Natapos ang klase at nag-ring na ang bell, break time na. Hindi pa man nakakatayo si Xandra ay may mga lumapit na sa kaniya, dalawang babae na nakangiti at kumakaway pa.
"Hi, I'm Lichelle" mahaba ang buhok nito na at nakasuot ng isang makintab na tiara. Makapal din ang make-up at sobrang pula ng labi.
"I'm Roma" siya ang kasama ni Lichelle. Matangkad ito at may buhok na hanggang balikat, kapansin pansin ang bangs nito at makukulay na hair clips. Makapal din ang make-up nito pero hindi naman ganoon kapula ang mga labi.
"Hi!" Nakangiting bati ni Xandra sa kanila. Nagtinginan ang dalawa at saka kumindat si Lichelle, na akala niya ay hindi napansin ni Xandra.
"You wanna come join us?"
"Where?"
"We are tour you" may kumpyinsang sabi ni Roma, pinigil ni Xandra ang paglabas ng isang ngisi mula sa mga labi niya.
"Gaga! Anong we are tour you! We will tours you!" Pagsabunot ni Lichelle sa buhok ni Roma. Tumayo si Xandra at sumama sa kanila. Habang naglalakad ay kung ano-ano ang tinuturo ng dalawa.
"There is the Engineering Building, there are lot of hunks there!"
"There is the nursing building, they are always busy so no one really date them"
"There is the gym, you can exercise there after class if you want"
Paulit-ulit lang ang nagiging pagtango ni Xandra sa sinasabi ng mga kasama. Hindi niya maitago ang iritasyon sa mga bagay na ipinapakita sa kaniya ng dalawa. Useless. Naiisip niya.
"How long will you stay here pala?" Tanong ni Lichelle at nilingon siya dahil naglalakad siya sa likod ng mga ito.
"Probably three months"
"It's long... You need to be careful here" sabi ni Roma pero agad siyang kinurot ni Lichelle.
"Gaga ka talaga! Balak mo bang sabihin sa kaniya? Gusto mo bang sumunod kay Alex?!" Bulong nito na may kasamang pangamba at takot na baka may ibang nakarinig sa kanila. Naging balisa si Lichelle pero pinilit niya rin itong itago at saka ngumiti kay Xandra.
Sumunod kay Alex...
Sumunod kay Alex...
How can they say the name of my brother so casually? Like nothing happened?
"Alex? Isn't he the owner of my seat?" Ngumiti rin si Xandra at kunyaring naalala lang yung nangyari kanina. Agad siyang nilapitan ni Lichelle at pinatahimik.
"Don't say it out loud" sabi ni Lichelle habang patingin tingin sa paligid. Ngayon ay napalingon din si Xandra. Maraming studyante ngayon sa labas... May mga kumakain, may mga nagre-review, may mga nagpapahinga... May isang pagakakapareho sa kanilang lahat...
Ang bawat isa ay pabulong na nag-uusap. Nakayuko sila at animo'y may ginagawang illegal.
"They knew it" Xandra scoffed.
"Balik na tayo sa room" aya ni Roma.
"Let's go back"
"Wait. Can you show me the library first?" Naalala ni Xandra na mahilig magbasa si Alex. Madalas din nitong sabihin na lagi siyang nasa library, lagi nitong kinu-kwento ang mga librong binabasa niya noon kay Xandra gamit ang cellphone noong nasa Russia pa si ito. Ngayon napagtanto ni Xandra na kahit kailan hindi ito nagkwento tungkol sa klase nito. Hindi ito nagkwe-kwento tungkol sa mga kaibigan nito. Hindi ito nagkwe-kwento ng kahit ano tungkol sa school. Akala niya noon ay wala lang interesadong nangyayari sa buhay sa school ng kapatid kaya wala itong sinasabi... Mali pala. Lahat ng ito ay mali.
Bakit hindi niya sinabi noon? Tanong ni Xandra sa sarili.
"We will leave you here, we need to go somewhere eh! You will find your way back, right?" Tanong ni Lichelle at saka ito ngumiti. Ngumiti rin si Xandra at tumango.
"Yes, thank you" sabi niya at pumasok na sa Library... Alex likes history and ancient stories pag-alala ni Xandra kaya't agad siyang dumiretso sa ganoong section.
"There must be clues" bulong niya.
Nanguha siya ng mga libro at mabilis na tiningnan ang mga borrower's card nito sa likod... Karamihan ay may mga pangalan ng kakambal niya. Kinuha niya ang mga ito at tiningnan isa isa ang bawat pahina.
"Why is he studying ancient curses?" Sabi niya habang patuloy na sinisiyasat ang mga aklat sa harapan niya. Wala siyang ideya sa mga binabasa ni Alex. Hindi siya naniniwala sa mga sumpa at kung ano pa man...
"Balita ko hindi pa rin gumigising si Alex" narinig ni Xandra mula sa likuran pero pinigilan niyang lumingon dahil malamanv ay mapapansin ng mga ito.
"Kawawa naman" sabi ng kasama nito. Napakapit si Xandra ng mahigpit sa mga librong hawak niya...
Naiinis siya sa nangyayari...
Maraming nakaka-alam...
Maraming may alam sa nangyari kaya bakit wala ni-isa ang tumayong witness.
"He suffered a lot... Balita ko pa naman single mother yung mama niya"
"Nakokonsensya ako" mahina ang pag-uusap nila at halos hindi na ito marinig, hindi kinaya ni Xandra at napalingo siya. Gusto niyang tandaan ang mukha ng mga taong ginagawang libangan ang sinapit ng kapatid niya.
/Blag/
Hindi nakaiwas ang grupo ng mga studyanteng nag-uusap mula sa likod niya ng sunod-sunod na libro ang lumipad papunta sa direksyon nila. Nakatayo at masamang nakatingin ang librarian. Matandang babae na ito na siguro'y nasa 70 na, may katabaan ito pero halatang malakas pa ang pangangatawan. Malinis ang pagkakaipit ng buhok nito at kapansin pansin ang matalim na mga mata.
"Ang library ay lugar para magbasa at mag-aral! Hindi lugar para pagtsismisan!" Patuloy pa ang pagbato niya sa mga libro sa mga studyanteng nagkakandarapa na ngayon para sinupin ang kanilang mga gamit.
"Sorry po!" Patakbo silang lumabas at naiwan ang matandang librarian na napabuntong hininga. Yumuko ito para pulutin ang mga librong kanina ay parang armas niya kung ihagis.
Tumayo si Xandra at saka siya na ang nagpulot ng mga libro. Dahan dahan niya ring in-arrange ang mga ito. Namangha naman ang matanda sa nakita... Naalala niya ang isang tao sa kinikilos ng dalaga.
"Salamant, hija"
"Don't mention it" ngumiti si Xandra at tunay nang lumabas mula sa isipan ng matanda ang hitsura ni Alex sa tuwing ngumingiti ito.
"Ang ganda ng mga ngiti mo, sana wag itong mawala tulad ng sa kakilala ko" tinapik ng matanda ang balikat ni Xandra at saka bumalik sa kaniyang puwesto. Marahan niya pang pinunasan ang mga namumuong luha mula sa mga mata niya. Naiwang nakatayo si Xandra.
Wala sa mga libro ang sagot? Tanong niya sa sarili.
May alam din ang librarian, halatang iniingatan nito ang mga ala-ala nila ni Alex. Kinuha ni Xandra ang mga libro at lumapit sa Librarian na ngayon ay tahimik na nakatingin sa labas kung saan dahan-dahang nahuhulog ang mga dahon mula sa mga mahogany.
"Do you know the guy who red all these books?" Pinakita niya ang mga card sa likod ng mga libro kung saan nakasulat ang pangalan ni Alex. May mapait na ngiti ang lumabas mula sa matanda.
"Yes"
"He is a sweet guy, but don't involve yourself with him" sabi ng matanda saka marahang isinara ang mga libro na para bang katulad ng iba.... Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang manahimik.
Gusto pang magtanong ni Xandra pero siguradong walang magagawang mabuti ang pagpilit... Sa ngayon. Tiningnan niya ang pangalang nakapaskil sa lamesa nito.
Mrs. Theodora Marquez
Head Librarian
"Mrs. Marquez, thank you for keeping the library a place to study" kinuha ni Xandra ang mga libro at may ingat na ibinalik ang bawat isa sa mga dating lugar nito.
It's not a waste.
Alex was studying ancient curses and the Librarian knows something. I need to get close to her. Sabi ni Xandra sa sarili.
Lumabas si Xandra ng library at napansin ang isang bagay na hindi niya napansin kanina. May CCTV sa bawat sulok ng school, puwera lang sa mga hagdan. Napangiti siya. Oras na para bumalik sa klase pero sandali siyang naglibot pa hanggang sa makita niya ang professor niya kaninang umaga na pumasok sa isang room. Ang Faculty. Susundan sana ni Xandra pero kaagad din itong lumabas dala ang isang bag. Patago itong nagpunta sa isang maliit na eskinita sa pagitan ng Faculty at ng Gym, nilabas nito ang isang stick ng sigarilyo at saka humithit. Nagtago si Xandra sa pader at sinandal ang likuran. Nilabas niya ang cellphone at saka kinuhanan ng litrato ang guro.
"Peste! Kailan ba matatapos ang sumpa sa nangyari sa batang iyon!" Sigaw niya. Walang ibang tao sa paligid dahil nasa klase na ang mga studyante at guro. Nilabas nito ang cellphone at may tinawagan.
"Pinatawag ako sa police station, anong gusto mong sabihin ko?.... Ah okay. Tahimik pa rin sila. Okay"
Napakapit ng mahigpit si Xandra sa tela ng dress niya... Sumisikip ang dibdib niya. Muli niyang tiningnan ang gurong sunod sunod pa ang naging paghithit. Nagdidilim na ang paningin ni Xandra at gusto niya nang putulin ang dila ng guro sa harap niya, pero pinigil niya.
"Your statement will define your fate" sabi niya at saka naglakad palayo.
"This place is more corrupted than I thought" sandali siyang pumasok sa faculty, sa pintuan pa lang ay binato niya ang CCTV ng isang manipis na patalim na animo'y isang karayom lang. Sapat ang pwersang ibinuhos niya sa pagbato para masira ito. Dumiretso siya sa desk ng professor at saka kinuhanan ng litrato ang desk nito. Lumabas si Xandra na parang walang nangyari pagkatapos iyon.
GABI na ng muling lumabas si Xandra sa Condominium unit niya. Bumili siya ng mga bulaklak para ilagay sa silid ni Alex, napansin niya noong nakaraan na walang bulaklak ang makikita roon. Naglakad siya sa hospital na naka-casual lamang. Isang White T-shirt at Denim pants ang suot niya. Nakalugay na rin ang buhok niya na kanina ay nakatirintas.
Didiretso na sana siya sa silid ni Alex nang lumabas mula roon ang Ina. Mas mukha itong pagod kaysa noong nakaraan. Hindi magawang alisin ni Xandra ang mga tingin nito sa ina... Napaatras siya nang lumingon ang ina at sandaling nagtagpo ang mga mata nila.
"Sandali" tawag ng kaniyang Ina pero mabilis na naglakad si Xandra. Malakas ang kabog ng puso niya sa bawat paghakbang niya---
"Sorry!" Sabi ng babaeng nabunggo niya. Nakatinginan sila at marahang napangiti ang babaeng kaharap niya ngayon.
"Xandra" sabi nito at niyakap siya ng mahigpit.
"Jazmine" bahagya niyang tinulak si Jazmine at tumingin sa likuran, hindi na sumunod ang kaniyang ina. Napahinga naman siya ng maluwag pero naalala niya ang kaharap niya ngayon...
Pinunasan ni Jazmine ang mga luhang namumuo sa mga mata niya.
"Dumating ka" masayang sabi nito.