Chapter 4

1351 Words
Sino ka? "*"Sigurado ka ba na ligtas kang makakauwi?"*"Tanong ni Tita. "*"Wag ka na pong mag-alala Tita. Kaya ko po ang sarili ko"*"Sabi ko sakanya. "*"Sige. Mag-iingat ka"*"Sabi niya. "*"Salamat din po pala sa mga pinambili mo para sakin at ingat din po kayo"*"Sabi ko at ngumiti kaya ngumiti siya pabalik bago umandar ang van. Kumaway ako at napabuntong hinga nalang at tumingin sa paligid. Malapit ng dumilim kaya dapat makauwi na ako at baka maholdap pa ako. Nagsimula na akong maglakad habang dala dala ang mga paper bag at sa loob na yon ay mga binili ni Tita. Tahimik lang ako hanggang sa makarating na ako sa bahay at pumasok. Ginamit ko ang isang paa ko para sipain ang pinto para masirado ito. Nilagay ko ang dala ko sa mesa sabay upo. Dahil na din napagod ako sa kakalibot. Nagsalin muna ako ng tubig bago ko ininom ito. Excited na pinagbuksan ko ang mga paper bag. Yong iba ay mga damit at ang iba naman ay sapatos at mga alahas. Meron ding mga School Supplies at napatigil ako sa isang paper bag dahil ito lang ang naiiba sa ibang paper bag. Binuksan ko ito at laking gulat ko ng makita ang touch screen na cellphone. Kinuha ko ito at binuksan. Napatigil ako at napahawak nalang sa batok dahil hindi ko alam kung paano gamitin. Nilagay ko nalang ito ulit sa lagayan at sinilid sa paper bag. Paano ko ba magagamit yon kung hindi ko naman alam kung paano? Atsaka keypad lang ang naging cellphone ko pero nawala din naman. Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko at aayusin na sana ang mga gamit ng makarinig ako na kung ano sa bubong ko kasunod non ang pagkarinig ko na parang may bumagsak sa harap ng pintuan ko. Ayaw ko pang sumunod kay Nanay Hilda. Tumayo ako at dahan dahang naglakad at ng makarating ako sa harap ng pintuan ay sinilip ko ang nasa labas at nagulat ulit ako sa nakita ko. Tuluyan ko na itong binuksan at bumungad sakin ang lalaking nakahiga at sa nakikita ko ay kaedad ko lang ito. Yinugyug ko siya pero hindi pa din gumigising kaya napagdisesyon akong akayin siya papasok. Medyo nahirapan pa ako sa pag-akay. Pinahiga ko siya sa kama ko kasabay ng pagkaupo ko sa sahig. Dahil na din sa pagod. Napatingin ako sakanya at ganon nalang ang pagkamangha ko dahil gaya kay Tita ay ang puti puti din niya. Napatingin ako sa buhok niyang kulay itim at may pagkapula hanggang sa napadako ang tingin ko sa kasuotan niya. Ang astig naman! Parang prinsipe lang ang datingan. Napatingin ako sa mukha niya at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tumayo ako at unti unting lumalapit sakanya sabay hawak sa mukha niya. Kung nagpaulan si Papa God ng kagwapohan sa mukha palang niya ay hindi na nakakapagtaka na siya ang sumalo sa lahat. Kung nagpaulan lang naman. Ang gwapo gwapo niya at hindi ko tinatanggi iyon. Hinawakan ko ang labi niya gamit ang thumb ko ng bigla nalang siyang nagmulat na ikagulat ko pero ang mas kinagulat ko ay mabilis na kilos niya kaya ako na ang nakahiga ngayon at siya ang nasa ibabaw ko. Tumingin siya diretso sa mata ko kaya nailang ako. "*"Sino ka?"*"Tanong niya pero kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Ibang lengwahe ang ginamit niya kaya paano ko siya maiintindihan? Aktong magsasalita ako pero bigla nalang nagbago ang mata niya at naging pula ito hanggang sa lumabas ang pangil niya at ang pagtataka ko ay napalitan ng pagkabigla ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Nagsimula na akong magpumiglas dahil bigla niya itong dilaan pero malakas siya kaya nagsimula na akong manghina hanggang sa makaramdam ako ng kirot na para bang kinagat ang bandang leeg ko. Nagsimula ng bumigat ang talukap ko hanggang sa magdilim ang paningin ko. ~***~ Bigla akong napamulat sabay tingin sa oras at naalala ko pala na walang klase ngayon. Tumayo na ako at naligo. Naayos ko ba yong paper bag kagabi? O baka nasa mesa pa yon. Napasabunot nalang ako sa buhok ko habang naliligo. Bakit wala akong maalala! At anong nangyari kagabi. Ang huli ko lang na naalala ay binuksan ko ang pintuan at yon na. Naiiling na tinapos ko nalang ang pagligo at lumabas na nakatapis. Kinuha ko ang salamin at tiningnan ko ang sarili ko pero nabaling ang tingin ko sa leeg ko na may sugat. "*"Napano to?"*" Hinawakan ko ito pero binawi ko agad ang kamay ko ng kumirot ito. Umopo ako sa kama at pinagmasdan itong mabuti pero nabaling ang atensyon ko sa isang paruparu na sumulpot bigla. Nilapitan niya ang leeg ko ng bigla siyang mawala kasabay ng unti unting paghilom rin ng sugat ko at may biglang guhit na maliit na paruparu sa leeg ko kasabay ng pagsulpot din ng maliit na letrang 'M' sa gilid nito. Namamalikmata lang ba ako o totoo ang nakikita ko? Ano ba kasing nangyari kagabi at bakit ako may sugat? Pinagsawalang bahala ko nalang yon at iisipin ko nalang mamaya yon. Tumayo na ako at nakatapis na lumabas ng kwarto dahil naalala kong naiwan ko sa mesa ang binili ni Tita sakin. Lumapit ako doon at humanap ng masusuot. Sayang naman kung hindi ko susuotin. Nakahanap naman ako ng damit at sinuot pagkatapoa ay kinuha ko ang malaking cellophane at ang nasa loob non ay ang mga sangkap pangluto. Sabi kasi ni Tita ay bibili daw kami ng ganito para daw hindi na daw ako bibili tagahapon ng ulam. Kinuha ko ang isang notebook ko kung saan nilalagay ko ang mga dapat gawin kung paano magluto ng adobo o ibat ibang putahe. Nagluto ako ng adobo dahil ang adobo ang nakasanayan kong lutuin nong nandito pa si Nanay Hilda. Tinuturuan niya kasi akong magluto dahil para daw kapag wala na siya ay hindi na daw ako mahihirapan pang magluto. Nang matapos na ay nilagay ko na sa Tupperware at kumuha na din ako ng plato at nilagay ko doon ang kanin. Umopo na ako at aktong magsisimulang kumain ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at bumungad sakin ang lalaking may itim na buhok at ang suot niya ay parang kasuotan ko. Napansin kong nakatingin siya sa leeg ko kaya agad na tinakpan ko ito at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong hindi niya nakita yon. Inayos ko ang pagkakasuot ng damit ko para na din takpan iyon bago ako bumaling sakaniya at kinunotan siya ng noo. "*"Sino ka?"*"Sabay namin. "*"Sino ka?"*"Pag-uulit ko. "*"Z-Hindi ko alam kung ano ang pangalan ko"*"Sabi niya na ikataka ko. "*"Bakit ka pumasok nalang bigla dito sa bahay ko! Trespassing yan!"*"Sabi ko sakanya kaya siya naman ang kumunot ang noo. "*"Trespassing? Anong lengwahe yan?"*"Tanong niya. "*"Hindi mo naiintindihan ang English? Ngayon pa naman ako nag-english tapos hindi mo maintindihan"*"Sabi ko. "*"English?"*"Tanong niya kaya napasapo nalang ako sa noo. "*"Bakit ka ba nandito?"*"Tanong ko. "*"Nawala ako at wala din akong matutuluyan. Nakita ko ang bahay na ito at napagdesisyonan kong pumasok dito"*"Sabi niya. "*"Hindi ka man lang ba kumatok?"*"Sabi ko. "*"Pasensya na akala ko kasi-"*"Napatigil siya bigla. "*"Pwede bang makituloy?"*"Pag-iiba niya ng usapan na ikataas ng kilay ko. "*"Tagasaan ka ba? At baka hinahanap ka na ng mga magulang mo o baka naman isa kang magnanakaw?"*"Sabi ko at nakita kong umiling siya. "*"Hindi ako ganon"*"Sabi niya kaya tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Gwapo sana pero hindi lang marunong mag-english. "*"Baka pinagloloko mo lang ako? Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga manloloko? Kinakatay ko sila at kinakain"*"Sabi ko sabay kuha ng manok at kinain ito sabay baling sakanya at nakita kong wala man pang siya reaksyon kaya binaba ko na ang manok. "*"Nakapasa ka sa pananakot ko kaya pwede ka ng tumira dito"*"Sabi ko at kumain. Nakita ko siyang deritsong pumunta sa kwarto ko na ikangiwi ko. Hindi man lang ba siya magpapaalam? O magpapasalamat? Wala naman yong galang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD