Annie Point of View Nakangiti akong pumasok habang dala-dala ang isang box na naglalaman ng cupcake. Ito yung cupcake na binake kahapon ni Max, kaya ko pinadagdagan dahil balak kong bigyan si Alexander. Nang makarating ako sa classroom, nakita ko agad si Alexander. Nginitian ko ito at ngumiti rin ito pabalik sakin, naupo ako sa dulo, sa tabi ni Maxine. "Akala ko ba babaunin mo lang yan? ba't naka-lagay pa sa box?" Tanong ni Max pagkaupo ko. "Wala lang, wala akong mapagtripan eh." Pagsisinungaling ko. Hindi ito sumagot. Tumunog ang aking cellphone kaya tinignan ko iyon. "Sino yung babaeng kausap mo?" Text galing kay Alexander. Sumulyap muna ako kay Alex bago nag-reply. "Bestfriend ko. Bakit type mo?" Tumingin ako kay Alex at nginisihan nya ko. "Oo, pwede ko bang ligawan?" Kumunot

