CHAPTER 14

2283 Words
Bass POV Matagal na akong nag-iisip na kung anong mangyayari sa'kin kapag nagkita kami ng artistang gumanap sa role ko? Yes we're lookalike. His face looks mine. That was orginary by him. Hindi niya alam na may nabubuhay na kamukha niya. Kapag lumalabas ako minsan may mga nagpapapicture sa'kin. Pansin ko din na hindi din naman lahat kilala ako, I wondered na hindi siguro siya ganun kalabas. Minsan tinatawag nila akong Walter, kasi yun kung pangalan ng kamukha ko. Hoy, nagiimprove na ko. Gumagaling na ang pag-iisip ko sa english ano? Wala talagang makakatalo sa'kin. "Bass, anong ginagawa mo dito?" Nilingon ko ang taong nagsalita sa likuran ko. Nakalimutan kong nasa parke pala ako ng lugar namin. Naglalaro ako sa duyan at dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin ang mga nasa paligid ko. "Oh, nandito ka pala Steph." Nginitian ko si Steph. Umiwas lang siya at tumungo sa kabilang duyan, mahina niyang sinimulan na duyanin ang sarili niya. Sinundan ko naman ang ginagawa niya para masabayan ko siya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Akala ko hindi niya ako papansin pero nilingon niya ako. "Binalik mo lang ang tanong ko e." Napailing siya, "ikaw muna ang sumagot, ano ngang ginagawa mo dito?" Dugtong niya pa. "Wala naman, nabobored lang ako sa bahay." Sagot ko. "Same." Sabi niya, naisipan kong iopen ang usapan namin sa kanina ko pang iniisip. Since parehas kami ng sitwasyon, ang pinagkaiba lang ay main lead ako, samantalang siya ay extra na. Yeah, sa tagal na naming magkakasama ay nasabi na namin lahat ang mga tungkol samin. I was seperated by the other characters na kasama ko. Pero hindi ako katulad ni Red, na sa simula palang ay may hinahanap na. Mag-isa na talaga ako simula pa nung una. Galing akong action movie na magisang itinataguyod ang sarili, wala akong partner. Ang sakit nga e. Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang harsh ng director at writer ng movie na yun sakin. Iniling ko ang ulo ko para tanungin na si Steph. "Stephy, may tanong ako." "Ano nanamang kalokohan ang sasabihin mo?" Masungit nitong tanong. "Wala akong kalokohang sasabihin, itatanong lang." Iniripan niya ako, huminto siya sa pagduduyan at ganun din ako, hinilig niya ulo niya sa bakal na hawakan ng duyan at sinenyasan akong simulan na ang tanong ko. "Diba, pareho tayong character ng movie? May mga gumanap satin." Tumango-tango siya habang nagsasalita ako. "So may mga taong nasa likod ng kaganapan sa movie natin diba?" Dugtong ko, tumango siya ulit. Matagal na namin napagusapang ang tungkol sa binabanggit ko pero binabalik ko para maopen ang talagang itatanong ko. "Tapos may mga taong kamukha natin na nabubuhay ngayon, tapos hindi nila alam na may nabubuhay na taong kamukha nila ganun?" Sasabihin ko sana yan, kaso siya na ang nagdugtong. Tumango ako sa kaniya. "So nasan ang tanong dun?" Dugtong na tanong niya. "Teka lang naman kasi, nangunguna ka e. Di pa nga ako tapos." Reklamo ko. "Ok ok." Ngumiwi siya at tumango. Baka mamaya matanggal na ulo niya kaka-tango, haha. Biro lang, hindi ko naman ipinagdarasal no. "Bakit ka tumatawa diyan?" Napalingon ako bigla sa kaniya, hindi ko napansin na napatawa pala ako ng kaunti sa mga pinagiisip ko. "Wala, boss." "Ano nga kasi yung tanong mo?" "Eto na nga e." Ani ko, "Anong mangyayari kapag nakita natin sila? Anong mangyayari sa kanila kapag may nangyari sa'tin? Anong mangyayari din sa kanila kapag may nangyari sa'tin?" Sunod-sunod na tanong ko. Napakunot ang mga kilay niya, nawala ang mga tingin niya sa'kin at iniyuko ang ulo niya. Inangat niya ito ulit at tumingin sa'kin. "I never though about that." She said. Nagkibit balikat ako at ngumiti, I feel genius right now yeah. Genius naman talaga ako. Matagal ko na talagang iniisip ang mga tanong nayan at matagal ko ng gustong sabihin kay Steph 'yon kaso nauudlot dahil may mga problema kaming mga nakakaharap. "We can't change the fact that we're alive but what about them? Anong nangyari sa kanila ng bigla tayong nabuhay?" Napalingon ako bigla sa sinabi ni Steph. Everything became serious. Natahimik kaming pareho habang tinititigan ang isa't-isa. Pareho kaming may iniisip, pareho kaming nag-iisip. Iniisip ang sagot sa mga tanong namin. Mga tanong hindi namin alam kung masasagot ba namin? "You're lifelines are connected." Napalingon kami ni Steph sa kinaroroonan ng boses na narinig namin. May isang lalaking nakatayo sa aming harapan. Tiningnan ko siya simula sa paa, he's familiar. Lalo ko siyang nakilala ng makarating tingin ko sa kaniyang mata. Viticous..... "What do you mean?" Nilingon ko si Steph na masamang nakatitig sa kaniya, binalik ko ang tingin kay Viticous na nakatingon sa aming dalawa. Nitanggal niya ang hood ng sa ulo niya paraan para makita namin ang mukha kabuuan ng mukha niya. Mahaba ang buhok niya, ang kalahati ng mukha niyang sunog ay lalo pa naming nakita, nagulat ako dahil ngayon niya lang ito ginawa. "What will happen to you both, if I decided to kill them?" Ngumisi niya, napakunot ang nuo ko. Habang hinihintay namin ang sagot niya, tumunog ang phone sa bulsa ko. "Hello...." "Bass kailangan namin ng tulong!" Nilingon ko si Steph at nakatingin din siya sakin. Nagsalubong ang kilay niya na parang curious siya kung sino ang kausap ko at ano ang sinasabi sakin nito. Inilayo ko ng kaunti ang phone at binulungan si Steph na si Red ang kausap ko. Naalala ko bigla si Viticous na nandito nga pala kanina. Nilingon ko ang kinalalagyan niya kanina ngunit nadatnan ko na wala na siya. Pinabayaan ko nalang siyang nawala at ibinalik nalang ang atensiyon ko sa'king phone. Na tumatawag si Red. "Bakit anong nangyayari?" Tanong ko sa kabilanh linya. "Something came up. We have problem." Nakatingin ako kay Steph habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Red. "May problema daw tayo." Sabi ko kay Steph. Tumango siya at sinenyasan akong hintayin pa ang ibang sasabihin ni Red. "Anong problema?" "It's hard to explain, we need to gather first." Sabi niya. "Nasaan ba kayo?" Tanong ko. "Palabas ng mall." Sagot niya. "Oh, malapit lang pala yan dito sa parke, dito na kayo dumeretso." "Ok." Pagkatapos ay binabaan niya na ang phone.Nilingon ko si Steph na nagtataka at hinihintay na magsalita ako. "Papunta na siya dito, dito nalang siguro niya ipapaliwanag kung anong nangyari."Tumango siya sa'kin. Tumayo kaming pareho sa duyan para hintayin silang dumating. Nahinto ako sa palinga-linga ng maaaninag ko na ang imahe ni Red na tumatakbo papunta samin. May kasama pa siyang dalawa. Si Arra at si Sean. Huminto sila sa harap namin at parang hingal na hingal pa. Nakita ko ang adams apple ni Red na umangat na ang ibigsabihin ay lumunok siya at magtatangkang magsalita. "Arra's friend is gone." Paunang salita nito. Nagulat kami ni Steph sa sinabi niya. "Paano siya nawala?" Tanong ni Steph "Sa tingin ko hindi lang siya basta-basta nawawala. Someone appear infront of us na kinikilala siyang kaibigan ni Candy at Andy." Paliwanag ni Red. "So si Lovely ang nawawala?" Tumango silang tatlo. "What do you mean tungkol dun sa biglang lumitaw na kinilalang kaibigan nila?" Tanong ni Steph. "Me, Red and Sean are the only persons who doesn't forget about Lovely. Hindi namin alam ang dahilan." Singit ni Arra. "Pati yung kaibigan ko, hindi siya natatandaan." Habol namang sabi ni Sean. Napakunot naman ang noo ko, hindi ko maintindihan? Kung nakalimutan nila si Lovely, bakit pati kami ni Steph ay hindi siya nakalimutan gaya nila. "Teka, kung nakalimutan si Lovely nila? Bakit kaming dalawa hindi?" Tanong ko. "Sa tingin ko, we're all aware. We're all aware about our past. Our past lives." Singit ni Sean, napalingon naman kaming lahat sa kaniya. Sumasangayon ako. "Also we're not a real people before, We have a extraordinary past. Oo tao tayo ngayon pero hindi tayo ipinanganak sa mundong ito." "Ang pinagkaiba natin sa kanila ay gawa tayo ng tao." Huling dagdag niya. "Our friendship starts since inside our novel." Nilingon ni Arra si Red. "Lahat kami ay naging tao pero ang tatlo kong kaibigan ay hindi alam ang pinagmulan nila." She added. "So that means, kapag hindi ka aware sa sarili mong pinagmulan. Madadala ka lang sa mga kakaibang nangyayari sa paligid mo" dagdag niya pa ulit. "Ang ibig-sabihin, kaya natin sila hindi nakalimutan dahil aware tayo kung sino tayo at hindi tayo kabilang sa mundong ito?" Sabi ko. Tumango silang lahat sa'kin. "Pero yung tungkol dun sa sinasabi niyo. Sino yun? She replaced Lovely's life ganun?" Tanong ni Steph. Kung ni replace niya ang buhay ni Lovely, nasan si Lovely ngayon? Arra's POV "Maybe you're right. Lovely's life is replace by that person who named Sheena." Wika ni Red. "Kung nakipagpalit siya ng buhay kay Lovely? Nasaan siya ngayon?" Tanong ni Sean. He's right, nasaan naman ngayon si Lovely? "Yan din ang iniisip ko Sean." Ika ni Bass. "This can't be, person to person." Singit ni Steph. Tama siya, hindi pwedeng makipagpalit ng buhay ang isang tao sa isang tao pa. May kinalaman ito sa mga hindi maipapaliwanag na bagay sa mundond ito, kundi may koneksyon ito sa mga mundo namin. "Tingnan niyo, may sumisikat ngayon na Comic." Nilingon namin si Sean. "Wala na tayong time para jan Sean." Saway nito kay Sean, umiling-iling ito habang hawak ang kaniyang phone, sumilip si Red dito and then his reaction looked shock. "Ano bang meron jan?" Tanong ni Bass. "Anong ikinagulat mo?" Tanong ko kay Red. Both of them looked on us. Parang nahanap nila ang sagot sa mga katanungan namin. "Tingnan niyo." Parang izinoom ni Sean ang nasa phone at ihinarap ito sa amin, nalaglag ang panga ko ng makita ko ang comic cover na nakikita namin ngayon. "T-The cover. The girl looked like Lovely." Gulat na sabi ko. Nilingon ko si Bass at Sean na nagulat din sa nakita nila. "So that means, that girl Sheena exchange her life with Lovely?" Steph questioned. "We need to find that comic book!" Sabi ko. Akmang aalis na ako kaso pinigilan nila ako, I want to save my friend. I promise myself, I promise myself to protect them. Hindi ko dapat hayaan lang na mangyari ito sa kaniya. "Wag kang magpadalos-dalos Arra. Hindi pa natin alam ang gagawin natin!" Sinigawan ako ni Steph. I got offended, hindi ko alam. Kaibigan ko ang pinaguusapan dito. Nilingon ko siya, "hindi mo alam Steph, kailangan na natin siyang maligtas! Kailangan tayo ng Kaibigan ko!" Sigaw, hindi ko na macontrol ang sarili ko. Gusto ko nang maalis si Lovely doon. "Calm down. Hindi natin siya mahahanap kung ganyan kayo." Ani Bass. "I really hate arguing and fighting so please stop?!" Bass exclaimed. I try to calm myself, minsan lang magsalita si Bass, ayoko namang magalit siya samin. "We have to create a plan first." Singit ni Sean, plan? Napakatagal pa naming magagawa yun. "Plan? Paano kung may mangyaring masama sa kaniya doon?" Reklamo ko. I can't stop thinking about the consequences na mangyayari. Hindi ko maalis sa isip ko ang kaibigan ko. "I'm sorry Arra, but please calm down? Wag mong hayaang lamunin ka ng pag-iisip mo ok?" Lumapit si Sean sa'kin. "Mahahanap natin siya ok?" Tiningnan ko siya sa mata, parang kinumbinsi niya akong kumalma. Tumango ako, atsaka na siya ngumiti at umalis palayo sakin. Tumingin si Red sa papalayong si Sean, sinundan niya ito hanggang sa makabalik ito sa tabi niya. Humarap si Red sa'kin, "Arra, look at me." Sinunod ko ang sinabi niya. He hold my shoulder and lean near me. "We'll save her no matter what I happen. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos, sabi nga ni Steph, pero kaya natin pabilisin ang pagpaplano." He convince me from what he said. Tama siya, baka kapag minadali namin at hindi na kami nagplano ng gagawin ay baka mabigo lang kami. Nginitian ko si Red, ganun din siya, "I'm sorry, I'm just worried." Sabi ko pa, nilingon ko si Steph na nakatingin samin. "I'm sorry Steph." She smiled and nodded. "We need to go after Sheena first." Sabi ni Red. "Aalamin natin kung talaga bang she's acting as Lovely without knowing or she knows everything." Tumango kaming lahat at napagdisisyunan ng puntahan si Sheena. Sa ngayon, ay maaaring nakauwi na ito sa kanila. Ako ang nagturo kung saan tumutuloy si Lovely at sigurado akong doon siya tutuloy pauwi. Steph used her ability for us to be there quicky. Nakarating kami ng mabilis sa bakuran ng bahay nila Lovely. Nagmasid muna kami sa bahay nila, sumilip kami sa mga bintana at maaring pagsilipan makita lang kung may tao ba sa loob. "Sa tingin ko wala ang magulang ni Lovely ngayon." Sabi ko. "Anong susunod na gagawin natin ngayon?" Tanong ni Bass. "Bass, tingnan mo kung anong ginagawa ni Sheena sa loob." Utos ni Red. "Pero di ko alam ang itsura niya." Katwiran niya. "Stop the time Red, except us. Wag mo kaming isama, ako ang titingin sa kaniya." Sabi ni Steph. "It that possible?" Tanong ni Red. "Ok, i'll try." Iniangat niya ang dalawang kamay niya ag pumikit siya. Dumilat siya at lumingon samin. Nilibot ko ang paligid at huminto nga ang lahat, walang kahit anong gumagalaw na bagay. Nagsihintuan ang mga taong naglalakad sa labas, except from us. "Nagawa mo." Sabi ko, sinenyasan ni Red si Steph. Steph snapped her finger and then go after her. Mabulis siyang nakabalik samin. Binalik na ni Red ang oras. "Wala nga talaga ang magulang niya. At siya, parang naglilibot lang na para bang inaalam ang bawat sulok ng bahay. Nakita ko siya sa sala nila at nakatingin sa kung saan." Paliwanag niya. "ano ng gagawin natin sunod?" "I need to act as Lovely to consult if makikilala niya ba ako." Nilingon namin lahat si Sean. Magandang Idea ang naisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD