Nagpatuloy ang palabas ng naging unang buhay ni Kiara na kagagawan ni itim na anghel na ngayon ay si puting anghel na. Kagat-kagat ni Kiara ang kanyang hintuturo habang pinapanood pa rin. Ngayon ay kilala na niya kung sino ang mga mukhang nakikita niya sa lola niya at daddy niya. Sila pala ang unang naging daddy niya at lola niya sa unang naging buhay niya. At 'yung nakita niyang mukha ni Kevin ay mukha pala noon ng Kevin na mahal niya. Noong bata pa lang ito at kasing edad niya. It was all clear now for her. She remembered everything now. She closed her eyes tightly and suddenly her face was wet with tears. Sa isipan na lang niya pinagpatuloy na pinanood ang mga alala-alang iyon. "K-kiara?" Muli lamang siyang nagmulat ng mata nang isang tinig ang kanyang narinig. Isang pamilyar na

