Hindi pa din kami makapaniwala na ang kasakasama naming si Feviane ang Empress. Ngayon ay nakayuko ako. Hindi lang pala ako. Kami pala maliban sa Royals. Nandito kami sa cafeteria at sabay na kumakain. Sobrang tahimik at wala ni isang nagsasalita samin. Simula kasi nong nalaman naming si Feviane ang Empress ay naging tahimik na kami. Si Princess Earth naman ay nasa kwarto na niya dito sa Academy. Kakagaling palang niya nong isang araw. Bigla nalang siyang gumaling. Hindi pa naman namin nakita si Empress Feviane kung paano niya ginamot si Princess Earth. Napatingin ako kay Fevia- Empress Feviane. Nakangiwing napailing ako ng makita ko siyang lamon lang ng lamon. Alam kasi niya sa sarili niya na hindi na siya didistorbohin ni Christine at Chronis. "Bakit pa siya ang Empress? Ais

