C14: France Honeymoon "Hey! Let's go! Tinatawag na ang flight natin." Biglang sabi ni Steven sa kanyang asawang nakatulala. Napatingin si Fammie dito. Napakunot noo ang kanyang asawa saka tinitigan siyang mabuting. Kinuha ang kanan niyang kamay. "S-sige!" "Nanlalamig ang mga kamay mo. Are you okay?" Pag-aalala nito sa kanya habang naglalakad na sila papasok ng plane. "I'm okay." Nakaupo naman sila kaagad. Muli siyang binalingan ng tingin nito. "Namumutla ka. Are you sure you're okay?" Tarantang tanong nito sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. Imbis na sumagot, yumakap siya sa kanyang asawa. "Why? You're scared? s**t. Is this your first time?" Tanong nito sa kanya habang hinahaplos ang likod niya. "Calm down. Breathe in, breathe out. You'll be safe. I'm here." Ka

