Foolish Heart [7]
"Zen, may tanong ako sayo." Nandito kami sa terrace ni Zen at nag-uusap lang kahit gabi na, katulad ng sabi niya kanina mag-usap daw kami.
"Ano yun?"
"Magkaibigan ba kayo ni Jerome?"
"Hmm Dati."
"May nangyari ba sainyo dati na hindi maganda?"
"Kababata ko kasi sila ni Suzy, nagkasiraan lang kami ng pagkakaibigan nung sinabi kong girlfriend ko sakanya na girlfriend ko na si Suzy."
"Pero alam mong may gusto si Jerome kay Suzy dati pa?" Ngumiti siya sa akin.
"Oo." Tiningnan ko siya agad ng masama.
"Ang sama mo namang kaibigan, bakit mo naman ginawa yun?"
"Ayaw ko lang kasi laging nakikita si Suzy na umiiyak ng dahil sakanya , kaya ang ginawa ko pinamukha ko kay Jerome na girlfriend ko si Suzy."
"Umiiyak?"
"Lagi kasing binabalewala ni Jerome si Suzy noon, napakatorpe kasi nung tao na yun.Siya kasi yung tipo na kahit gusto niya na binabalewala niya yung nararamdaman niya, gagawa na lang siya ng paraan pagmay ibang lalaki na ang umaagaw ng atensyon nung babae." Natahimik ako bigla sa sinabi ni Zen, naalala ko kasi yung sinabi ni Jerome kanina. Na ayaw niya si Zen para sa akin na ang sabi sa akin naman ni Ash, nagseselos lang daw si Jerome. Syempre ako binalewala ko na lang yung sinabi ni Ash kasi ayaw ko naman umaasa pero sa sinabi ni Zen ngayon parang nabuhayan ko, maari kasing may pag-asa ako kay Jerome. KYAAAAAAA!
"Woy, ang lawak ng ngiti natin dyan ha." Tumawa na lang ako.
"May naalala lang kasi ako."
"Bakit naisip mo bang may pag-asa ka na sakanya?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya tumawa siya sa akin ng malakas.
"Tse!"
"Halata kasi sa mukha mo na si Jerome ang iniisip mo." Napanguso ako sa sinabi niya.
"Halata ba?"
"Oo, ano ba nagustuhan mo sakanya?"
"Hmm, sabihin na lang natin siya yung prince charming ko na savior ko din." Tumango-tango siya sa sinabi ko.
"Itulog mo na nga lang yan Mikaela." Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Ano ba, walang basag trip Zen." Nag-okay sign lang siya sa akin at tumingin siya sa langit at tinitigan ito.
"Ganda ng langit noh." Napatingin naman ako doon.
"Ganda nga eh, galing ni bro noh?"
"Magaling talaga si Bro, kaya matulog na tayo Mikaela kasi maaga pa pasok natin bukas." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Sige, Goodnight."
"Goodnight maga." Napakunot noo ko sa sinabi niya.
"Maga ka dyan!"
"Taba kasi ng pisngi mo Hahaha." Magsasalita pa sana ako kaso pumasok na siya sa kwarto niya kaya napailing na lang ako at pumasok na din. Humiga ako sa kama ko at tiningnan ang cellphone ko, nagulat ako nung mabasa ko na may text sa akin si Jerome.
-*Pwede ka ba makausap?
Hindi na ako nagdalawang isip na reply-an siya baka kasi may problema siya kaya piniem niya ako o kaya baka sabihin niya sa akin na may gusto talaga siya sa akin? Hahhaa. Ang feeler ko talaga.
-* Ano yun?
Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi siya nagtext back, hindi kaya tulog na siya? Baka nga, anong oras na din eh pero biglang nagring ang phone ko , Si Jerome tumatawag sa akin.
"Uhmm Hello Jerome."
"Mikaela, sorry sa sinabi ko kanina ha." Nabigla naman ako sa sinabi ni Jerome, hindi man lang maghello muna. Straightforward agad.
"Kalimutan na natin yun, alam ko namang concern ka lang sa akin dahil kaibigan kita."
" Oo, aminin ko sayo ha. Dati kong kaibigan si Zen ayoko lang kasi ikaw mapalapit sakanya dahil may alitan kami pero napag-isipan ko, Hindi ko dapat ginagawa yun dahil ikaw ang may gusto na makipagkaibigan sakanya kaya dapat labas na ako doon." Napabuntong hiningan ako sa sinabi ni Jerome.
"Naiintindihan ko."
"Sige na, matulog ka na."
"Ikaw di ka pa matutulog?"
"Hindi pa, tatawagan ko pa si Suzy e."
"Ahh ganun ba, sige. Goodnight Jerome." At inendcall ko na agad, tinakpan ko ng unan ang mukha ko at huminga ng malalim. Bakit hindi ko alam na may something sakanila ni Suzy? Hays, nasasaktan nanaman ako kaya itutulog ko na lang ito kaysa umiyak nanaman ako ulit sakanya.
Bwisit.
****************
"Goodmorning Maga." Sabay pisil ni Zen ng pisngi ko, tss. Gandang bungad nito paglabas na paglabas ko ng bahay namin nakita ko siya na kakalabas din sakanila at grabe ngiti yung bungad niya.
"Morning mo mukha mo." At hinawakan ko ang pisngi ko para maalis yung pagkamanhid ng pisngi ko dahil sa ginawa ni Zen.
"Sabay na tayo pumasok, tutal parehas lang naman ang way natin."
"Basta lilibre mo ako?"
"Wow." Tumawa ako sa reaksyon niya di niya siguro aakalain na magsasabi ako ng ganun.
"Ito naman binibiro lang kita! Tara na baka malate pa tayo." Pumara kami ng trike at sumakay ito. Nagulat ako nung nagback ride siya at ako lang ang nasa loob. Hindi naman ako ganun kataba para magback ride siya. Pagkalabas namin sa gate mag-aabot na sana ako ng bayad para sa trike kaso nagulat ako nung si Zen na mismo ang nagbayad sa pamasahe namin.
"Libre na kita." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Thank you payatot!" Napakunot yung noo niya pero tinawanan ko lang siya.Naghintay lang kami ng jeep ng masasakyan na may maalala akong tanong para sakanya.
"Bakit di mo ako tinabihan sa trike?" Napangiti siya sa tanong ko.
"Baka kasi ayaw mo akong katabi kaya nagback ride na lang ako."
"Ha? Bakit ko naman iisipin ang ganun?"
"Kung hindi mo iniisip yung ganun, ako lang ang nag-iisip. Nirerespeto lang kasi kita, syempre babae ka mamaya baka isipin mo sa akin masyadong close sayo." Tumawa ako sa dahilan niya at guguluhin ko sana ang buhok niya pero nakaiwas ito.
"Ayaw mo magpagulo ng buhok?" Tanong ko sakanya pero inayos-ayos niya yung buhok niya.
"Ayaw ko lang na naguguluhan ang buhok ko."
"Ang arte mo."
"ewan ko sayo." Pumara siya ng jeep at nagulat ako nung inalalayan niya ako umakyat sa jeep at siya pa ang nagbayad ng pamasahe namin. Grabe, hindi ako sanay na may ganitong lalaki yung tipong maginoo.
"Salamat Zen ha." Ngumiti ako sakanya.
"Utang mo yun." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Hala ka."
"Ang bayad doon ay dapat lagi kang pupunta sa band practice natin." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
"Loko ka." Tumawa lang siya.
"Para sigurado ako na nasa banda ka na namin."
"Ano ba Zen, sinabi ko na nga sainyo na kasali na ako di ba."
"Naninigurado lang naman ako."
"Tse, akala ko pa naman maginoo ka na."
"Akala mo lang yun. Bleh!" Tumawa ako sa ginawa niya, di kasi bagay sakanya. Ang tangkad niya tas payat tapos gagawin niya yun sa akin.
"Oy Maga, bumaba ka na dyan." Napatigil naman ako sa pagtawa, bwisit toh si Zen nandito na pala kami malapit sa school. Kaya bumababa na agad ako at pagkababa ko ay bigla niyang pinisil yung pisngi ko at pinalo-palo ko ang kamay niya.
"HAHAHA. nakakatuwa talaga yung pisngi mo." Tiningnan ko siya ng masama at hinawakan ko ang pisngi ko. Guguluhin ko sana yung buhok niya kaso nakaiwas siya agad pero hindi ako sumuko pinipilit ko parin abutin yung buhok niya. Tumalon-talon pa ako para magulo yung buhok niya kaya nagpiggy back ride agad ako sakanya.
"Oy maga, alam mo ba yung ginagawa mo ngayon." Seryosong sabi ni Zen kaya imbes na magugulo ko na yung buhok niya, napansin kong may mga tao na nakatingin sa amin. Patay, panigurado bagong tsismis nanaman toh tungkol sa akin. Kaya bumaba agad ako at inaayos ang damit ko.
"Kaaga-aga ang sweet niyo na agad." Biglang bungad ni Ash.
"Mika-mika, ikaw ha." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Deziree, narinig kong tumawa si Zen kaya tiningnan ko siya ulit ng masama.
"Hindi ako pupunta sa Band practice. Nainis ako sayo!" Sabay derecho lakad ako papasok sa school namin pero nagulat ako nung sinundan ako ni Zen.
"Uy Maga, sorry. Hindi ko naman aakalain na maiinis ka sa ginawa ko e." Pero hindi ko siya pinansin at derecho lang ako sa paglalakad kaso napatigil ako nung makita ko si Suzy at Jerome na magkasama. Hihilain ko sana si Zen para hindi niya makita ito pero mukhang huli na yata ako kasi nakatingin na silang dalawa sa amin ni Zen.
"Mikaela." Napatingin naman ako kay Zen.
"Tandaan mo, kailangan mong tanggapin lahat para magising ka sa katotohanan." Napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya.
"Pumunta ka na sa school niyo." Sabi ko na lang pero hindi siya nakinig sa akin at nagulat ako sa ginawa ni Zen dahil lumapit pa siya kila Jerome na kanina pa nakatingin sa amin kaya lumapit na din agad ako.
"Nalaman ko kay Mikaela na kayo na pala, Congrats Suzy." Nakangiting sabi ni Zen, nanatili parin si Jerome na nakatingin sa amin at si Suzy naman ay ngumiti sa sinabi ni Zen.
"At nalaman ko din kay Jerome na si Mikaela na pala ang bagong vocalist. Congrats din sainyo." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Suzy, shemay ba't parang di ko nagugustuhan ang nangyayari ngayon. Magsasalita sana si Jerome pero biglang nagring yung bell ibig sabihin magsisimula na ang general assembly namin.
"Sige na Maga, alis na ako. Sorry ulit." Tapos ginulo ni Zen ang buhok ko at nagpaalam pa siya kila Suzy pagkatapos ay umalis na din agad ito. Okay, kasama ko na lang ngayon ay silang dalawa. Nasaan na ba sila Ash? Bakit ba kasi hindi sila sumunod kay Zen kanina. Kaya ayun pumila na kami para sa general Assembly.
"Kayo ba ni Zen?" Napa-ubo naman ako sa tanong ni Jerome.
"Hindi ah." Napansin kong nakatingin lang sa akin si Suzy, may problema ba sa akin?
"Ikaw ba yung Mikaela?" Tanong ni Suzy.
"Ahh. Oo." Nginitian niya lang ako at nakinig na lang sa assembly. Anong nginingiti niya? Tss. Nagulat ako nung may biglang kumalabit sa akin at pagkaharap ko sila Deziree na ang nasa tabi ko.
"Oh nandyan pala kayo." Sabi ni Ash, ang tinutukoy niya ay sila Jerome.
"Ganun ba kami kaliit para di mo makita?" Si Jerome.
"Hindi ko lang kasi kayo talaga napansin kasi ito si Deziree sabi niya hanapin ko si Mikaela dahil alam niyang badtrip nanaman ito." Nagtaka naman si Jerome sa sinabi ni Ash.
"Badtrip kanino?"
"Kay Zen, mukhang nag LQ yata sila. Samantalang kanina bago pumasok sa school ang sweet pa nila tapos biglang nag-away. Ang cute nga nila e." Tiningnan ko ng masama si Ash, napakadaldal.
"Ang daldal mo Abo." Tumango-tango ako sa sinabi ni Deziree.
"Mukhang kayo yata ni Zen e." Nagulat ako ng bigla nagsilata si Suzy at napatingin naman sila Ash sakanya.
"Ha? Hindi nga. Magkaibigan at kapitbahay ko lang siya." Pangiti kong sabi sakanya pero ewan ko ba ramdam ko sakanya na parang may gap kami. Wala naman akong ginagawa sakanya at hindi ko naman inaagaw sakanya si Jerome. Magsasalita pa sana siya ng nagsimula na ang national anthemn kaya pagkatapos nun ay hindi na kami umimik.
Pagkatapos ng general assembly ay pumunta na kami sa classroom namin na IV-ever at katulad nga ng inaasahan ko pagpasok ko ay bulung-bulungan nanaman ako.
"Malandi talaga siya."
"Oo nga, akala ko si Jerome lang maski si Zen din pala."
"Lahat na nilandi niya, yung sikat na musician sa Perez Academy grabe wala na siyang tinakasan."
"Akala mo kung sino."
"Aba---" Sasabat sana si Deziree pero hinila ko ang kamay niya.
"Wag mo na silang patulan." Napabuntong hininga na lang siya at yumakap sa akin.
"Mika-mika, nandito lang ako ha." Napangiti naman ako sa sinabi niya, ganun din ang sinabi ko sakanya nung parang niligtas ko siya sa kuya niya.
"Alam ko."
"Drama niyo dyan ha." Singit ni Ash kaya tiningnan ng masama ni Deziree ito.
"Alam mo lagi ka na lang epal, kung hindi epal napakadaldal. Bakla ka ba ha?" Iritang sabi ni Deziree, hay nako! Magsisimula nanaman sila , ayoko na silang pakinggan. Isasalpak ko sana yung earphones sa tenga ko pero nagulat ako nung kinuha ni Jerome yung isa at nilagay ito sa tenga niya.
"Patugtog ka na, ayaw ko din sila marinig mag-away eh." Tumawa na lang ako sa sinabi niya.
"Bakit ba sila ganyan lagi na lang nag-aaway?"
"Onga eh, di pa kasi sila umamin na gusto nila ang isa't-isa." Nagulat ako sa sinabi ni Jerome ibig sabihin alam niyang may gusto si Deziree kay Ash.
"Alam mo?" Tumawa si Jerome.
"edi totoo nga na may gusto si Deziree kay Ash." Napanga-nga ako sa sinabi niya.
"Ibig sabihina nanghuhula ka lang?"
"Hindi, nahalata ko lang." Sabay ngiti ni Jerome sa akin.
"Wag ka na lang maingay kay Deziree ha, baka magalit yun sa akin."
"Wag kang mag-alala hindi naman ako katulad ni Ash na madaldal." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Tingnan mo kanina si Zen ngayon si Jerome naman."
"Malandi talaga siya."
"Bakit ba siya naging kaibigan nila Deziree."
"Hindi marunong makuntento."
"Manahimik kayo ha." Sabi ni Jerome na ikinagulat ko kasi bigla ba naman lumapit sa mga nagbubulungan. Hays, eto nanaman si Jerome. Ipinagtanggol nanaman ako laban sa mga katulad nila pero after naman nito balewala lang naman ako sakanya.
"Nice one pre." Bati sakanya ni Ash at nakipaghigh five pa ito. Umupo ulit sa tabi ko si Jerome at tumingin ako sakanya.
"Hanggang kailan mo ba ako ipagtatanggol ?" Nagtaka naman si Jerome sa tinanong ko kaya napangiti na lang ako.
"Wag mo na lang isipin yung tanong ko." At dumating agad ang titser namin para sa firt subject pero natahimik ako sa sinabi ni Jerome na hindi ko alam kung tatalon na yung puso ko sa sobrang tuwa hindi ko aakalain yung sasabihin niya. Naninibago ako sayo Jerome.
"Hanggang sa buhay pa ako Mikaela, lagi parin kitang ipagtatanggol."
============================
Vote.Comment.Fan
(C) AKOSICRAZYGIRL ♥