CHAPTER 2

1524 Words
Chapter 2 Beloved passengers, on behalf of the crew I ask that you please direct your attention to the monitors above as we review the emergency procedures. There are six emergency exits on this aircraft. Take a minute to locate the exit closest to you. Note that the nearest exit may be behind you. Count the number of rows to this exit. Should the cabin experience sudden pressure loss, stay calm and listen for instructions from the cabin crew. Oxygen masks will drop down from above your seat. Place the mask over your mouth and nose, like this. Pull the strap to tighten it. If you are traveling with children, make sure that your own mask is on first before helping your children. In the unlikely event of an emergency landing and evacuation, leave your carry-on items behind. Life rafts are located below your seats and emergency lighting will lead you to your closest exit and slide. We ask that you make sure that all carry-on luggage is stowed away safely during the flight. While we wait for take off, please take a moment to review the safety data card in the seat pocket in front of you. Ang announcement mula sa crew ng eroplanong sinasakyan ni Xandra ang gumising sa kaniya. Sa sampog oras na biyahe ay ipinahinga niya ang sarili. Sandaling nilinis ang isipan at pinakalma ang nararamdaman. Sa Ninoy Aquino International Airport, kaagad siyang sumakay ng taxi para sa condominium unit na ibinook ni Lucas bago pa man siya umalis ng Russia. Naging mabilis lang ang pagdating niya doon. Hindi niya nga ito namalayan dahil pagsakay pa lamang sa taxi ay nakatingin na siya sa labas ng bintana. Minamasdan ang lahat ng dinaanan at daraanan pa lang. "Thirteen years" bulong niya sa sarili. Sobrang daming nagbago. Ang dating malawak na mga parke ay puno na ng tindahan o kaya naman ay mga kabahayan. Kung dati rin ay maraming naglalaro, naglalakad at nagbibisekleta sa malawak na daan ang mga tao, ngayon ay nakapila na ito sa paradahan. Ang amoy bulaklak na hangin ay puno na ng polusyon. Sa kabila ng lahat ng pagbabago, masaya pa rin si Xandra dahil alam niyang ito pa rin ang Pilipinas. Hindi rin niya nakaligtaan ang Jollibee, sobra siyang nasabik dito dahil walang ganito sa Russia. Naalala niya noong bata sila ay madalas silang kumain doon buong pamilya. Minsan pa ay binalikan niya ang mga masasayang ala-ala. "Miss nandito na tayo" sabi ng driver. Natauhan si Xandra, masyado na palang mahaba ang oras na ginugol niya sa pag-gunita sa nakaraan. "Magkano po?" "600" tipid na sagot ng driver. Manipis lang ang buhok nito at mukhang malapit na rin mapanot. Payat ito at malaki ang itim sa ilalim ng mga mata. Halatang puyat at mukhang pagod din. "Keep the change po" nag-abot si Xandra ng 1,000 pesos at saka inasikaso na ang mga gamit. Nagulat ang driver pero binawi niya ito sa pamamagitan ng pag-ngiti. Nagmamadali siyang lumabas ng taxi at tinulungan si Xandra na magbaba ng mga bagahe. "Salamat po" "Salamat din, Hija. Mag-iingat ka ha? Delikado ngayon sa paligid" may halong pag-aalala ang boses nito. Bumalik siya sa loob ng taxi at pinaandar na ito palayo hanggang sa hindi na matanaw ni Xandra. Delikado? Napaisip ang naiwang dalaga. Hindi siya takot dahil kaya niyang ipagtanggol ang sarili. Sa totoo nga ay isa siyang banta. Siya ang tunay na delikadong tao. ALAS DOSE na ng tanghali nang matapos mag-ayos si Xandra ng mga gamit. Isang maliit na Condo unit lang ito tulad ng ni-request niya kay Lucas. Gusto sana niyang pumunta kaagad sa hospital pero pinili niyang ihiga muna ang katawan sa malambot na higaan. Mahigit isang oras siyang nagpahinga at saka nagbihis para puntahan si Alex. Itinali niya ang mahaba at itim niyang buhok pagkatapos ay nag-suot siya ng isang plain black t-shirt. Naninibago pa ang katawan niya sa klima pero hindi siya napigilan nito na umalis. Hindi na siya makapaghintay na makita ang kakambal. Nasa isang sikat na Medical Clinic sa lungsod si Alex tulad ng sinabi ni Jazmine. 30 minutes ang biyahe mula sa bahay na tinutuluyan ni Xandra kung sasakay siya ng taxi. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya habang nasa biyahe. Hindi niya sinabi kay Jazmine na uuwi siya. Hindi rin alam ng kaniyang Ina. Tanging si Lucas, ang ama niyang si Arturo at siya lang ang nakakaalam. Ayaw niyang gawing big deal ang pabalik niya, isa pa para sa kaniya ay mas kaunti ang involve ay mas mabuti. Hindi na niya matandaan ang daan pabalik sa dati nilang tahanan at kahit naman pumunta siya doon ay alam niyang hindi siya welcome. Sa third floor, room 205 naka-confine si Alex. Nagtanong si Xandra kunyari sa nurse para masilip ang listahan ng bisita kung sino pa ang mga posibleng nasa loob. "Nandiyan mother niya, Miss. Diretso ka lang tas kanan ka pagdating mo sa dulo" nakangiting sabi ng nurse. "Nakakaawa nga tung nangyari sa binatang iyon tapos wala pang dumadalaw kung hindi yung nanay at ka-edad niya lang na babae. Pinsan yata" mabilis na nagbago ang toni nito. Nawala din ang mga ngiti sa labi niya at kapansin pansin din ang isang mahabang buntong hininga na pinakawalan niya. "Punta ka na, siguradong matutuwa yung mama niya" huling sabi nito dahil may ilang tao ang dumating sa nurse station. Naglakad si Xandra sa direksyong tinuro ng nurse. Mabagal ang naging takbo ng oras sa mga sandaling iyon hanggang sa marating niya ang kinalalagyan ng kapatid. "Okay, Okay. I'm coming" mabilis na napatalikod si Xandra at kunwaring naglakad palayo nang bumukas ang pinto. Isang babaeng may katamtamang tangkad ang lumabas. Nakatali ang buhok nito at may suot na salamin sa mata. Labing tatlong taon na ang lumipas... Tumanda na ang hitsura nito... pero batid ni Xandra na ito ang kaniyang ina kahit pa nakatalikod na ito at naglalakad palayo. Wala ng tao sa loob ng Room 205 puwera kay Alex na walang malay. Maaliwalas ang paligid dahil sa mga halaman... Maliwanag dahil nakatali ng isang berdeng laso ang kurtina ng silid kung kaya't ang sikat ng araw ay buhay na buhay sa loob. Sigurado si na ang ina niya ang gumawa nito dahil alam niyang takot si Alex sa madilim. Si Xandra naman ay patakbong lumapit sa kapatid. Naka-brace ang kaliwang kamay nito at ganoon din ang kanang paa, may bandages ito sa ulo at ilan pang bahagi ng katawan kasama ang mga pasa. Agad na galit ang dumaloy sa kalooban ni Xandra. Habang tinitingnan ang kawalang-hiyaang ginawa nila sa kakambal ay nanginig ang kalamnan niya sa galit. Hinawakan niya ang kamay ni Alex nang mapansing putol ang isang daliri nito. Tuluyan nang nanghina si Xandra at napaluhod sa harap ng kapatid. Gusto niyang mag mura pero walang lumalabas na salita mula sa mga labi niya... Parang may kung anong nakaharang sa lalamunan niya. Muli niyang ibinalik ang tingin sa mukha ng kapatid nang mapagtanto na bukod sa black eye ay may tahi rin ito sa ilalim ng mata. Galit. Labis na galit at poot ang dala ni Xandra sa paglabas ng hospital. Hindi niya maisip kung bakit sinapit iyon ng kapatid. Ang kapatid niyang hindi makapatay ng lamok. Ang kapatid niyang laging nakangiti at puro kabutihan ang laman ng puso. Naninikip ang dibdib niya sa sama ng loob kung kaya't sandali siyang huminto sa paglalakad. Sumakit ang ulo niya sa mga larawang pilit na pumapasok sa isipan niya... Ang paghampas kay Alex ng paulit-ulit gamit ang mga matitigas na bagay... Ang pagsuntok sa mukha ng kakambal hanggang sa pumutok ang ugat nito sa ilalim ng mata. Ang duguang hitsura ng kapatid habang nagmamakaawa na tumigil na sila. Ang hiyaw ng kapatid dahil sa sakit ng sandaling putulin ang daliri niya... "Papatayin ko silang lahat" nanginginig ang boses ni Xandra at puno ng desperasyon na maghiganti. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad... Nagpatuloy dala ang sakit na sinapit ng kakambal. Sa kabilang banda, nakabalik na si Sandra Torres- Petrov sa hospital. Nagmamadali rin siya sa paglalakad ng bigla siyang tawagin ni Nurse Monic na siyang naka-duty sa nurse station. "Good afternoon, Ma'am. Nakausap niyo ba yung bumisita kay Alex kanina?" Tanong nito kung kaya't naguluhan siya... Hindi naman nagsabi si Jazmine na dadalaw ito ngayon. Isang iling at ngiti ang ibinigay niya sa nurse na siya namang nagtaka ngayon. "Sayang naman" "Baka nagka-salunga lang kami, nagmamadali kasi ako kanina dahil tumawag yung inspector sa kaso ni Alex" halatang pagod na ang boses nito. Parang ilang taon din ang tinanda ito dahil sa biglaang pagtubo ng mga puting buhok. "Nahuli na daw po ba?" Isang iling at ngiti ulit ang ibinigay ni Sandra. Napabuntong hininga sila parehas at nagkatinginan at napangiti sa isa't isa. "Magiging maayos din lahat. May awa ang Diyos" "Salamat" pinawi ni Sandra ang namumuong luha sa mga mata niya at pinilit ang sarili na ngumiti kahit papaano. Sana nga... Sana maging maayos ang lahat... Sabi niya sa sarili at saka tuluyang naglakad papuntang kuwarto ni Alex. Mahirap man ang pinagdadaanan nila ngayon ay pinipilit niyang maging matatag kahit pa parang dinudurog ang puso niya sa tuwing makikita ang sitwasyon ng pinakamamahal na anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD