CHAPTER 3

2006 Words
Tirik na ang araw ng bumangon si Xandra mula sa pagkakatulog. Lagpas hating gabi na rin siya dinalaw ng antok dahil sa pagre-research sa insidente ni Alex. Napahawak siya sa tiyan nang sunod sunod ang naging pagkalam ng sikmura... Kahapon pa pa siya walang kinain na kahit ano, hindi na niya ito namalayan dahil sa dami ng iniisip. Kinuha niya ang cellphone at saka tumawag sa Jollibee para um-order. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon na lang ulit siya makakatikim ng pagkaing tinda dito. Kung siguro'y hindi siya pumunta sa hospital kahapon ay mae-excite siya ngayon pero hindi ganoon ang sitwasyon... Wala siyang gana. "Isang family bucket meal B" sabi niya sa kausap sa kabilang linya habang nakatingin sa laptop kung saan siya namimili sa menu. "750 po kasama delivery fee" "Okay" sunod niyang ibinigay ang address pagkatapos ay pumunta siya sa CR para maghilamos. Humarap siya sa salamin para masdan ang repleksyon... Hindi sila identical twin ni Alex pero parehas na kulay tsokolate ang mga mata nila kagaya ng kay Arturo, ang ama nilang Russian. Mahaba na hanggang baywang at itim na itim ang buhok ni Xandra, medyo brown naman ang kay Alex na nakuha rin sa genes ng ama. Matangos ang ilong ni Xandra at kung susumahin ay mayroon itong maamong mukha Sa likod ng maamong mukha nito ay may isang leong nagkukubli. Naalala ni Xandra ang training niya sa Russia. Walang tulog at walang pahinga kung sumabat sa close range combat training at gun shooting na nagsimula makalipas ang isang buwan simula ng manirahan siya doon. Maraming sugat rin ang tinamo niya sa pagsasanay gumamit ng katana, kutsilyo, at iba panh alternativong armas. Ang dapat ay masayang pagkabata niya ay ginugul niya sa pagpapalakas. Kung dati ay hindi niya maunawaan kung bakit pilit siyang pinagsanay noon ng ama sa ilalim ng Special Arm Forces ng Russia ay ngayon batid niya na kung bakit. At labis siyang nagpapasalamat para dito. Ding dong Agad na lumabas ng banyo si Xandra at binuksan ng kaunti ang pintuan. Sa maliit na puwang ay sumilip ang isang delivery guy na may kulay dilaw na pugong, wina-wagayway ang dala niyang Family bucket meal. "Alexandra Petrov po?" Tanong ng delivery guy nang buksan ni Xandra ng tuluyan ang pintuan. Tumango siya at iniabot ang bayad. "Pirma na lang po dito" sabi ng driver at iniabot ang isang chart kung saan nakalagay ang pangalan niya. Pinirmahan iyon ni Xandra at isinara ang pinto pero ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay muling nag-doorbell ang lalaki. "Sukli niyo, Miss" nagtatakang sabi ng driver. Sa paningin nita ay parang wala sa sarili ang dalagang kaharap. "Ahhh... Keep the change" walang buhay nitong sabi at isinara ang pinto. "Uso pa pala yung keep the change" masayang sabi ng driver at saka umalis na para bumalik sa trabaho. Samantala, napatulala si Xandra sa mga pagkain na nasa harapan niya. Madami ito. "Bakit ba kasi family meal ang in-order ko" bulong niya sa sarili. Isang maliit na lamesa at higaan lang ang laman ng unit niya. Patay din ang kulay ng silid dahil hindi tumatagos ang sikat ng araw sa nakasaradong bintana at kurtina. Hindi katulad ni Alex ay mas konportable si Xandra sa dilim... Para sa kaniya ay higit siyang ligtas dito. Matapos kumain ay itinabi niya ang tira dahil sa palagay niya ay puwede niya pa itong kainin hanggang bukas dahil sa dami. Bumalik na rin siya sa harap ng laptop para makahanap ng lead sa kung sino ang mga nasa likod ng pagkaka-hospital ng kapatid. Makalipas ang ilang oras ay napahawak siya sa kaniyang sintido at napahinga ng malalim... "It's been a week since Alex was assaulted but the police still didn't have a lead!" Padabog siyang tumayo at napahiga sa kama. Minasdan niya ang puting kisame na katulad ngayon ng kaso ni Alex... walang kakulay- kulay... walang kagalaw galaw... "Why?" Muli siyang nag-isip ng malalim. "Is the police here too incompetent or maybe... Maybe they are protecting someone" ((Ring ring)) Nawala siya sa focus at napabalikwas para kuhanin ang cellphone, agad niya rin itong sinagot nang makita kung sino ang tumatawag. "Lucas" "I just called to ask how are you?" Diretsong sabi nito. "I'm good" "How's Alex?" Malalim ang boses nito. Si Lucas ay isang black american na kinupkop ng ama niya sa West Virginia noong kabataan pa nito at nagsisilbi pa sa Army. Pinag-aral at sinuportahan ng madaming salapi para makapagtapos at makapagtrabaho rin sa Army. Isa ito sa mga taong inatasan ni Arturo na mag-sanay sa anak noon. "How's Papa?" Pag-iwas ni Xandra sa tanong dahil hindi niya alam kung saan sisimulan i-kuwento ang kalagayan ni Alex. "Mr. Petrov is doing well" napatango na lang si Xandra. Mabuti na lamang at hindi niya kasama ang amang bumisita kay Alex kahapon dahil siguradong hindi lang mini heart attack ang aabutin nito. "The culprit?" Tanong ni Lucas na halatang naiinip na sa katahimikang ibinabato ni Xandra. Alam niya ang pinagdaanang hirap nito. Sa loob din ng labing tatlong taon ay isa siya sa mga nag-bantay dito. Sa tuwing katahimikan ang nagiging sagot nito sa mga katanungan niya ay madalas na may nangyaring hindi maganda. "I haven't found them yet. The police seems to be hiding something" may tono ng pagkadismaya at lungkot sa boses ni Xandra... "How about you go to Alex's school?" Diretsong sabi ni Lucas. Alam niyang hindi matatalo basta-basta si Xandra kung physical na laban pero isa sa kahinaan nito ay pagiging dependent sa utos ang ama o trainor nito. Ang bawat desisyon niya ay kailangang dumaan muna kay Arturo. Para siyang puppet na hindi gagana kung walang kokontrol. "I need a new name" sabi ni Xandra na muling nabuhayan ng loob. Kung kanina ay narating niya ang dulo ng makipot na daan, ngayon ay handa na niyang gibain ang iba pang gusali para mahanap ang hustisya. Tama si Lucas... Kung ayaw mag-labas ng information ng mga police ay dapat siyang pumasok sa mismong crime scene at kung saan nagsimula ang bullying... Kailangan niyang mag-imbestiga sa school ni Alex. "What do you suggest?" "Cassandra. Cassandra Torres." Hindi niya gustong gamitin ang apelyido ng ama sa pagkakataong ito para na rin maitago ang pagkaka-kilanlan niya. Ang Torres naman ay ang kaniyang middle name mula sa Ina. Nagdalawang isip pa pag-gamit ng maiden surname ng Ina pero itinuloy niya pa rin. Hindi naman niya ito ginagawa para sa sarili at hindi niya din naman ito ginusto, paalala niya sa sarili. "I will process your paper. You can have it by tomorrow" sabi ni Lucas. Alam ni Xandra na mahihirapan itong asikasuhin ang pag-gagawa ng bagong identity papers kasabay ng pagbabantay sa ama at pagtratrabaho sa army pero wala ng ibang makakatulong sa kaniya ngayon kung hindi sa Lucas. Ayaw man niyang abusuhin ang kabutihan nito pero ito lang ang paraan para ipaghiganti ang kapatid. "Lucas, thank you" Nahihiyang sabi ni Xandra at napakamot din siya sa ulo... Ipinangako niya sa sarili na babayaran ng malaki si Lucas pagbalik niya sa Russia. "A Petrov is always welcome" Hindi man ngumiti ay lumambot naman ang puso ni Lucas. Labis niyang tinitingala si Arturo na siyang nagbigay sa kaniya ng panibagong pagkakataon na mabuhay. Katulad nito ay may katigasan din si Xandra... Matapang din ito at Matatag... Higit sa lahat ay may mabuting puso. Ang mga katangiang nanalaytay sa Petrov. Matagal na niyang inalay ang serbisyo sa Petrov kung kaya't para sa kaniya ay ginagampanan niya lang ang obligasyon niya pero kahit pa ganoon ay natuwa siya sa sinabi ni Xandra. KINA-UMAGAHAN ay maagang umalis si Xandra para magpunta sa mall. Hindi siya puwedeng pumasok sa school nila Alex na parang isang gangster tulad ng porma niya ngayon na black jeans, black sando, black leather jacket at black converse dahil siguradong paghihinalaan siya agad sa oras na magkagulo sa campus. Kailangan niya ng disguise. Namili si Xandra ng iba't ibang uri ng dress, hairpins, isang pink na lipstick at dalawang bagong doll shoes. Hindi man siya sanay sa mga ganitong gamit pero pinilit niya ang sarili... Hindi niya ito gagawin para sa sarili kung hindi para sa kapatid, pagpapa-alala niya sa sarili. Namili rin siya ng mga school supplies para maging maayos at tama ang disguise niya. Dumaan rin siya sa tindahan ng mga kutsilyo at balisong para mamili ng isang maliit na kutsilyo pero dahil sa perang kaya niyang ibayad ay may binigay na offer ang owner. Nagbayad si Xandra ng limang libong piso para sa set ng mga patalim na nakatago sa dulo ng ballpen. Kinagabihan ay narecieve ni Xandra ang e-mail mula kay Lucas... Siya na si Cassandra Torres ngayon, isang journalism student galing Canada. Maaga siyang nagising kinabukasan. Isang kulay asul na empire dress na hanggang tuhod ang suot niya, nakaterno ito sa isang navy blue na doll shoes at maliit na puting hairpin sa nakatirintas niyang buhok. Naalala niya pa kung paano itirintas ng Lola niya ang buhok noong bata pa siya... Ngayon na lang ulit niya ito nasubukan dahil laging naka-bun ang buhok nila sa Army. Sinuot njya ang isang sling bag at muling tiningnan ang sarili mula ulo hanggang paa... "May kulang" sabi niya at kinuha sa maleta ang isang bilog na salamin sa mata... Maaaring makilala siya dahil parehas na parehas sila ni Alex ng mata kaya ninais niya rin na itago ito. Here I come. Sabi niya at binuksan ang pintuan saka naglakad papunta kung saan nagsimula ang lahat... Sa St. Luke Academy. "Hi, I am Cassandra Torres from Canada. I'm an exchange student for journalism" nakatayo si Xandra ngayon sa harap ng higit limampung studyante ng journalism class A. Ang mga mata ng kaklase niya ay nagsasabi ng maraming tikom na salita... May ibang nangungutya, may ibang humahanga at may ibang nangangamba. "Sit there" turo ng isang babaeng guro na nasa 35 anyos na. Malalim ang mga mata nito at halatang hindi natutuwa sa pagdating ni Xandra. Tumango si Xandra at saka umupo sa nag-iisang upuan sa likod... Wala siyang katabi. Madami namang bakanteng upuan pero dahil mukhang wala sa mood ang guro ay pina-upo niya ito sa isang isolated seat... Hindi na iyon ginawang big deal ni Xandra dahil ganito rin naman ang sitwasyon niya noon sa Russia. Karamihan ng mga mag-aaral doon ay takot na lumapit sa kaniya kung kaya't wala siyang naging kaibigan. "Diba dun dati naka-upo si Alex" May kumirot sa puso ni Xandra sa narinig. Pinigilan niya din magalit nang makita niya ang inuupan niya.... Puro ito vandalism... May mga death threat din na halatang pinatungan lang ng manipis na puting pintura... Parang isang krimeng binayaran sa ilalim ng lamesa. "Excuse me?" Nagtaas si Xandra ng kamay para makuha ang atensyon ng guro. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit papaano. Matalim ang mga tingin sa kaniya ng guro at tinaasan pa siya ng kilay nito bago sinagot. "Yes?" "Why am I seated here? I see lot of vacant seats" gustong sumigaw ni Xandra. Kung totoong dito naka-upo si Alex dati, bakit? Tanong ni Xandra sa sarili. Andaming bakanteng upuan kaya bakit ang kakambal niya ang nakaupo sa isang isolated seat? "Kakapasok mo pa lang ang dami mo ng tanong" pagalit na bulong ng teacher at nagtawanan naman ang ibang studyante. Sa sinabi nito ay lalong kumulo ang dugo ni Xandra pero hindi siya pwedeng magalit. Ganito ba ang ginagawa nila kay Alex? "What?" Nagkunwari siyang hindi naintindihang ang sinabi ng guro at pilit pa ring ngumiti. "Nothing. Just seat there for awhile" sabi nito at bumalik na ang atensyon sa white board para magsimula sa klase. Naupo na si Xandra at tiningnan ang guro sa harapan. Hindi na siya umimik, ayaw niyang umagaw ng atensyon, imbes na magwala ay hinimas niya ang lamesang nasa harapan niya... Hindi lang police ang may tinatago... "Tama lang na pumasok ako dito" bulong niya sa sarili at muling tiningnan ang guro. Napangiti siya habang hawak ang ballpen na may patalim na binili niya kahapon. Sa pagkakataong ito... Hindi naman kayo ang tatawa. Madiin niyang sabi sa sarili habang nakangiti sa mga kaklase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD