Chapter 26

1598 Words
Cronix Crox Huminto muna ako sa paglalakad at sumilong sa malaking kahoy. Ang init naman. Kinuha ko ang tubig sa bag at ininom ito. Kanina ay binigyan ako ng pagkain at inumin ni Lola. Sabi niya ay dalhin ko raw ito sa paglalakbay ko para daw hindi na daw ako magutom at mauhaw. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno at nakasandal. Tumingin ako sa paligid at napansin kong walang mga Oat. Kanina pa ako nagtataka. Lahat ng mga nadadaanan ko ay sirado ang mga bahay. Iniling ko nalang ang ulo ko at hindi ko na pinansin ang paligid. Saan ba ako pupunta? Siraulo naman kasi siya eh. Bigla bigla nalang gagawa ng portal kaya ako napunta sa gubat na yon. Napatigil ako sa pagmumuni ng may mga nakapulang papunta sa deriksyon ko at ng makarating sila ay bigla bigla nalang nila akong hinawakan sa magkabilang balikat at hinila papuntang karwahe nila. "*"Saan niyo ko dadalhin?"*"Tanong ko. "*"Nilabag mo ang batas"*"Sabi niya na ikatigil ko. "*"Anong batas ang pinagsasabi mo?"*"Tanong ko. "*"Wag ka ng magtanong"*"Sabi niya at pinapasok ako sa isang malaking hawla. Ano ako? Hayop? Loko pala to sila eh. Sasabihin ko na sanang hindi ako tagarito ng maalala ko ang sinabi sakin ni Lola. "*"Wag na wag mong sabihin na galing ka sa ibang bayan. Alam kong hindi ka nakatira dito sa mundo namin"*" "*"Dito sa mundo namin ay bawal ang pumunta sa ibang Bayan maliban kung may misyon o di kaya ay may pahinulot ka sa nakakataas"*" "*"May sariling batas din kami. Isa don ang bawal ang lumabas ng bahay kung wala kang trabaho. Mag-ingat ka din sa labas dahil pagala gala lang ang mga Hence"*" "*"Hence?"*" "*"Ang Hence ay mga nakapulang Oat. Sila ang mga bumibisita sa ibat ibang bayan at lugar. Sila ang ikatatlong pinuno dito sa Zanyier. Sila ang kumukuha sa mga lumalabag ng batas"*" Tumingin ako sa mga nakapulang Oat. Sila ba ang Hence na tinutukoy ni Lola? Kung sila nga isa lang ang masasabi ko. Ang malas ko. *** Bagot na nakaupo ako sa loob ng hawla habang nakatingin sa mga dinadaanan namin. Nakalutang ang hawla nato. Akala ko pa naman ay bubuhatin nila to. Habang nag-iimagine ako dito na kunyari isa akong prinsesa at naghihintay sa magliligtas sakin ng bigla nalang huminto na ikadapa ko pero mabilis ding umayos ng upo. Huminahon ka Shikira... Tandaan mo. Mga Hence sila. Biglang bumukas ang hawla at may pinapasok silang isang lalaki na kaedad ko lang. Aaminin kong ang gwapo niya. Sinarado na nila ang hawla at ilang minuto ay naramdaman kong lumutang ang hawla. Napatingin ako sa lalaking ngayon ay nakatingin na pala sakin. "*"Anong nilabag mo?"*"Tanong niya na ikakunot noo ko pero kalaunan ay hindi ko siya pinansin. Sabi nga nila. Don't talk to stranger. Kahit gwapo pa yan. "*"Ano nga kase ang nilabag mo?"*"Tanong niya ulit. "*"Ano palang pangalan mo?"*"Tanong niya. "*"Saan ka nakatira?"*"Tanong niya kaya hindi na ako nakapagpigil at tiningnan siya. "*"Gusto mong malaman kung anong batas ang nilabag ko? Pumatay ako ng Oat na hilig magtanong"*"Sabi ko sabay ngisi. Nakita ko siyang napalunok na mas lalo kong ikangisi. "*"A-ah e-eh.. Ako pala si Cronix Crox"*"Sabi niya at pilit na ngumiti "*"Hindi ko tinatanong"*"Sabi ko na ikatikhim niya pero ilang sigundo ay nagsalita siya ulit. "*"Ikaw? Anong pangalan mo?"*"Tanong niya kaya napabuga nalang ako ng hangin at tiningnan siya. "*"Pwede bang tumigil ka sa kakatanong?"*"Sabi ko. "*"Naiinis ka na niyan? Nagtatanong lang naman ako ah"*"Sabi niya pero hindi ko lang siya pinansin at tumingin nalang sa mga nadadaanan namin. Tsk. Gwapo sana kaso ang daldal. Ang sarap tahiin ang bibig o di kaya ay lagyan ng tape. Kung meron lang talaga ako kanina pa yan tumahimik. *** Nagising ako at nalaman kong huminto na pala kami. Sumilip ako sa labas at nakita kong huminto kami sa isang may kalakihang bahay. Bumukas ang hawla at senenyasan kami na lumabas kaya una na akong lumabas bago siya. Dinala nila kami sa loob at bumungad samin ang mga kulungan. Ikukulong ba nila kami dito? Wala man lang bang mas maayos na kulungan? Pinasok ako sa isang kulungan at bumungad sakin ang bakal na kama at kumot. Yon lang? Umopo ako at nag-isip. May kailangan pa akong gawin. Epal naman nila. Bakit ko ba nakalimutan ang sinabi ni Lola sakin? "*"Psst"*"Napatingin ako sa kabilang kulungan at napailing nalang ng makita ko si Cronix ba yon? Hindi ko siya pinansin at tumalikod sa deriksyon niya. "*"Tinalikuran ako? Kawawa naman si ako"*"Dinig ko. Humiga na ako at nagkumot. "*"Grabe to? Tinulugan ako?"*"Dinig ko pero hindi ko Lang ito pinansin at natulog. ~***~ Nakaupo ako ngayon habang nag-iisip ng paraan kung paano makakaalis dito. Napatingin ako sa labas at nakita ang dalawang nakapulang Oat. "*"Dadating mamaya ang mga Grove"*" "*"Mamaya? Ang bilis naman ata"*" "*"Oo nga. Noon na aabutan pa sila ng mga limang araw"*" "*"Ganito ba ka espesyal ang dalawang to?"*" Hindi ko na narinig ang iba dahil tuluyan na silang nakaalis. Pero teka lang? Sino ba ang mga Grove? "*"Gusto mong malaman kung sino ang mga Grove?"*"Napatingin ako sakanya ng magsalita siya. Gising na pala to? Hindi ako sumagot sa tanong niya at hinayaan siyang sabihin ang idudugtong niya. "*"Ang Grove ang ikaapat na namumuno sa Zanyier. Sila ang nagpaparusa o di kaya ang nagbibigay ng impormasyon sa mga Zanian"*"Sabi niya kaya tumango lang ako bilang sagot. Kung ang Zanian ang ikalawang pinuno? "*"Sino ang unang pinuno?"*"Natanong ko bigla at napatingin sakanya ng makita kong natigilan siya. "*"Wala ni isa ang nakakaalam kung sino ang unang pinuno. Basta ang alam ko lang ay ang mga Reyna at Hari"*"Sabi niya kaya tumango ulit ako. "*"Gusto mong makatakas?"*"Napatingin ako sakanya ng magtanong siya pero agad ding umiwas at hindi na nag-abala pa na sagutin siya. "*"Tutulungan kita. Tutal gusto ko din namang makatakas"*"Sabi niya. Mabilis na napatingin ako sakanya kasabay ng pagiging daga niya. Tatawa na sana ako ng mabilis na samaan niya ako ng tingin. Ang pamilyar ng tingin niya. Lumabas siya at hindi ko na alam kung saan siya pumunta. Baka umalis na yon. Tumayo ako at lumapit sa bakal at pilit na binubuksan ito. Napatigil ako ng makita ko siya sa di kalayuan na may kagat kagat na maliit na susi. Lumapit siya sakin at binigay saakin ang susi kasabay non ang pagbalik niya sa dati. "*"Buksan mo na"*"Sabi niya na ikatigil ko at bagot na tiningnan siya. "*"Bakit ka pa pumasok dito? Pwede naman na ikaw ang magbukas"*"Sabi ko. Pwede naman kasi sa labas siya magbalik ng anyo. Dito pa talaga sa loob ng kulungan. Kaya kami na ulit dalawa ang nakakulong. "*"Hindi ko pa kontrolado to atsaka pasalamat ka nga dahil hindi kita iniwan dito"*"Sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at sinimulang binuksan ang bakal. Ilang sigundo at nabuksan ko na kaya nauna na akong lumabas at kasabay non ang pagbukas ng isang pinto at bumungad samin ang nakaberde na mga Oat. "*"Grove..."*"Napatingin ako sakanya ng magsalita siya. "*"Sila na ba yan?"*"Tanong ko at tumango naman siya pero sa Grove lang ang tingin niya. "*"Berde ang suot nila"*"Sabi niya kaya napatingin ako sa Grove na ngayon ay nakatingin na pala saamin. Biglang hinawakan ni Cronix ang kamay ko. "*"Hindi na kayo makakatakas bata"*"Sabi nong isa at pinalibutan kami. Biglang naging malaking ibon si Cronix kaya mabilis na sumakay ako sa likod niya kasabay ng paglipad niya. Nasa taas lang kami habang ako ay nag-iisip ng paraan kung paano kami makakaalis dito. Bigla nalang siyang mabilis na lumipad kasabay non ang pagkasira ng pader kaya tuluyan na kaming nakalabas doon. Nasa himpapawid na kami ngayon at napansin kong parang nahihirapan na siya. "*"Pumunta na tayo sa baba"*"Sabi ko at mabilis na sinunod naman niya ako. Kasabay ng pagtapak ko sa lupa ang pagbalik niya sa dati. Nakahiga na siya ngayon kaya lumapit ako sakanya at tumayo sa harap niya. "*"H-hindi mo man l-lang ba ako t-tutulungan?"*"Nahihirapan na tanong niya na ikailing ko. Kahit nahihirapan siya ay nakakapagtanong pa din ang loko. "*"Hindi"*"Walang paligoy ligoy na sabi ko na ikasimangot niya at umopo. "*"Ang sama mo naman. Wala kang utang na loob"*"Sabi niya. "*"Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ako?"*"Sabi ko na ikairap niya at sinimulang gamutin ang mga gasgas niya. Akala mo siguro ma uuto mo ako. "*"Alis na ako"*"Sabi ko at aktong tatalikod ng mabilis na nagsalita siya. "*"Iiwan mo ako?"*"Tanong niya na ikatigil ko. Iiwan mo ako? Iiwan mo ako? H-hindi niyo ako i-iiwan? Iwan...kami? Iniling ko ang ulo ko at nagsalita. "*"Malaki ka na at sigurado akong hinahanap ka na ng ina mo"*"Sabi ko. "*"Wala akong ina"*"Sabi niya na ikatigil ko at kumunot noo. "*"Bakit?"*"Tanong ko. "*"Nong bata pa ako bigla akong naging malaking leon at hindi ko pa kontrolado ang ability ko nong araw na yon. Basta ang alam ko lang ay paggising ko wala na siya"*"Kwento niya na ikatigil ko ulit. Kawawa naman kung iiwan ko siya mag-isa dito. Pero baka masira pa ang gagawin ko. Pwede naman akong mag-ingat diba? Naku... "*"Oo na. Pwede kang sumama sakin pero sa isang kondisyon"*"Sabi ko at nakita kong naghihintay siya sa idudugtong ko. "*"Wag kang mangingialam sa mga gagawin ko. Maliwanag?"*"Sabi ko at nakita ko siyang mabilis na tumango. "*"Ano pala pangalan mo?"*"Tanong niya at tumayo. "*"Shikira... Shikira Osmeña"*"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD