Annie Point of View Nang matapos ang training namin, nag-aya kumain si Maxine sa isang restaurant na pag-aari nila. Sumang-ayon naman agad yung mga ka teammates namin. May sari-sarili kaming mga kotse kaya sinusundan lang namin si Maxine dahil sya ang nakakaalam kung saan yung restaurant na sinasabi nya. After fifty minutes nakarating na din kami sa isang lugar na tahimik, napakaaliwalas ng paligid at puro puno. Huminto ang kotse ni Maxine sa isang parang bahay, medyo may kalakihan at para syang gawa sa puno ng kahoy. "Let's go guys." Pumasok kami sa loob. Napa-wow nalang ako nang makita ko kung anong itsura nang loob. Grabe! Kung titignan mo sa labas para syang simple lang, pero pag sa loob, sobrang ganda at puro mamahalin ang gamit na naka-display. May mahaba rin na lamesa sa git

