Foolish Heart [9]
"Aba Mikaela, sumusobra na yata yang mga klaklase mo." Inis na sabi sa akin ni mama.
"Ma."
"Tumawag sa akin ang principal ng dahil sa nangyari sayo kanina kaya hindi na ako papayag na mag-aral ka pa sa Stateland!"
"Pero ma, kaya ko pa naman."
"Pag-aaralin kita sa ibang school o sa ibang bansa."
"Mama naman, isang taon na lang oh. Gragraduate na ako papalipatin niyo pa ako?"
"Kaysa naman gumraduate ka na binubully ka nila lagi."
"Ayoko ma, hindi ako papayag na lumipat."
"Si Jerome nanaman ba?" Umiling-iling ako.
"Ayoko iwan ang mga kaibigan ko."
"Pakilala mo sa akin yang mga kaibigan mo para mapag-isipan ko kung hindi ka na lilipat pero sa dalawang araw na suspended ka dito ka lang sa bahay. Hindi ka pwedeng gumala." Tumango-tango ako sa sinabi ni mama at umakyat na din sa kwarto ko. Ayun suspended ako ng dalawang araw at yung mga nang-bully naman sa akin ay 1 week suspended plus community service pa sila.Mabuti na yun para sakanila para matuto naman sila kahit papaano.
Pumunta ako sa terrace at nagbabakasali ako na baka dumating na si Zen, sasabihin ko sana sakanya na suspended ako at baka hindi ako makapunta sa band practice kaso mukhang hindi pa siya umuuwi. Kaya bumalik na lang ako sa kama at nagpahinga na lang, pero biglang nagring ang cellphone ko at ang tumatawag ay si Deziree.
"Mika-mika!"
"Deziree."
"Mika-mika, balita ko suspended ka for 2 days. Gusto mo ba damayan ka namin nila Ash?"
"Ha? Wag na!"
"Hindi ko tatanggapin ang wag na mo. So, anong balak? Gala tayo."
"Hindi pwede, sabi ni mama dito lang ako sa bahay."
"edi dyan kami sa bahay niyo!"
"Mag-aabesent kayo para sa akin?"
"Syempre, dapat damayan ka namin. Tsaka nakokonsensya kaya kaming tatlo kasi hindi kami tumulong sayo nung pinagtutulungan ka na nila." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Wala naman kayo kasalanan dun, tsaka kung nadamay pa kayo edi lahat tayo suspended na.''
"Ayaw mo nun? May karamay ka." Tumawa ako sa sinabi niya.
"Deziree talaga oh."
"Bakit? Magkakaibigan tayo kaya dapat magsama tayo sa hirap at ginhawa."
"Sira ka. Pumasok kayo bukas ha!"
"Hindi kami papasok pupunta kami sa bahay niyo."
"Deziree kulit mo. Gusto kayo makilala ni mama pero wag naman sa paraan na mag-aabsent kayo para sa akin, baka kasi isipin ni mama mga bad influence kayo."
"Hindi yan!"
"Wag ka nga makulit dyan Deziree, pumasok kayo bukas nila Ash."
"ehhh, gusto ko kasama kasi kita bukas! "
"Dalawang araw lang naman ako wala Deziree eh."
"Kaso matagal na yun para sa akin! Wala akong mika-mika na matatawag."
"edi tawagan mo ako lagi bukas para hindi mo ako mamiss."
"Luuh, ikaw mamimiss ko? Di kaya." Tumawa ako sa sinabi niya.
"Sabi mo yan Deziree ha, wag mo akong tawagan bukas."
"Mika-mika naman eh!"
"Wala ka kasing makokopyahan ng assignment bukas."
"Oy, hindi lang ako ang nangongopya sayo maski sila Ash din noh."
"Defensive masyado." Narinig ko siyang tumawa.
"Online ka? Skype tayo nila Ash tapos group call tayo.Dali~"
"Sige sige."
"Teka ano muna username mo?"
"Mkacervantes, sige! Sa Video call na lang tayo usap."
"Okay~" Tas inend niya at kinuha ko ang tablet ko at nag-ol sa skype.Naghintay ako ng ilang minuto para iaccept yung request ni Deziree pagkatapos nun ay bigla siya nag-call.
"Hi everyone." Si Deziree at bumungad sa screen ko ang mukha ni Ash, Deziree at si Jerome.
"Oy Mikaela, wag mong titigan si Jerome." Napanguso ako sa sinabi ni Ash.
"Hindi ko naman siya tinitigan."
"Ayan ka nanaman Ash, aasarin mo nanaman si Mikaela." Sabi ni Jerome.
"At ayan ka nanaman Jerome, ipagtatanggol mo nanaman siya." Si Ash at narinig kong tumawa si Deziree.
"Onga Fafa Jerome, lagi ka na lang savior ni Mika-mika."
"Ano ba para sayo si Mikaela?" Mapang-asar na sabi ni Ash kaya napailing na lang ako.
"Alam na ni Mikaela yun." Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Jerome.
"Hala, may hindi ba kayo sinasabi sa amin?" Si Ash.
"Daya niyong dalawa! Anong meron sainyo ni Mika-mika?" Hinayaan ko lang sila magsigawan sa video call at nakinig lang ako sakanila, ang kulit kasi nila! Pinagkakaiisihan si Jerome para sa akin masaya na ako na espesyal ako para sakanya. :''>
"Oy Mikaela magsalita ka naman dyan." Tumawa ako kay Ash.
"Ingay niyo." Ayun na lang nasabi ko.
"Ayaw mo nun mabulabog ka!"
"Hindi pa ba kayo matutulog? Maaga pa pasok bukas." Sabi ko.
"Hindi nga kami papasok bukas Mika-mika!" Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Deziree.
"Pumasok kayo."
"Ayaw namin." Sabay pa nilang sabi kaya nagsitawanan kami.
"Bahala kayo, hindi ko kayo papapasukin sa bahay."
"Okay lang, doon lang kami sa labas ng bahay buong magdamag! Mag-iingay kami doon, di ba pre?" Loko-loko talaga toh si Ash ang daming naiisip na kalokohan eh.
"Luuh, wag niyo kong idamay." Seryosong sagot ni Jerome.
"Anong wag idamay? Kaibigan ka namin kaya dapat idamay ka namin." Nakinig lang ako ulit sa usapan nila at si Deziree naman kanta lang ng kanta pero sintunado naman.
"Mamimiss ko kayo." Bigla kong sabi kaya tumahimik sila.
"May problema ba Mika-mika?"
"Hmm, baka palipatin ako ng school o ang mas malala sa ibang bansa na ako mag-aral sabi ni mama."
"HA? ISANG TAON NA LANG OH!" Nagulat ako kay Ash nung sumigaw kaya tumawa siya bigla.
"Ang epic ng mga mukha niyo." Natatawa pang sabi ni Ash.
"Patay ka sa akin bukas Ash." Inis na sabi ni Jerome.
"Tumigil nga kayo dyan, kita niyong seryosong usapan to." Naiiritang sabi na din ni Deziree.
"Kaya kung balak niyong pumunta bukas sa bahay baka masamain lang ni mama kasi nag-iskip kayo ng klase. Gusto kayo makilala nila mama kasi kayo ang kaibigan ko pero ayaw ko kayong makilala sa ganung paraan."
"Naintindihan ko." Sagot ni Jerome.
"Sige, kung iyan ang gusto mo Mika-Mika."
"Okay! pero paano pala yung band practice niyo? e sa isang araw na yung rehearsal para sa school festival ha."
"Ha? Sa isang araw na ba Ash? Bakit hindi ko alam yun, patay ako nito. " Pumunta agad ako sa terrace para tingnan kung nandoon na si Zen at buti na lang bukas yung ilaw ng kwarto niya.
"Zen! Zen, nandyan ka na ba?!" Sigaw ko.
"Oy Mika-mika, anong ginagawa mo?"
"Magkatapat lang kayo ng bahay ni Zen?" Tumingin ako ulit sa tablet ko para makita nila ako.
"Kakausapin ko si Zen, kailangan niya kasi malaman na susupended ako at wala pa kaming naprapractice kasi."
"Ano, wala pa kayong practice?" Gulat naman ako sa reaksyon ni Jerome.
"Alam mo naman di ba hindi ako nakaattend ng band practice dahil sa nangyari, kaya kailangan ko siya kausapin."
"Hindi pa ba lumalabas sa lungga niya?"
"Ha, oo."
"Ganito sigawan mo siya ng Uod na payatot. Tingnan mo lalabas yan!" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Jerome, pero sa huli ginawa ko pa rin siya at lumabas si Zen na nakakunot ang noo.
"Anong tawag mo?" Waa, ramdam kong parang nainis si Zen.
"Wala akong kasalanan Zen , sinabi lang sa akin ni Jerome."Hinarap ko sakanya yung tablet at mukhang mas lalo siyang nainis.
"Talagang sinabi mo pa sakanya yung tawag mo sa akin dati." Sabi ni Zen, hinarap ko ulit yung tab sa mukha ko.
"end ko na yung call ha. Kailangan ko pa makausap si Zen! Bye, goodnight."
"Oy bakit mo ieend?"
"Makikinig pa kami."
"Wag!" Pero hindi ko sila pinakinggan at inend ko pa rin ang tawag sa skype.
"Ayun lang pala magpapalabas sayo noh? Uod na payatot." Sabay tawa ko ng malakas.
"Tss. babawian ko yun, dapat pagpasok mo bukas. Tawagin mo siyang Totoy torpe, ayun ang tawag ko sakanya." Tumawa ako ng malakas, totoy torpe. Di bagay kay Jerome!
"May kasalanan ka Mikaela." Napatigil naman ako sa pagtawa ng dahil sa sinabi ni Zen
"Sorry, kung hindi ako nakapuntang band practice. May nangyari kasi tapos suspended pa ako ng ilang araw. Kaya kailangan talaga kita makausap."
" Ilang araw ka suspended?"
"2 days."
"Tss. paano toh? Sa isang araw yung general rehearsal natin."
"Kaya nga e, sorry talaga." Natahimik kami ng ilang minuto at tumingin siya sa akin.
"Ganito, practice tayo ngayon na."
"Ha?" Pumasok siya sa kwarto niya at pagkalabas niya dala niya na yung gitara niya.
"Basta makinig ka lang sa sasabihin ko." Ayun nagsalita siya ng seryoso, nakinig ako sa pagiistrum niya at sinabi niya kung paano mangyayari tsaka kung ano yung balak nila.
Hindi ko aakalain na ganito pala si Zen, pagdating sa pagtugtog ay seryoso siya at ikiniganda nito ay detelyado talaga ang lahat kung baga naiimagine ko talaga ang mangyayari sa school festival kahit sa isang araw ay general rehearsal palang.
"Sige simulan natin."
" ~I gotta say..."
*********************
"Mika-mika."
"Waaa Deziree." Yumakap agad ako sakanya.
"Yo! Mikaela." Si Ash.
" eto na! School festival na natin." Sigaw ko sakanila, tapos na din ang exam week namin kaya school festival na at kapartner ng school namin ay ang Perez Academy ang school nila Zen, tutal malaki kasi ang school namin kaya ang school festival namin ay pinartner na sakanila.
"Do your best sa performance niyo mamaya." Masayang sabi ni Deziree.
"It's your time to shine!" Sabay palakpak pa ni Ash.
"Mikaela."
"Suzy." Ngumiti siya sa akin.
"Goodluck sa performance niyo mamaya ha, you did a great job nung band rehearsals kaya ngayon dapat mas lalo mong galingan." Hindi ko napigilang yakapin si Suzy at alam ko magtataka sila Ash sa ginawa ko.
"Thank you Suzy."
"Sige, maiwan ko muna kayo ha. Aasikasuhin ko pa yun iba." Sabay alis ni Suzy, ang bait niya talaga.Ang swerte ni Jerome para maging girlfriend niya si Suzy pero hindi ibig sabihin nun mawawalan na ako ng pag-asa noh.
"Oy ano yun Mika-mika?"
"Kailan pa kayo naging close ni Suzy?" Sabi na nga ba magtatanong sila eh.
"Hindi kong masasabing close na kami ni Suzy ha, pero naalala niyo ba yung dinala niyo ako sa clinic nandoon siya tapos nagkausap kami kaya ganun." Tumango-tango sila.
"Teka, bakit di niyo pala kasama si Jerome?" Tanong ko sakanila.
"ewan ko dun, kanina pang wala yung lalaking yun." Sabi ni Ash.
"Di man lang mag-goodluck kay Mika-mika. Malapit na mag-istart yung concert!"Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Deziree.
"Concert ka dyan." Natatawa kong sabi.
"Bakit madaming banda kakanta mamaya di ba? edi concert na din yun."
"ewan ko sayo Deziree, sige na pupunta na ako sa backstage!" Nag-okay sign sila sa akin at dumerecho na agad ako sa backstage.
"Baby girl!" Yumakap agad sa akin si mama at nagulat din ako nung sumama si papa sakanya.
"Papa, akala ko di ka sasama kay mama." Sabay yakap ko kay papa.
"Syempre ngayon ko lang makikita na kakanta ang baby namin sa madaming tao." Napangiti ako sa sinabi ni papa.
"eh si Ate Fajuzia, bakit wala?"
"Susunod siya baby girl."
"Waaa, kinakabahan tuloy ako mama." Hinawakan ni mama ang pisngi ko.
"Wag kang kabahan baby basta enjoyin mo lang ang performance mo mamaya." Tumango-tango ako.
"Mikaela." Tumingin ako sa tumawag sa akin at bigla siyang lumapit.
"Tito, tita nandito po pala kayo. Hello po."Sabay mano niya kila papa, nagulat ako sa ginawa niya. Lalo tuloy ako na-inlove sa ginawa niya, kasi nagbigay galang siya kila papa :''>
"Ikaw na ba yan Jerome? Binata ka na ha." Sabi ni mama.
"Haha. opo Tita.Sorry tita, kung di ko po napagtanggol si Mikaela nung -----" Hinawakan ni mama yung kamay ni Jerome .
"Salamat Jerome ha, lagi ka nandyan para sa anak ko." Nagkangitian lang silang dalawa.
"Jerome!!Halika na, mag-uumpisa na tayo." Nagtaka naman ako sa sinigaw nung isang lalaki.
"Sige po Tita at Tito, tututog na po kasi kami. Paalam po!" Sabay takbo ni Jerome palayo sa amin, teka? Ano tututog siya? Nasa banda ba siya?
"Baby girl, doon na kami sa upuan namin ha baka may umagaw pa! Nandito lang kami ni papa mo." Sabay halik ni mama sa pisngi ko at si papa naman yumakap sa akin. Natutulala pa rin ako sa sinabi ni Jerome, ang alam ko magaling siya sa sports ha? Hindi ko pa siya nakikita kahit kailan tumugtog.
"Woi!" Nagulat naman ako kay Zen.
"Zen."
"Natutulala ka na ha, kinakabahan ka ba?"
"Ha? Oo."
"Wag kang mag-alala Mikaela, sabay sabay tayong kabahan." Pabirong sabi ni Vince.
"Wag ka nga magbiro ng ganyan." Si Gunder.
"Tara na kailangan natin ayusin ang gagamitin natin." sabi ni Reginald, kaya sumunod agad ako.
"KYAAAA! ANG GWAPO GWAPO MO!"
"I LOVE YOU JEROME!"
"GO! JEROME!!!" Sino daw yung mga sinisigaw ng mga tao?Napasilip agad ako sa stage at hindi ko aakalain si Jerome ay may hawak na electric guitar.
"Hi! everyone we are The millenials and Im Jerome Cruz your vocalist and the lead guitar of the band." What? Nagbabanda talaga siya? Bakit hindi ko alam yun? Sa buong buhay ko na lagi kong inaalam ang buhay niya bakit ngayon ko lang nalaman na tumutugtog siya.
"Finally, may silbi din pala ang pagtuturo ko sakanya ng gitara noon." Napatingin ako kay Zen na ngayon nakangiti.
Top down in the summer sun
The day we met was like a hit-and-run
And I still taste it on my tongue (taste it on my tongue)
Ang lakas ng hiyawan ng mga tao nung tumugtog sila at hindi ko din maiwasan na makisali din sa hiyawan.
The sky was burning up like fireworks
You made me want you oh so bad it hurt
But girl in case you haven't heard
"Alam mo ba Mikaela lagi ako kinukulit niyan ni Jerome para turuan ko lang siya maggitara at sabi niya sa akin balang araw tututog siya at magpapasalamat siya sa akin."
"Mukhang naging maganda naman ang resulta eh. Great Job Zen!"
I used to be love drunk, but now I'm hung over
I'll love you forever, forever is over
We used to kiss all night, now it's just a bar fight
So don't call me crying
Say hello to goodbye
Sabay kami nakipag-hiyawan ni Zen kay Jerome, nakakatuwang isipin kahit may alitan silang dawala hindi talaga mawawala ang pagkakaibigan nila.
Cause just one sip would make me sick
I used to be love drunk, but now I'm hung over
I'll love you forever, but now it's over
Madami tao ang nagsipalakpakan nung matapos ng banda ni Jerome ang kanta,panigurado madami nanamang magiging fan girls ito. Niyaya na ako ni Zen na maghanda na kasi pagkatapos ng isang banda pa ay kami na ang susunod.
"Bago kami umalis dito sa stage, gusto ko muna magpasalamat sa taong nagturo sa akin kung paano maggitara! Oyy Uod na payatot salamat ha. Alam ko naririnig mo ako at pasensya na sa lahat pre, sa sunod natin pagkikita basketball tayo." Huminto si Zen sa pag-aayos at humarap siya sa akin.
"Sira ulo talaga yang crush mo." Tumawa na lang ako sa sinabi ni Zen.
"Zen." Napatingin kaming dalawa sa tumawag sakanya.
"Suzy?" Kung nagulat si Zen ng dahil tinawag siya mas lalo akong nagulat nung niyakap siya ni Suzy. Anong nangyayari dito? At mas lalo ako nagulat nung hinalikan ni Suzy ang pisngi ni Zen.
"May sasabihin ako sayo pagkatapos ng school festival." Sabi ni Suzy kay Zen at tumingin si Suzy sa akin.
"At may dapat ka din malaman." Sabay alis niya, ano nanaman yung sinasabi ni Suzy? Ang g**o niya nanaman.
==========
Vote.Comment.Fan
(C) AKOSICRAZYGIRL ♥