CHAPTER 6

2159 Words
"I'll take that as a compliment" ngiti ni Xandra at saka marahang tinulak palayo ang nakalapit na pigura ni Chico. Ang seryosong mukha nito ay ngumiti rin kay Xandra. "Nga pala nabalitaan mo ba yung nangyari kay Ma'am Theresa?" Pag agaw ni Roma ng atensyon para mawala ang tensyon sa dalawa. Bumalik kay Xandra ang nangyari kanina. Mag a-alas dos na, gaya ng kahapon ay humihithit na naman ng sigarilyo ang guro. Tahimik na nagmamasid si Xandra, wala namang nakakapansin sa kaniya dahil may klase na ang bawat isa. Nagmamadaling tumakbo ang guro pagtapos nitong manigarilyo, alam na ni Xandra kung saan ito patungo dahil kinuhanan niya ng litrato ang schedule nito sa faculty kahapon. Hindi napansin ng guro ang nakatagong katawan ni Xandra sa isang pasilyo bago marating ang hagdan. "Ma'am!" Tawag ni Xandra at sa paglingon ng guro ay buong lakas na hinampas ni Xandra ng kaniyang handbag na puno ng makakapal na libro sa ulo ang guro. Sa lakas nito ay agad na bumagsak ang guro sa hagdan. "Tu-tulong" nabasa ni Xandra ang mga salitang binitawan ng guro kahit pa wala ng boses na lumalabas mula sa kaniya. Walang emosyon ang mukha ni Xandra habang patuloy na pinapanood ang pagdanak ng dugo mula sa ulo ng guro. Wala na itong malay pero nandoon pa rin si Xandra at nakatitig sa walang malay niyang katawan. "Truth will come to you no matter how much you run away from it" bulong ni Xandra saka pinagpagan ang kanyang bag na may kaunting dugo pero hindi naman halata. Naglakad siya paalis na parang walang nangyari "Yes, that's why we should be careful on stairs. We might fell or someone might push us. We don't know" tuloy tuloy na sabi ni Chico. Nakatingin siya sa paligid at palinga linga kung may nakikinig ba sa usapan nila. May kakaibang nararamdaman si Xandra sa binatang kaharap ngayon... Una ay sinabihan siya na mukhang Russian ngayon naman ay binuksan niya ang posibilidad na may nagtulak sa hagdan sa guro. Kahit pa natawa lang si Roma at ginawang biro ang sinabi nito, alam ni Xandra na may ibang laman ang mga salitang binitawan ni Chico. "Roma! Group tayo!" May isang estudyante ang lumapit sa kanila at sinama na palayo si Roma para pag-usapan ang kanilang gagawing project. Ngayon ay naiwan ang dalawa. Kung kanina ay gusto ni Xandra na bayaran na lang ang kagrupo ay nagdalawang isip siya. "Let's go" aya ni Chico. Napabuntong hininga si Xandra pero sumunod pa rin siya. Hindi niya gustong maging kahina-hinala. At bukod pa doon, gusto niyang tuklasin kung ano ang alam ni Chico. "Where are we heading?" Tanong niya. "I'm hungry. Let's talk about our project after we eat" lumingon si Chico atsaka ngumiti kay Xandra. Kahit na gustong umirap ni Xandra ay pinilit niya pa ring ngumiti. "So, where exactly are we heading?" Ulit niyang tanong at saka huminto sa paglalakad si Chico at humarap sa kaniya. Nakataas ang kilay nito kay Xandra na ngayon ay nakikipagsukatan ng titig sa kaniya. "Arrogant" bulong ni Xandra. "How about jollibee? Have you been there?" Ngumiti ulit si Chico at inalis na ang tingin kay Xandra. "No" tipid na sagot niya. Um-order siya noong isang araw pero hindi pa siya nakakapasok muli rito. "Then it's decided" naglakad muli si Chico at saka sumunod si Xandra. "So arrogant. Who does he think he is?!" Pagpipigil ni Xandra. Sa totoo lang ay kanina pa siya nagtitimpi sa mga aksyon ni Chico. Ilang minuto silang naglakad para marating ang pinakamalapit na jollibee sa St. Luke Academy. Pumasok si Chico sa loob at agad na humanap ng puwesto malapit sa bintana. Pagpasok ni Xandra ay magkahalong saya at lungkot ang bumalot sa kalooban niya. Sa loob ng labing- tatlong taon ay nakabalik siya rito. Kung dati ay hawak kamay sila ni Alex na papasok rito patakbo ay mag-isa na lang siya ngayon... Hinawakan niya ng mahigpit ang kaniyang bag at hinanap ang binatang kanina pa niya pinagtitimpian. Sila ang may kasalanan kung bakit nasa hospital ngayon si Alex at nag-uumpisa pa lamang siya maningil. Hindi siya dapat pangunahan ng emosyon niya. Paalala ni Xandra sa sariili. "Here!" Ngiti ni Chico sa kaniya. Pinilit niya ring ngumiti at saka lumapit dito. "Stop forcing yourself to smile" iyon ang unang salita na sinabi ni Chico pag-upo niya. Nakatayo ito at nakatingin sa kaniya, diretso sa mga mata niya. "Don't smile if you don't feel like smiling" hindi alam ni Xandra kung paano nalaman ni Chico na pilit ang mga ngiting binibigay niya, gayong wala namang ibang nakapansin. "The muscles in your face are stress" patawang sabi ni Chico. Napatingin si Xandra sa bag niya, pwede niya rin itong ihampas sa ulo ni Chico hanggang sa madurog ang utak nito pero pinigilan niya ang sarili. "You're too friendly" sa wakas ay nagawa na siyang irapan ni Xandra. Unang binasag ni Chico ang pader sa pagitan nila pero si Xandra ang tuluyan sumira nito. Hindi naman inaasahan ni Xandra na malakas na tawa ang isasagot ni Chico. Napaalis na lang siya ng tingin. Ayaw niyang sayangin ang oras sa mga biro ng binata. Iniisip niya ngayon kung paano tatakas sa sitwasyon. "Group mate, what do you want?" Pag agaw ni Chico sa atensyon niya sabay turo ng menu sa tapat ng counter. "Burger and fries will do" sabi niya at nag-abot ng isang daang piso. Kinuha naman ito ni Chico at sinamaan muna ng tingin si Xandra bago siya naglakad papunta sa counter. "Anong tingin niya sa akin waiter?" Sabi niya sa sarili at napatingin sa 100 peso bill na nasa kamay niya. NATAPOS na siyang um-order at bumalik na rin siya dala ang tray ng pagkain nila. Napansin ni Chico na parang may kakaiba kay Xandra pero hindi niya na ginustong itanong kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Ngumiti na lamang siya bago ilapag ang tray sa lamesa. "Here's your change" abot ni Chico pero agad na umiling si Xandra. "No, keep the change" tipid na sabi nito at saka sinimulan kumain ng fries. Napakunot ang noo ni Chico sa sinabi nito, "akala ba talaga niya waiter ako?" Bulong niya na naman. Gusto niya pa sanang sumagot pero nakita niya na kahit papaano ay mas relax na si Xandra na kumakain ngayon kaya't hindi niya na gustong sirain ang mood. "So about our project, what do you have in mind?" Tanong ni Xandra. Napatingin na naman si Chico sa kaniya bago kumagat sa kaniyang burger. "I need to leave before 5pm" dagdag ni Xandra kaya't napilitan na si Chico na lunukin ang kinakain niyang burger sabay inom ng drinks. Napatingin siya kay Xandra ng masama pero wala namang pakialam ang kaharap niya. Nakatingin ito sa relo niya, gusto niyang bumisita ulit kay Alex bago mag alas-siete mamaya. "Seriously" sabi ni Chico bago punasan ang bibig. Napatikhim siya at hindi makapaniwala sa sinabi ni Xandra. Wala pa sila 30 minutes sa jollibee at 4:30 na ng hapon. Kulay kahel na ang kalangitan at bahagyang lumalamig na rin ang paligid. Marami na ang labas pasok ng jollibee at mahaba na rin ang pila sa counter. Napabuntong hininga na lang si Chico. "Sa Chemistry, I already have something on my mind. Since you are just an exchange student, how long you will stay ulit?" "About 3 months" "Yes, 3 months. I've been working on that project for months but the thing is, the budget has been short so I couldn't continue. I hope you are getting the picture" sabi ni Chico. Hindi alam ni Xandra na ang una niyang plano rin pala ang kababagsakan ng problema niyang ito. "How much?" Tanong niya. Sumenyas naman si Chico na ilapit niya ang tenga sa kaniya. Tumingin ng masama si Xandra. Bakit kailangan niya pang ibulong? Naiinis niyang sabi sa sarili. "Kill joy" bulong ni Chico at inilabas ang isang ballpen saka sumulat sa tissue ng jollibee. 5,000 php Nahihiya siyang ipakita ito kay Xandra dahil baka isipin niya na pineperahan niya lang ito, kataliwas naman nito ang iniisip ni Xandra. Agad niyang inilabas ang wallet at saka kumuha ng limang libong piso para ibigay kay Chico. Puro cash na ang ginagamit niya dahil ang nakapangalan pa rin sa kaniyang mga bank accounts ay Alexandra Petrov. Hindi niya ito pwedeng gamitin sa mga pampublikong lugar hanggat maaari. "Itago mo naman! Baka isipin ng iba pineperahan kita!" Ipit na sabi ni Chico at saka napakamot sa ulo dahil nakalimutan niya na isa nga palang Canadian ang kaharap. Inabot niya na ito at saka itinago sa bag. "This is not a scam, ha? I don't want you to think it that way. This is your contribution for the project" nahihiyang sabi ni Chico. Wala naman siyang ginagawang masama, kailangan niya ng budget para sa project, at kagrupo niya naman ang kausap pero pakiramdam niya ay may illegal siyang ginagawa. "Okay. I shall take my leav then" sabi ni Xandra at saka inayos na ang sarili para tumayo. "I'll make sure to right your name on the group participation" nakangiting sabi ni Chico pero hindi na ito ginantihan ni Xandra. Tumango lang ito bago umalis sa kinauupan nila. Pinanood ni Chico na umalis si Xandra. Ang mahabang buhok nito na nakatirintas ay nakapatong sa mga balikat niya. Ang salamin nito sa mata na parang may ikinukubli. Ang maamo nitong mukha na kanina ay kumakain lang ng fries dito sa harapan niya na parang bata. Napasandal si Chico sa upuan niya at napatingin sa labas ng bintana kung saan dumaan na si Xandra. Kumaway si Chico pero hindi na siya napansin ni Xandra dahil diretso na itong naglakad na parang nakikipag kumpetensya sa oras. KINABUKASAN "Gosh, this literature class is killing me!" Reklamo ni Lichelle habang papunta sila sa bulletin board kung saan nakalista ang groupings para sa isang project nila. Kasama niya si Roma na natatawa sa pagiging over-acting ng kaibigan at si Xandra na nakangiti rin sa kanila. "Pwede namang individual! Grrr" Dagdag niya pa at napapa-padyak habang mas papalapit sila sa bulletin. "It's better to work on groups kale minsan" natatawang sabi ni Roma. Nakatingin lang sa kanila si Xandra hanggang sa marating ang bulletin. Isang imahe ng tao ang umagaw sa atensyon ni niya. Nakatayo ito sa harap ng bulletin at napakamot sa ulo. "Chico!" Sigaw ni Roma kaya't napalingon ang binatang mukhang problemado sa kanila. Agad na umaliwalas ang mukha nito ng makita ang tatlo. "Ampanget ng araw na ito" sabi ni Lichelle habang nakatingin kay Chico bago niya ito bunguin at lagpasan. "Hoy!" Sabi ni Chico at binatak ang dulong buhok nito kaya napasigaw si Lichelle ng malakas bago bumalik at hampasin si Chico. Habang nagrarambulan ang dalawa ay dumiretso na lang si Roma at Xandra na parang hindi kilala ang dalawa. "Wow" sabi ni Roma at napatingin kay Xandra na ngayon ay nakatingin pa rin sa bulletin. "Kayo ulit ni Chico ang magkagrupo?" Napalingon silang dalawa kay Chico na tapos na makipagrambulan kay Lichelle. Napabuntong hininga na lang si Xandra. Bakit kailangan ko na naman na mainvolve sa kaniya? Inis niyang tanong sa sarili. "Maybe it's fate" natatawang sabi ni Chico. Kinilabutan naman ang tatlong magkakasama at sabay sabay na tumingin ng masama sa kaniya. "Cassandra, if something happens, just kill him. 'kay?" Sabi ni Lichelle habang inaayos ang buhok. Sa totoo lang ay iyon din ang gustong gawin ni Xandra. "Burn him and throw him in the river" dagdag naman ni Roma. "Ang sama niyo talaga no. Sana ligtas pa mga kaluluwa niyo!" Sabi ni Chico bago batakin ang bag ni Xandra papalapit sa kaniya. Kayang kaya ni Xandra na hindi magpadala sa lakas ni Chico pero dahil itinatago niya ang pagkatao niya ay nagkunwari siyang nawalan ng balanse. "Okay ka lang?" Tanong ni Chico at saka inalalayan si Xandra na tumayo. Tumango naman si Xandra at nagkunwaring ngumiti. Agad na inagaw ni Roma at Lichelle si Xandra mula sa pagkakahawak ni Chico. Para silang dalawang inahin na may isang anak na bumagsak matapos subukang lumipad. "You, evil! Hindi ka man lang mag-ingat!" Sigaw ni Lichelle. "Chico naman! Can't you be more gentle?" Masungit na sabi naman ni Roma. "Sorry. I didn---" Hindi na natapos ni Chico ang sasabihin niya ng makita niyang nakangisi si Xandra sa kaniya. "Anak ng!" Galit na sabi ni Chico sa kaniyang sarili. "I'm tired. I think I'll go" inayos ni Xandra ang sarili at saka humarap sa dalawang kasama. "Thank you. See you tomorrow" sabi niga at umalis na. Nagkatinginan sina Roma at Lichelle bago nila tingnan ng masama si Chico. Napaatras naman si Chico nang maramdaman na hindi siya ligtas sa dalawang naiwan ngayon. Sa sunod na paghakbang ay mabilis na siyang tumakbo palayo. "That girl!" Natatawang sabi ni Chico at muling inalala ang ngisi ni Xandra kanina habang ngayon ay tumatakas sa matatalim na kuko nina Lichelle at Roma. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit imbes na magalit o mainis ay natuwa pa siya sa ginawa ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD