C15: A Blessing Nahihilo si Fammie at nagsusuka ngayon sa banyo. Kanina pa siya sa banyo nagsusuka. Napaupo na nga siya sa sahig. Buti na lamang malinis ang banyo nila. "Anak, ayos ka lang ba?" Pag-aalala ng kanyang ina. Dinama nito ang noo at leeg ni Fammie, "Hindi ka naman nilalagnat." Kumento ito habang hinihimas ang likod niya. "Ito siguro ang sinasabi nilang jet lag. Hindi ko lang alam kung ilang araw ba ang jet lag." Natatawang sabi niya dito. Sinula nang makabalik sila ng Pilipinas ni Steven, doon din naman nagsimula ang madalas niyang pagkahilo at pagsusuka. Kasama niya ngayon ang ina dahil tinawagan niya ito para samahan siya sa bahay. Gusto niyang matutong magluto para sa asawa pero mukhang hindi siya makakapagluto ngayon dahil hindi niya kinakaya ang nangyayari sa katawan

