"You know what? Napaka mysterious talaga ng Shrika Cryst na yan" "Halata naman. Bakit ba niya tinatakpan ang mukha niya?" "Ewan" Di ko nalang pinansin ang mga estudyanteng nalalagpasan ko at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Narinig mo yong balita?" "Alin?" "Na bukas na ang balik nila galing sa misyon na binigay ni Headmaster" Napatigil ako ng marinig ko yon at kumunot noo. Nila? "Ilang araw na nong nawala sila dito sa Academy" Naiiling na nagpatuloy ulit ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa Classroom ay binuksan ko na ang pinto at pumasok sabay sarado nito. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at hindi pinansin ang mga tingin ng mga kaklase ko sakin. Pag-upo ko palang ay saktong bumukas ulit ang pinto at bumungad samin ang prof namin. "*"Class. May bagong kaklase kayo. Iha

