan na ilaw kaya nagtaka ako at nilapitan ito pero lumayo layo lang ito kaya sinundan ko ito. Wala na akong pakialam sa paligid at nakatuon lang ang atensyon ko sa liwanag ng bigla akong madapa na ikadaing ko.
Tiningnan ko ang paa ko at nakita kong nagkasugat ito kaya tiningnan ko ulit ang liwanag pero huli na ako dahil bigla itong mawala kaya napatingin ako sa paligid at nakitang nasa kagubatan ako.
Dahan dahan akong tumayo at humawak sa kahoy at buong lakas na tumayo. Aktong aalis na ako ng napatigil ako ng makarinig ako ng agos ng tubig kaya humarap ako sa likod ko at laking gulat ko ng makita ko ang magandang ilog at may mga ibat ibang bulaklak din.
Namangha ako at nilapitan ko ang ilog at hinawakan ang tubig ng bigla nalang nagsilabasan ang mga paruparu at lumiwanag ang buong paligid.
Tinampisaw ko ang dalawa kong paa at tahimik na tiningnan ang paligid.
Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong lugar. Para akong nasa fairy tale dahil sa nakikita ko. Ang mga bulaklak ay ngayon ko rin nakita at ang mga paruparu ay para silang mga fairies na masayang lumilipad.
At ang ilog ay malinaw na malinaw at walang kahit na anomang dumi ang nakikita ko.
Naramdaman kong may parang kiliti sa paa ko kaya sinilip ko ito at nakita ko ang magagandang isda na naglalaro sa paa ko kaya ginalaw galaw ko ang daliri sa paa ko kaya maraming isda ang lumalapit.
Ngayon lang din ako nakakita ng ganitong isda. May parang ginto at meron ding silver at iba pa na lalong ikamangha ko.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa lugar na ito at naging masaya din ako dito.
Gusto kong dito nalang habangbuhay pero hindi pwede dahil kailangan ko pang kumayod para sa sarili at kinabukasan ko.
Tumingin ulit ako sa paligid at may ngiting kumurba sa labi ko habang pinapanuod na sumasabay sa hangin ang mga bulaklak na para bang sumasayaw sila at ang mga paruparu naman ay umiikot ikot saakin hanggang sa may nakita akong flamingo sa di kalayuan.
Meron ding lumilipad na mga ibon na ikamangha ko lalo dahil ngayon din ako nakakita ng ganyang klaseng ibon.
Ang pakpak nila ay may kahabaan at ang kulay nila ay gaya sa mga isda.
Tahimik lang ako ng may dumapo na paruparu sa kamay ko kaya tinitigan ko ito.
"*"Ang ganda..."*"Biglang sabi ko dahil sa mga guhit sa pakpak niya na bulaklak.
Lumipad siya kaya pinanuod ko itong nakikisama sa mga kapwa niya paruparu at napatingin ulit ako sa ilog ng may mga isdang parang sumasayaw.
Hindi na normal ang nakikita ko pero pinagsawalang bahala ko lang ito at hindi na nagtaka dahil nangibabaw ang pagkamangha ko sa lugar nato.
Kahit sandali ay naramdaman ko ang kasiyahan dito.
Natawa ako dahil na din nakikiliti ako sa mga isdang naglalaro sa paanan ko.
Napatingin ako sa ilog ng may kung ano na pumorma sa tubig na ikagulat ko at aktong lalapitan ko ng napatigil ako at napatingin sa maliit na relo ko at nakita kong maggagabi na kaya tumayo na ako.
"*"Babalik ako"*"Sabi ko bago ko nilisan ang lugar na yon at sinundan ulit ang maliit na ilaw na sumulpot bigla.