CHAPTER 1
PROLOUGE
"Don't say your dreams out loud otherwise they won't come true"
Alex and Xandra were both seating beside their grandmother. Isang takip silim na naman ang umabot sa dalawa sa piling ng kanilang lola. Parehas silang nakikinig sa bawat salitang binibitawan nito.
"But why?" Xandra asked. Hinaplos ng kanilang Lola ang kaniyang ulo at saka marahan itong ngumiti.
"Because dream thieves are everywhere"
"What are dream thieves, Lola?" Naglakas loob si Alex na magsalita bagamat kanina pa siya pigil hininga sa kaba dahil sa mga sinasabi ng matanda.
"Cursed people who kill dreams" naging seryoso at nakakatakot ang boses nito.
"The only reason why people live is to dream and those who lost their dreams...the spirit inside them slowly die"
"I'm scared" Napayakap si Alex sa kakambal at marahan namang tinapik ni Xandra ang likod nito.
"Wag kang mag-alala. I'll protect you" pinunasan niya ang namumuong luha sa mga mata ng maamong mukha ni Alex at mula doon ay isang payak na ngiti ang ibinigay nila sa isa't isa.
CHAPTER 1
"Petrov Alexandra!" Isang malakas na sigaw mula sa salas ang umalingawngaw sa isang malamig na gabi sa Moscow, Russia. Nagmamadaling bumaba si Alexandra para puntahan ang ama. Naabutan niya itong nakatayo sa harap ng chimney at humihithit ng tabacco.
"ALEXANDRA PETROV!" Lumakas pa ang sigaw nito.
Petrov symbolizes the son of Peter in Russian. A stone. Hindi na nagtataka si Xandra kung bakit laging matatag at matapang ang imahe ng kaniyang ama, dahil bukod sa kanilang apelyido na nangangahulugan ng katatagan ay dating miyembro rin ito ng Special Forces ng Russia.
"Papa, ya zdes' (Papa, I'm here)" Agad napansin ni Xandra ang pamumula ng taenga nito, sigurado siya na may masamang nangyari. Inalalayan niya ang Ama na umupo muna para makapag usap sila ng mas maayos.
Ang mga peklat sa mukha at iba pang bahagi ng katawan nito ay sumisimbolo sa katapangan at kasipagan niya noong kabataan.
"chert voz'mi! (Damn it!)" He shouted, grabbing a glass of beer.
"I will kill them all!" He added.
Napapagod na si Xandra sa paulit-ulit na pakikinig sa mga buntong hininga ng ama pero nandoon pa rin ang kaba... Napakadalang niyang magalit ng ganito, bulong niya sa sarili.
"Alex... Your brother is in a comatose state"
Walang ibang naramdaman si Xandra kung hindi ang pagkirot ng kaniyang puso. Hinihiling na sana nabingi lang siya o nagkamali lang ng sinabi ang kaniyang ama.
"What?"
"Your mom called. Damn it!"
Xandra's mom is in the Philippines. She and Alex were just seven years old nang maghiwalay ang mga magulang nila. Since Divorce is not allowed in the Philippines ay kinikilala pa din ang kasal nila sa papel. Ang nangyari noon ay bumago sa isang musmos na isipan ng batang si Alexandra.
Hindi man niya gustuhing sumama sa Ama at iwan ang kakambal ay wala siyang nagawa dahil alam niyang kailan man ay hindi siya ninais makasama ng Ina.
Sa isip nito ay si Alex lang ang nag-iisang anak niya.
"What happened to Alex?"
Hindi nagawang sumagot ng Ama bagkus ay kinuha nito ang isa pang beer at binitawan ang isa sa sahig.
"My poor Alex" ang sunod na sandali ay lalong nagpasakit sa puso ni Xandra. Her father is crying. Her strong, mighty and proud father is being vulnerable in front of her.
Alex has always been soft and kind. Even if they live in different countries and are miles away from each other their bond is still strong.
"He--- He was a victim of---" hindi na natapos ni Arturo, ama ni Xandra ang gustong sabihin dahil bumagsak na ito sa sahig. Nag-collapsed ito at nawalan ng malay kung kaya't mabilis na tinawag ni Xandra ang mga katulong para tumawag ng ambulansya.
It's 11 pm now, Xandra is looking at the clock in one of the private room in JSC Medical Clinic Moscow.
Sa bawat pagtakbo ng oras ay para namang may humihigop pailalim sa puso niya. Hindi maipaliwanag ang pinaghalong kaba, takot at pangamba na nararamdaman niya. Nanginginig ang kamay niya pero pinilit niyang pakalmahin ito. Hindi ito ang oras para mag-panic, pagpapakalma niya sa sarili.
Magkakasunod na katok sa pinto ang umagaw sa atensyon niya, isang babaeng Doctor ang pumasok at ngumiti sa kaniya.
"Is he gonna be alright?" Tanong niya at tumango naman ang Doctor.
"He had a mini heart attack but his vitals are better now. It's a good thing that you brought him here directly. Let's pray for his fast recovery"
"Thank you" She smiled and the Doctor left.
"Pa, nag-aalala ka ba kay Alex?" Hinawakan niya ang kamay ng Ama. Matagal na ng huli niya itong hawakan, noong nasa airport sila papunta ng Russia.
Her father is always a cool headed person. He is strong and tough...he did not even shred a tear when he left his son and wife.
Xandra was startled when her phone rang... The screen flashes that it's Jazmine.
"Hello?"
"Xandra... Xandra..." Wala siyang ibang marinig kung hindi ang walang tigil nitong mga hikbi.
Halos lahat ng nakausap niya ngayong araw ay umiiyak. Sana ay pwede ko ring gawin iyon, sarkastikong sabi ni Xandra sa sarili.
Her emotions are so heavy but she tried her best not to break down.
"Jazmine calm down"
"Xandra... I can't... Xa-Xandra si Alex... nasa coma siya" sunod sunod pa ang naging pag-iyak ni Jazmine sa kabilang linya.
"We-We know. What happened?" Her voice cracked and her chest suffers. It's getting harder to breath.
"Xandra there's a video.... Xa-Xandra may video"
Xandra imagined Jazmine crying so hard now. Hindi na pigil ang mga hikbi nito, humahagulgol na siya ng malakas.
"Ayokong i-send sa'yo... Pero... Pero... Xandra, please tulungan mo si Alex" Jazmine ended the call and Xandra's phone recieved a video on her telegram.
Nanginginig ang mga kamay niya at halos hirap na siya sa paglunok ng laway. Papanoorin niya na sana ito pero may kamay na pumigil sa kaniya.
"Pa"
"Xandra, don't watch it" she was about to complain and ask why but her father spoke...
"Your brother was bullied and assaulted to to point he cannot move"
Xandra clenched her fist and felt the nails digging on her skin. Mayamaya pa ay may mga luhang bumagsak mula sa mga mata niya.
Hindi niya na kaya.
Sa katotohanang hindi na-coma si Alex dahil sa aksidente kung hindi intentional ito, galit ang naramdaman ni Xandra at awa para sa kakambal.
"I will go back to the Philippines" She firmly said.
"No. You're not going anywehere!" Nahirapan mag magsalita ay nagawa pa rin nitong sumigaw. Pinunasan ni Xandra ang mga luha niya at tumingin sa mala tsokolateng mata ng ama. Pagod na ito at matanda. Wala na ang dating kisig nito.
"Pa... Alex need me" Her voice pleads persuasion pero hindi natinag ang kaniyang amang kasing tigas ng bato.
"I just have to rest and I will go there. I will kill those bastards!"
"Pa!" Nagulat si Arturo dahil ito ang unang beses na sinigawan siya ng anak.
"Pa eto lang yung utos niyo na hindi ko susundin"
Ang buong buhay ni Alexandra ay miserable. Mula pagkabata ay sinunod niya lahat ng salita ng mga magulang niya sa pag-aakalang ito ang magiging tulay para mahalin din siya tulad ng kay Alex. Pero nagkamali siya at dahil dito ay puro paghihirap ang sinapit niya.
"Pa, we left them when they needed us the most. You left when Alex and Mom needed you the most"
"I did not said it to put the guilt on you... I just... I just want to be there for my brother" Isang mahabang katahimikan ang sunod na namagitan sa kanila. Nawala ang tensyon at parehas silang hindi alam kung ano ang dapat sabihin. Kung ano ang dapat maramdaman.
Sa unang pagkakataon ay lumambot ang matigas na puso ni Arturo. Kailan man ay hindi niya nalaman ang tumatakbo sa isip ng Anak.
"You can go" Lumiwanag ang mukha ni Xandra sa sinabi ng Ama. Kung kanina'y kaba ang naghahari sa kalooban niya ay napalitan ito ng kaunting liwanag.
"But..." Hindi talaga siya magpapatalo, natawa si Xandra sa naisip at isang ngiti ang namuo sa labi niya.
"Once I got better, I'll follow you. I didn't raise a weakling, you know that you are a Petrov" Arturo examined her daughter. It's been awhile since she smile infront of him.
"Yes"
"Do whatever you want to those bastards but don't get hurt. I cannot afford to know both of twins are in pain" Ipinikit ni Arturo ang mga mata at saka bumalik sa pagpapahinga. Kailangan niyang magpabuti agad ng kalagayan para hindi na maulit pa ang nangyari kay Alex. Kailangan niyang ihanda ang sarili para muling gampanan ang pagiging haligi ng tahanan sa kaniyang pamilya.
"Pa, thank you"
Noong gabi ring iyon ay tumawag si Xandra sa pinagkakatiwalaang tauhan ng ama na si Lucas upang ipaasikaso ang mga papeles niya sa pagbalik sa Pilipinas. Makalipas ang labing tatlong taon ay uuwi na siya. Magkahalong kaba, sakit, at pag-aalala ang nasa puso niya pero higit na nanaig dito ang galit.
"Wait for me, Alex. I will make them pay" sabi niya habang nakatingin sa screen ng cellphone kung saan nakalagay ang schedule ng kaniyang flight. Sandali niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim. Mahaba ang magiging biyahe at siguradong magiging mahirap ang kakaharapin niya. Sa pagmulat ng mga mata niya agad nitong hinanap ang ama na ngayon ay mahimbing na ang tulog.
Masaya siya dahil sa unang pagkakataon ay binigyan siya ng kalayaan at tiwala ng ama. Hindi niya ito nais biguin, kung maari nga ay tapusin niya na ang mga taong nanakit sa kapatid bago pa tuluyang bumuti ang kalagayan ng ama. Hindi siya nagsanay ng isang dekada para maging lampa, hindi siya nagtamo ng mga pasa at sugat para maging mahina at hindi siya nag-aral gumamit ng baril at katana para maging biktima. Tulad nga ng sinabi ng ama ay dala niya ang apelyidong Petrov.
Tumayo siya at hinalikan sa noo ang ama bago tuluyang lumabas ng pinto. Handa na siyang tahakin ang daan patungo sa kapatid.
Bumabagsak ang niyebe pero may kakaunting sikat ng araw sa daan. Umuwi siya saglit para kuhanin ang mga gamit. Isang nakatagong larawan ng babae ang tiningnan niya. Sa pagbalik niya sa Pilipinas ay isa lang ang hindi sigurado, kung kaya niya na bang harapin ang inang pinagtabuyan siya na parang aso noon.