~***~ Nasa itaas nanaman ako ng puno habang nakatingin kina Kristina at Christine na nagtutulungan na patibayin ang barrier nitong Academy. Ngayon alam ko na kung bakit pinahanap ni Hm sina Kristina. "*"You're here again"*" Napatingin ako sa itaas ng puno at nakita ko si Vamp na nakaupong nakatingin sa itaas. "*"Kanina ka pa dito?"*"Tanong ko. "*"No. Kakadating ko lang"*"Sabi niya na ikatango ko at muling tumingin kina Christine na ngayon ay kakatapos lang na patibayin ang barrier. "*"Anong nasa mukha mo at bakit hindi mo pinapakita?"*"Tanong niya na ikatigil ko pero kalaunan ay sumandal sa puno. "*"Just mind your own business, Vamp"*"Sabi ko. Bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko at kinulong ako sa mga kamay niya. Tinitigan niya ako sa mata kaya tinitigan ko naman siya pabali

