Foolish Heart [8]
Bakit parang pagod na pagod ang utak ko sa nangyayari sa akin? Waaa! Naiistress pa ako dahil malapit na ang exam namin tapos pagkatapos noon ay school festival namin at tutog kami. Tapos magpapakita ako sa buong School na kakanta. Huminga na lang ako ng malalim ,ganito pala feeling na maistress.
"Ice cream?" Sabay abot sa akin ni Jerome, nagtaka naman ako sakanya kung bakit niya ako binigyan nito.
"Favorite mo ang vanilla flavor di ba?Libre ko toh." Kinuha ko sakanya ang ice cream pero di pa rin nawawala ang pagtataka ko.
"Paano mo nalaman na paborito ko ang vanilla?" Ngumiti siya sa akin.
"Yung gradeschool tayo, naalala mo ba nung may sumagi sa vanilla ice cream mo. Umiyak ka ng malakas dahil sabi mo paborito mo iyon." Bigla ko naman naalala yun, kainis naman kasi di ba! Kumakain ka ng paborito mong pagkain tapos sasangian ka at di pa nag-sorry.
"Kaya binilhan mo ako ng bagong ice cream at hindi na ako umiyak ulit." Sagot ko sakanya at nakangiti naman siya.
"Tumpak! Kaya binigyan kita ng ice cream ngayon kasi mukhang iiyak ka e.Ano ba kasi iniisip mo?"
"Naiistress kasi ako, malapit na exam natin tapos mag-iisip pa kami ng kakantahin para sa school festival."
"Kaya mo yan! Ikaw pa." Nginitian ko na lang siya, Lunch time namin ngayon pero sa sitwasyon ngayon wala akong gana maglunch.
"Teka, bakit di mo kasama si Ash?"
"Kinakausap ni Coach mukhang may ginawang kalokohan, e ikaw bakit di mo kasama si Deziree?"
"Doon muna siya kila Reah, syempre bonding muna nila. Bakit si Suzy di mo kasama ngayon?" Napau-ob na lang siya sa lamesa at narinig kong napabuntong hininga.
"Busy sa plano niya para sa school festival."
"Oh bakit di mo siya tinulungan?"
"Ayaw niya, kaya wala naman ako magagawa."
"Bakit naman ganun?"
"Makakaistorbo lang daw ako sa SG room."
"Grabe naman siya!" Irita kong sabi pero tumawa lang si Jerome sa inasal ko.
"Ang cute mo talaga mairita." Bigla ako namula sa sinabi niya pero mas nagulat ako ng may pinunasan siya sa mukha ko.
"May ice cream ka sa mukha." Sabay ngiti niya sa akin, shemay feeling ko para na akong kamatis ngayon . Kinikilig ako at alam ko nakikita niya akong ganito kaya napayuko ako at hindi tumingin sakanya.
"Lakas talaga ng karisma ko sayo noh?" Sabay tawa niya kaya pinalo ko siya ng mahina sa braso niya.
"Kainis ka."
"Pero gusto mo naman." Tiningnan ko siya ng masama.
"Kaso paasa ka nga lang." Nahalatang nagulat siya sa sinabi ko at nagulat din naman ako sa sinabi ko pero ganun kasi pakiramdam ko.
"Ganun na ba ang nararamdaman mo na pinapaasa kita?" Umiwas ako sa tingin niya sa akin at inubos ko na lang yung ice cream.
"Sagot naman dyan Mikaela."
"Ako lang naman ang umaasa Jerome, ako lang nagiimbento sa sarili ko na may pag-asa ako sayo." Napatitig na lang siya sa akin atsaka bumuntong hininga.
"Akin na ang kamay mo." Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero hindi na ako nagdalawang isip na gawin yun, hinawakan niya ang kamay ko. Waaaa, kinikilig nanaman ako.
"Wag kang makikinig sa mga nagtsitsimisan sa atin sa akin ka lang makinig Mikaela." Napatango na lang ako kasi hindi ko na talaga alam ang sasabihin ko.Ang bilis ng t***k ng puso ko ngayon.
"espesyal ka sa akin Mikaela." Tama ba narinig ko? espesyal ako sakanya. Waaaaa!
"Hanggang doon lang ang masasabi ko ngayon." Sabay alis niya ng kamay sa kamay ko at ngumiti.
"Seryoso ka talaga Jerome sa sinabi mo?"
"Mukha ba ako nagbibiro?"
"Hindi, kailan pa ako naging espesyal sayo?"
"Masyado ka ng madaming tanong Mikaela." Napa-pout na lang ako sa sinabi niya pero siya tinawanan niya lang ako.
"Lagi mo na lang ako tinatawanan."
"Ang cute mo kasi, ay pwede ba ako manood ng band practice niyo mamaya?" Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Pwedeng-pwede! Di ko nga lang alam kay Zen? Di ba may alitan kayo."
"Hindi naman siguro damay ang problema namin sa panonood lang di ba?"
"Ikaw, bahala ka."
"Isasama ko naman sila Ash." Nag-okay sign na lang ako tas nagring na bigla ang bell kaya umakyat na kami agad ni Jerome sa Classroom namin.
Pag-akyat namin ni Jerome katulad ng dati maraming tao ang nakatingin sa akin. Sana'y na talaga ako sa ganitong tingin, hindi na talaga magbabago.Uupo na sana ako ng biglang may bumato sa akin ng papel at sinundan pa ito hindi ko na lang pinansin ito at umupo pa rin.
"Malandi ka."
"May Suzy na Jerome."
"Layuan mo siya."
"Malanding Mikaela." Susugurin sana sila ni Jerome pero pinigilan ko siya at tumayo ako para pulutin ang mga papel at tinapon sa basurahan sabay tingin ko sa mga bumato.
"Ituloy niyo lang ang pangbubully sa akin at patuloy ko parin itatapon ang kalat niyo sa basurahan dahil doon kayo bagay." Sabay ngiti ko sakanila.
"AYOOON! LUMALABAN NA SIYA ULIT." Sigaw ni Ash at nagsihiyawan din ang ibang naming klaklase. Tumayo yung limang babae, akala ko sila Deziree yung ganito di ko aakalain may papalit agad sakanila.
"Lakas ng loob mo porke't hinawakan ka lang ng kamay ni Jerome, ganyan ka na umasta. Tandaan mo may girlfriend siya at si Suzy yun. Kaya kung ako sayo dumistansya ka sa taong may girlfriend na. Respect naman girl!" Sabay taas niya pa ng kilay at umagree naman yung ibang babae.
"Magkaibigan kami ni Jerome." Maikli kong sabi tas tumawa lang sila.
"Imposible maging kaibigan mo ang taong gusto mo." Sabi ng isa at umagree nanaman sila.
"Grabe, galing ka pa naman sa angkan ng Cervantes ang kilalang Clothing Industry sa buong Pilipinas. Mahiya ka naman sa magulang mo Mikaela." Naikuyom ko ang kamay ko.
"Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?" Sinugod ko ng sampal ang klaklase ko at silang lima ay sinugod din ako. May mga klaklase ng umaawat sa amin pero hindi nila ako tinantanan ng dumating na agad ang teacher namin at pumagitna sa amin kaya napatigil kami.
"After this class, come with me." Sabi ng teacher namin, wala naman ako magagawa kaya susunod na lang ako.
"Mika-mika." Tiningnan ko si Deziree at nginitian.
"Okay lang ako."
"Gusto mo bigyan kita ng tip para di ka makasama sa guidance at makatakas sa parusa mo?" Napakunot-noo ko sa sinabi niya.
"Ha? Paano?" Nagulat ako nung sinuntok ni Deziree yung tyan ko kaya napahiga ako bigla.
"Maaam! Dalhin natin siya sa clinic, mukhang napuruhan nila." Ano ba pinagsasabi nito ni Deziree? Tatayo sana ako kaso bigla ako binuhat nila Jerome at dinala sa clinic. Anong trip nitong mga toh? Pagkadating namin sa clinic ay hiniga nila ako pero tatayo sana ako ulit kaso hiniga lang nila ako.
"Ito yung sinasabi kong paraan para makatakas sa parusa." Sabay kindat ni Deziree.
"Mali toh, kailangan ko bumalik doon at panagutan ang ginawa ko."
"Dito ka lang! Kaming bahala sayo, kami ang magiging witness sa ginawa sayo." Sabi ni Ash.
"Oo nga Mikaela, kaming bahala sayo." Napatawa na lang ako sakanila.
"Mga baliw ba kayo, kahit kayo pa ang maging witness may CCTV tayo sa room."
"Ay oo nga." Si Ash.
"edi ibig sabihin nakita din yung pagsuntok ko sayo?" Si Deziree.
"Oo, kaya wala ding silbi tong plano niyo."
"Pero kailangan ka naman talaga dalhin sa clinic dahil may sugat ka oh." Natuwa naman ako sa pag-aalala ni Jerome.
"Bumalik na kayo sa room, magdidiscuss pa yun si Maam. Papahinga na lang muna ako dito." Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko at umalis na din. Ginamutan na din ako ng nurse at nagdesisyon akong magpahinga dito muna.
"Sa dami naman na magdadala sayo yung boyfriend ko pa." Napatingin ako sa kaliwa ko at nabigla ako nung hinawi ni Suzy yung kurtina na pumapagitna sa amin. Ibig sabihin kanina pa siya dito sa clinic.
"S-suzy."
"Balita ko magkahawak kayo ng kamay kanina sa canteen ha."
"Yung k-kanina---"
"Hindi mo kailangan magpaliwanag, may tiwala naman ako kay Jerome. "
"Pero---" Ngumiti siya sa akin.
"Wag kang mag-alala hindi naman ako galit sayo. Alam ko namang espesyal ka kay Jerome."
"Hindi ka galit?" Umiling-iling siya.
"Hindi."
"Selos?" Napatitig siya sa akin.
"Oo, pero anong magagawa ko? Special friend ka ni Jerome." Special friend ako? Hmm, sabagay magkaibigan kami.
"Sorry." Ayun na lang ang nasabi ko nagulat ako nung lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi mo kailangan mag-sorry Mikaela, alam naman halos sa buong school na may gusto ka kay Jerome at nirerespeto ko yung nararamdaman mo sakanya at alam ko ganun ka din sa akin." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you, akala ko talaga galit ka sa akin." Tumawa na lang siya.
"Hindi ah pero hindi ibig sabihin nito Mikaela, hinahayaan na kita kung anong gusto mong gawin kay Jerome ha."
"Hindi naman ako ganun Suzy."
"Titingnan ko yan Mikaela." Ngumiti ako sakanya.
"Bakit ka pala nandito sa clinic?"
"Masakit kasi ulo ko, siguro dahil kakaiisip para sa school festival."
"Hmm, ganun ba? Sige baka naiistorbo kita. Pahinga ka muna dyan."
"Alam mo bang nag-away kami ni Jerome." Nag-away sila? Ang alam ko hindi lang siya pumayag na tumulong si Jerome sakanya, hmm ibig sabihin nag-away na sila nun.
"Hindi kasi ako pumayag na tumulong siya sa akin para sa school festival kaya kami nag-away." Dagdag niya.
"Naikwento niya nga sa akin kanina." Napatango naman siya.
"Ganun ba, kaya ayaw ko siya tumulong dahil kausap ko si Zen sa cellphone nun."
"Bakit sinasabi mo sa akin toh Suzy?" Napahiga siya sa kama at bumuntong hininga.
"Hindi ko kasi alam kung kanino ko ilalabas tong pinagdadaanan ko."
"Ha?"
"Kung sa buhay ni Jerome espesyal ka sakanya, sa buhay ko naman ang taong espesyal sa akin ay si Zen at alam ko ng dahil sa akin nag-away silang dalawa." Nagulat ako sa sinabi niya, ibig sabihin importante pa rin sakanya si Zen.
"Kung alam mo naman pala bakit hindi ka gumawa ng paraan para maayos ang pagkakaibigan nila?"
"Sinubukan ko kaso ayaw ni Jerome."
"Bakit ganun ba talaga kalaki ang galit ni Jerome kay Zen?"
"Si Jerome kasi yung tipong tao na once na parang tinarydor mo ay hindi na mababalik ang tiwala niya ulit sayo."
"Pero sa ginagawa mo sakanya ngayon hindi ba parang mali."
"Hindi lang ako Mikaela, parehas kami. Siguro naging huli na ang lahat at ngayon palang kami natatauhan." Napakunot-noo naman ako sa sinabi ni Suzy, hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
"Balik na ako sa classroom Mikaela, thank you sa time." Ngumiti ako sakanya.
"Thank you din Suzy." Aalis na sana siya kaso humarap siya ulit sa akin at
"Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan mo talaga ha." Sabay alis niya, ano nanaman sinabi niya? Ganon ba talaga pagmatalino ang isang tao kung anu-ano ang sinasabi?
Hindi ko maintindihan si Suzy.
===================
Vote.Comment.Fan
(C) AKOSICRAZYGIRL ♥