Leveling
Someone pov.
"*"Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?"*"
"*"Anong silbi ng pagiging ganito ko kung umaasa pa ako sa iba?"*"Sabi ko.
"*"Hmm... Mag-iingat ka pa din"*"Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"*"Hanapin mo siya"*"
***
Naghahanda kami ngayon para sa leveling mamaya.
Napatingin ako kay Vonia na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan.
Kinalabit ko siya kaya nakita kong kumurap kurap muna siya bago tumingin sakin.
"*"Ano yon?"*"Tanong niya.
"*"Wala ka bang plano para maghanda?"*"Tanong ko.
Ngumiti siya pero nagtaka ako ng makita kong mababakas sa mukha niya ang lungkot.
"*"A-ayos ka lang ba?"*"Tanong ko.
"*"Ayos lang ako. Tara na?"*"Sabi niya kaya tumango ako.
Sabay na lumabas kami ng dorm.
Habang sabay na naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sakaniya.
Ano kaya ang iniisip niya? Kagabi nong pagdating niya ay tulala at nakatingin lang siya sa kawalan.
Hanggang sa pagdating namin sa Arena ay tahimik pa din siya at hindi umiimik.
Pinabayaan ko nalang siya at naghanap nalang ng mauupuan.
Nakakita ako sa di kalayuan kaya hinawakan ko siya at hinila papunta doon.
Umopo na kami.
Nilibot ko ang paningin ko at napangiwi sa dami ng nandito.
Nahinto ang tingin ko sa malapit sa battlefield. Nakita ko ang Royals at seryoso lang silang nakaupo sa parang gintong upuan nila.
Tumingin ulit ako kay Vonia at gaya kanina ay nakatingin lang siya sa kawalan kaya hindi ko na napigilan at nagtanong ulit.
"*"Ayos ka lang ba talaga?"*"Tanong ko kaya napatingin siya sakin pero mabilis ding nag-iwas.
"*"W-wala.Ayos lang ako at wag mo na din akong intindihin"*"Sabi niya at ngumiti pero halatang pilit.
Mabilis na lumipas ang oras at madami dami na din ang mga estudyanteng nandirito.
"*"Students!"*"Napatingin kami sa harapan at nakita ko si headmaster.
"*"Handa na ba kayo?"*"Tanong niya at sumagot naman sila ng Oo.
"*"Wag na nating patagalin at magsimula na tayo sa leveling!"*"
"*"Bawal pumatay! At higit sa lahat kapag nasugatan ka talo ka"*"Sabi niya na ikatigil ko.
Pagnasugatan ako? Talo na ako?
Napatingin ako kay Vonia at saktong tumingin din sya sakin
"*"Vonia? Tatlong araw palang akong nagsasanay. Posibleng talo na ako sa leveling na to"*"Sabi ko.
"*"Gawin mo lang ang best mo. Diba gusto mong makapasa sa battle? Kailangan mo pang manalo sa leveling nato bago ka masali sa battle"*"Sabi niya.
Kailangan kong manalo dito!
Maghintay lang kayo Tay at Shikira. Babalik ako.
***
Madaming mga estudyante na din ang naglalaban. Ang iba ay talo at ang iba naman ay panalo. At ngayon ay ako na ang susunod.
"*"Ms. Fevune Duino!"*"Tawag sakin at bigla nalang akong napunta sa battlefield.
Naghintay lang kami sa susunod niyang sasabihin hanggang sa bigla nalang siyang ngumiti ng malawak at binanggit ang pangalan na ayaw kong makalaban.
"*"Ms. Vonia Chime!"*"Sabi niya na ikanigas ko kasunod non ang pagsulpot ni Vonia sa di kalayuan.
Nakayuko siya at hindi man lang makatingin ng deritso sakin.
A-alam niya na ba na magkalaban kami?
Biglang tumahimik ang buong paligid. Alam nilang magkaibigan kami.
Pinaglalaruan ba kami? Bakit sa lahat lahat ang kaibigan ko pa.
Bigla siyang nag-angat ng tingin.
"*"Fight me."*"Sabi niya pero umiling ako.
"*"A-ayaw ko"*"Sabi ko.
"*"Ayaw mo kong labanan? Kase mahina ka!"*"Sabi niya na ikagulat ko.
P-paano niya nasasabi ang mga ganyan saakin?
"*"Malandi ka! Pati dalawang Prinsipe nilalandi mo na! Bago ka palang dito tapos marunong ka ng lumandi!"*"Sabi niya na ikaramdam ko ng kirot.
Hindi siya ang Vonia na kilala ko.
At hindi ako malandi!
Mahina ka!
Nang dahil sayo namatay ang Mama mo!
Malandi ka!
Nang dahil sa kalandian mo natuntun tayo ng mga Oat!
Dapat sayo ang mamatay!
Mahina na nga malandi pa!
"*"Hindi ako mahina!!"*"Sigaw ko kasunod non ang pagkulog.
***
Vonia POV.
Napaatras ako sa biglaan niyang pagsigaw kasunod non ang malakas na kulog.
Kailangan matigil nato!
May galit na bumakas sa mata niya habang nakatingin sakin.
Tinapat niya ang palad sakin at naramdaman kong may paparating na kidlat sa deriksyon ko kaya mabilis na gumawa ako ng maraming Clone na kamukha ko.
Nagtago ako sa Isa sa mga nagawa ko.
Nagsisigawan na din ang mga nasa labas ng itigil daw ang laban nato.
Tumingin ako kay headmaster na nasisiyahan sa nakikita niya na ikainis ko.
Wala ba siyang pakialam na may mamatay dito? Siraulo ba siya.
Muli akong tumingin kay Fevune na ngayon ay nakatingin sa deriksyon ko at ngayon ko lang napansin na wala na ang lahat ng Clone na ginawa ko.
Wala sa sariling tinapat niya ulit saakin ang palad niya.
Kinokontrol siya ng kapangyarihan niya.
Naramdaman ko nalang ang malamig na sahig at huli kong narinig ang labis na nagpasaya sakin.
"*"Si Ms.Fevune Duino ang panalo!"*"