Nasa rooftop ako ngayon habang nakatingin sa mga tanawin. Nasa Gym lahat ng estudyante at nagdadasal sa mga estudyanteng namatay. Kanina ay nakita kong lumabas ang ibang kawal para sunduin ang mga magulang ng mga estudyanteng namatay at bumalik naman silang kasama ang mga magulang. Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan. Siguro hinahanap na ako Hm dahil hindi nanaman ako dumalo doon. Nasan na kaya yong Dark Hunter na nakaharap ko kahapon? Ano na kaya nangyari sakanya ngayon? Siguro... Ayos na yon. Siguro na tanggap na niya lahat. Nailabas na niya ang mga hinanakit niya at baka nasa Hinshan na siya. Sila... Ang mga kasama niya. Kung nakakonekta ang lahat ng Dark Hunter kahapon sakanya ibig sabihin kasali ang lahat ng Dark Hunter kahapon na nabalutan ng usok. (Hinshan, kung sa

