CHAPTER 15

2295 Words
Sean's POV "I need to act as Lovely to consult if makikilala niya ba ako." Wika ko. Lahat sila napatingin sa'kin. Isa-isa ko silang tiningnan, sa mga mata nila nakikita ko ang ang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Ang galing mo pareng Sean!" Sinalubong ako ng palad ni Bass na ikinagulat ko, napailing nalang ako at napatawa ng kaunti. Sinalubong ko din ang palad niya ng palad ko. He smiled and then give me a thumbs up. "Sa tingin ko kakailanganin mo ako sa loob." Napalingon naman ako kay Arra na nagsalita. She looked at me, wala nanaman akong nagawa at kusa nanamang gumuhit ng ngiti ang labi ko. "You don't need to, Arra." Nilingon ni Arra si Red. I burst a small sighed, I smiled at myself. I did that because my heart feels heavy and I don't know why? Is it because of now? That I know that they are talking as a boyfriend and girlfriend? Inangat ko ang ulo ko ng panandalian at ibinalik ang tingin sa kanila. "Kailangan ako ni Sean, hindi sapat ang malaman niya lang na kilala ni Sheena o hindi si Lovely. Kailangan nating malaman kung nagsisinungaling ba siya o hindi. This ability of mine can help us gather more informations on how we can get Lovely back." Wika nito sa kaniya. "Tama si Arra, Red. We can't tell that Sheena will tell the truth or not. If her reaction when Lovely will appear infront of her is real." Singit ni Steph. Humugot ng malalim na buntong hininga si Red atsaka ibinaling ulit ang atensyon kay Arra. "Wag kang mag-alala, Red. Hindi ko pababayaan si Arra." Sabi ko kay Red, Nilingon ako ni Red, akala ko sasalubungin niya ako ng masamang tingin hindi pala. "Ok you promise that Sean. I'll beat you if something will happen to Arra." Pananakot niya, I nodded and smiled. "Nakakatakot ka naman po, Red." Biro ni Bass. Napailing nalang ako at ibinaling ang tingin kay Arra, she smiled first. It affects me to do a smile too. "I'll change as Lovely now." I said. Tumango silang lahat sa'kin bago ko ipinikit ang mga mata ko. I think about every inch of Lovely. Her appearance ng makita ko sila sa mall. Mayroon siyang mahaba at straight na buhok. A height that is only two inch taller than Arra. A fair skin, small eyes and a small mouth. Her pointed nose. Her face is not that to small. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko silang gulat sa nakita nila. Nakita lang nilang magpalit ako ng anyo sa harap nila. "Ang cool, para akong nanonood ng fantasy movie!" Bass claps her hand after praising of what he saw. "Ang galing, yung dati niyang mukha may pa fading-fading effect pa tapos mapapalitan ng kay Lovely!" He added. I gave him a smile. Tumingin ako kay Arra, gulat din siya pero winala niya rin agad. "Tara na?" Aya niya. Tumango ako at ngumiti. "Keep your promise. Sean." Napalingon ako kay Red na nakatingin sa'kin, tinanguan ko siya. Hinding-hindi ko pababayaan si Arra gaya ng sabi ko sa kaniya kanina. Inalis ko na ang tingin ko kay Arra, kinuha ko ang kanang kamay niya para dalhin papasok ng bahay ni Lovely. Nilingon ko siya na nagulat pa sa ginawa ko. "Don't be shock, it's not a big deal right now. Isipin mong ako si Lovely na kaibigan mo." Sabi ko, inalis ko na ang tingin ko sa kaniya at dumeretso na sa harap ng pinto. Pareho kaming nakaharap sa pinto, tiningnan ko siya bago siya lumingon sa'kin. I sighed, pinihit ko ang door knob ng pinto at dahang-dahang binuksan ito. Nauna akong pumasok bago si Arra. Huminto muna kami malapit sa pinto. "Anong gagawin nating act?" Pabulong na tanong sa'kin ni Arra. Huminga ako ng malalim para isipan ng sagot ang tanong niya. Ano nga ba ang gagawin namin kapag kaharap na namin si Sheena? Didirektahin ko bang kilala ko siya at sasabihin kong inagaw niya ang buhay ko? Papaaminin ko ba siya agad? "I know something that will work." Napalingon ako kay Arra. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kaniya. Sinenyasan niya ulit ako na iikot ang ulo ko para malapitan niya ang tainga ko. Lumapit ang labi niya sa tenga nga, and know I can hear her breaths coming from her nose. Tumataas ang balahibo ko at parang bumigat nanaman ang dibdib ko. Lumunok ako at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Iba talaga ang reaction ng katawan ko, kahit hindi ko pa to tunay ay hindi nito makakalimutan na malapit si Arra sa kaniya. Iniling ko ang ulo ko at hinintay ko siyang magsalita. Sinabi niya sa'kin ang gagawin namin at sumang-ayon ako doon. Sinenyasan niya ako na mauna at magtungo kung nasaan si Sheena. Tumungo ako sa sala kung saan siya nakita ni Steph pero wala akong nakitang bakas kahit na anino ni Sheena kaya naisip ko na dumeretso na sa kwarto ni Lovely. Nilingon ko si Arra, tinanguan niya ako na ang ibig-sabihin ay pinapatuloy niya na ako sa loob. Humarap ako sa pinto ng kwarto at humugot ng malalim na hinga bago ko buksan ang pinto. "Whooo! Finally, nakauwi narin ako." Dumeretso ako sa kama, nadaan ko si Sheena na gulat pa sa pagdating ko. Hindi ko siya pinansin na parang hindi ko siya nakikita. Tumalon ako sa kama at humiga. "Nakakapagod!" Nagkunwari akong pumikit ng sandali at maya-maya lang ay naupo ako. Nilandas ko ang tingin ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng nagugulat na reaksyon para iparating sa kaniya na nagulat ako na mayroong tao dito sa loob ng kwarto. "Sino ka?" Gaya ng sabi ni Arra, kailangan kong umarte bilang si Lovely talaga na umuwi ng bahay para magpahinga na at magkunwaring hindi siya kilala. "Ako dapat ang magtanong niyan, sino ka? At bakit nandito ka sa kwarto ko?" Napayuko ako at napatawa. "Niloloko mo ba ako?" Nakangising sabi ko. Sabi ni Arra sa'kin, si Lovely ay tahimik kung minsan pero kapag nagalit iyon ay hindi mo mahahalata, aasarin ka lang niya at ikaw mismo ang manghihingi ng tawad sa kaniya. "Kwarto mo 'to? Kailan pa? Sino ka para sabihan akong sino ako?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan siya. She looks scared. Tiningnan ko ang mga kamay niya dali-dali niya itong itanago sa likod niya. "Ano 'yang tinatago mo?" Habang lumalapit ako sa kaniya ay umaatras siya. "Umalis ka na dito!" Iniling-iling ko ang ulo ko habang binibigyan siya ng malamig na ngiti. "Bakit ako aalis?" Isang hakbang ko paharap ay katumbas ng isang hakbang niya paatras. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya, habang siya ay panay ang iwas ng tingin sa'kin. "Sa pagkakaalam ko ay ako ay nagmamay-ari ng silid na 'to. This room belongs to me only." Kakaabante ko at kakaatras niya ay nakarating na siya sa dulo ng pinto, nakasandal na siya dito. Napatingin siya sakin at agad naman itong iniwas. Tiningnan ko ang kamay niya na nakatago parin sa likod. Inilalapit ko ang ulo ko malapit sa tinataguan niya, umiiwas siya at parang piprotektahan itong nasa likod niya. Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto at napatayo na ako. I know it's Arra. Bass POV "Kailangan may gawin din tayo." Ani Steph. Napalingon ako sa kaniya na palakad-lakad at pabalik-balik. Binaling ko din ang tingin ko kay Red na ganun din ang ginagawa. Palakad-lakad din siya, nahihilo na ako kakatingin sa kanila. "Hoy! Huminto nga kayo, nahihilo na ako sa inyong dalawa." Saway ko at guess what? Hindi nila ako pinakinggan. "Steph!" Huminto at tumingin siya sa'kin pero bumalik lang din siya sa ginagawa niya. Napailing nalang ako at kay Red naman ako tumingin. "Red!" Hindi gaya ni Steph, hindi niya ako pinansin. Para silang mga bulati na sinabuyan ng asin at hindi mapakali. "May naisip ako!" Nagkunwari akong may alam na gagawin para mapahinto ko sila. At tama nga ako, pareho silang huminto at nagmadaling pumunta sa'kin. "Ano?" Tanong ni Steph, pareho ko silang tiningnan at nakita kong pareho din silang naghihintay ng sagot ko. Napakamot ako ng ulo, patay na ako nito. Ano ang isasagot ko sa kanila? "Ahhh...ganito kasi..." habang nag-iisip ako na talaga namang hindi ako nakakapag-isip nagulat akong bigla akong binatukan ni Red. "Aray ah!" Reklamo ko. Tinapunan niya ako ng masamanh tingin, ganun din si Steph. "Oo na, Oo na. Wala naman talaga akong maisip." Pag-amin ko, "ginawa ko lang naman yun kasi kayong dalawa, hinihilo niyo ako." Dagdag ko pa. "Wow, kasalanan pa namin?" Sabi ni Steph. "Oo, both of you didn't know the word 'Calm down' masyado niyong tinataranta ang ulo niyo." Sabi ko. "Alam niyo kung anong magandang gawin? Huminahon, wag kung ano-ano ang iniisip. Let's trust Sean and Arra." Dagdag ko pa. "Alam mo ikaw minsan nagiging matalino ka." Steph praised me. "Sus, maliit na bagay." Sabi ko pa, parang biglang nagglow ang isip ko ng may naisip akong dapat gawin. Magiging proud sa'kin ang dalawang ito. Sasabihin ko in-english para mas cool pakinggan. "I think something that we can do." Sabi ko. "Here we go again." Red said. Nilingon ko siya. "Seryoso ako, makinig muna kasi kayo sa'kin." Sabi ko. "Ganito." Inayos ko ang sarilo at niready ito para sa sasabihin ko. Ilalagay ko na lahat ng english skills ko. "So as we know, My ability can locate things and person right?" Paunang salita ko, tumango sila sa'kin. "I can know also.....also. Pucha magtatagalog na nga ako." Hindi ko na kinaya, pasensiya na. Minsan talaga automatic nalang akong nag-eenglish ngayon naman pag-pinipilit ko, ayaw naman. Tiningnan ko sila na parang nagpipigil pang tumawa. Bakit di nalang sila tumawa? We are here in democratic country, we are free to do what we want. "Itawa niyo nayan, nahiya pa kayo sa'kin." Napailing nalang sila, sabay pa. "So ano nga, ano ang naisip mo." Sabi ni Steph. Magsasalita na sana ako kaso biglang sumingit ni Red, "Make sure that's not nonsense." "Tsss. Ako pa?" Turo ko sasarili ko, "oo ikaw pa, kilala ka namin mag-isip Bass, minsan walang kwenta." "Oo na, minsan lang naman e. Eto na nga sasabihin ko na e." Sabi ko. "Diba nakakalocate ako? Pero sa tuwing naglolocate ako ng bagay o tao, alam ko kung anong current ang ginagawa nila." I said, tumango naman sila. "Susubukan kong mag-ala cctv para makita ko kung anong ginagawa nila sa loob. Pero upgraded cctv. Susubukan kong pakinggan din ang mga pinag-uusapan nila." Dugtong ko. Nagtinginan sila bago ibalik ang tingin sa'kin. Pareho silang ngumiti sa'kin. I told you, magiging proud sila. "Broad thinking Bass! Do it now." Madaling sabi ni Steph, sinesenyasan niya ako na gawin agad ang sinabi ko. Tiningnan ko si Red na ganun din ang ginagawa, sinesenyasan niya ko gamit ang kamay niya. "Teka lang naman, excited much?" Sabi ko. "We don't have time Bass, do it now." Utos ni Red, "eto na nga e, gagawin na." Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang mga mata ko. Tinungo ko agad ang kinalalagyan ni Sean sa isip ko na si Lovely siya ngayon. "Magkaharap si Sheena at Sean na may mukha ni Lovely" sabi ko. "Wala si Arra dito." Wala talaga si Arra sa paligid ni Sean. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Red. "Shhh...." tiningnan ko lang sandali kung nasaan si Arra. "Kalma Red, nasa labas lang siya ng pinto ng kwarto ni Lovely at nakikinig sa usapan ng dalawa." Sabi ko. Narinig kong napabuntong hininga si Red. Binalik ko na ulit ang lokasyon kay Sean. "Nagsasagutan ang dalawang impostor." Sabi ko. "Kumatok si Arra, papasok na siya sa loob. Ano kayang plano nila?" Nakikinig lang sila Red at Steph sa'kin habang nakapikit ako. "Lovely? Sino yan?" Ani Arra. "Nagkukunwari si Arra na hindi kilala si Sheena. Ay hindi niya pala talaga kilala yan, lumitaw lang siya bigla." "Umatras si Sheena habang ang mga kamay niya ay nasa likod nito, para siyang may iniingatan at tinatago sa dalawa." "Ano kaya iyon?" Rinig kong sabi ni Steph. "Sino ka, bakit ka nasa kwarto ni Lovely?" Tanong ni Arra kay Sheena. "Tinanong ni Arra si Sheena kung sino ito. Hindi siya makasagot at parang kinakabahan pang kaharap niya si Arra. Mas kinakabahan siya ngayon kumpara kanina." "Teka, biglang nawala." Napadilat ako at sinalubong ako ng gulat at nagtakhang mukha ni Red at Steph. "Anong nangyari?" Sabay nilang tanong. "Nawala." Sabi ko. "Subukan mo ulit." Utos ni Steph, tinanguan ko siya, ipinikit ko ulit ang mga mata ko at sinubukan ulit silang tingnan. Sumasakit na ang ulo ko pero wala, walang nangyayari. Idinilat ko ulit ang mga mata ko. "Ano?" Umiling ako. Bigla akong kinabahan ng hindi ko alam, parang may hindi magandang nagyayari sa loob. "Subukan mong puntahan sila Steph." Yun lang ang ibang naisip kong paraan. Tinanguan ako ni Steph. She snapped her fingers nang paulit-ulit ngunit wala lang nangyayari. Lalo pa kong kinakabahan at nagtataka sa kung anong nagaganap ngayon. Hindi gumagana ang pare-pareho naming mga kakayanan. "Subukan mo 'yung iyo----"hindi na ako pinatapos ni Red sa sinasabi ko at sinubukan niya na kaagad, at kapareho ng kay Steph ay walang nangyayari. "This can't be happen." Tumakbo papunta si Red sa pinto ng bahay ni Lovely, sinundan siya ni Steph at ganun narin ako. Nahabol ko sila at nahinto kami sa harap ng pinto. Sinubukang buksan ni Red ang pinto ngunitparang wala lang nangyayari. "Why?!" Hindi na nakapagtimpi pa si Red at sinundok ng malakas ang pinto. Hindi siya mapalagay. Paulit-ulit niya itong sinusubukang buksan ngunit wala ring nangyayari. "Anong nangyayari? Bakit biglang hindi natin nagamit na ang mga ability natin?" Sabi ko, nilingon ako ni Steph habang si Red ay hindi padin sumusuko sa pagbukas ng pinto at sa wakas ay huminto siya at hingal na hingal pang lumingon sa'kin. "Is our ability were gone?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD