Pagsubok 5 *** Earth pov. Agad na tumingin ako kay Air at tumango sakanya bago siya tumango pabalik at lumipad gamit ang hangin. Nang nasa itaas na siya ay pumunta siya sa isang sanga at tumayo doon sabay tingin saakin. Tiningnan ko kung nasan ang pinakamalapit na Lancia bago tumingin sakanya at pumikit sabay hinga ng malalim at nagmulat kasabay ng paggawa ko ng hagdan na sanga papunta sa pinakamalapit na Lancia na nagawa ko naman. Napatingin ako kina Fevune na ngayon ay nanunuod lang samin. Nakatingin lang sila sa itaas at hinihintay ang susunod na mangyari maliban sa isang may takip na mukha. Siya ba yong Kira? Nakasandal lang siya at nakapikit na ikailing ko at binigyan nalang ng atensyon ang hagdan na ginawa ko. Dahan dahan ang galaw ni Air dahil alam niya ang posible na mang

